ETHAN'S POV
Hindi na nga maganda na wala akong tulog. Ganito pa ang nangyari sa umaga 'ko. Ni hindi man lang maghiwalay 'yung dalawa. Tuwang-tuwa ba sila na magkasama sila? They're enjoying this, right?
"Saan ulit ang punta?" tanong ni Callum na inaantok pa.
"Oh, Shun will guide us today." sagot ni Chloe habang nakaturo sa lalaki niya.
Guide? Baka i-guide 'ko siya sa dulo ng bangin? Ano ba kasing ginagawa niyan dito? Panira siya ng bakasyon eh.
"Bakit siya?" tanong uli ni Callum.
"Because he lives in Japan." sagot uli ni Chloe. "He knows a lot of places."
"Eh si Florence?" tama 'yan. Magtanong ka nang magtanong. Kumukulo ang dugo 'ko sa pagmumukha niyang lalaki niya.
"It's okay, man. Marami na sigurong lugar na hindi pa alam ni Florence." bigla ay singit nung bisita. "Ako na bahala sa inyo."
Ang yabang, pucha.
Bakit pa ba ako sumama rito? It's like torturing myself! Nakakairita. Talagang pagtapos akong tanungin na kung handa na ako, bakit hindi pa ako bumalik? Tapos biglang kinabukasan may ibang lalaki agad?
Puta. Kumalma ka nga!
"Oh, look!" lahat kami ay napahinto nang malakas na sumigaw si Scarlett. "Chloe! Si Naruto 'yon, 'di ba?"
"Huh? Saan?!" halos magliwanag ang mga mata niya nang makita ang shop na puro ang cast ng Naruto ang bida. "Hala! Papasok ako!" she yelled before running to enter the goddamn shop.
Wala tuloy kaming nagawa kundi ang pumasok din sa loob.
Puro mga fans ng anime na 'yon ang nandito. May mga cosplayers pa na 'di 'ko mawari ang buhok. 'Di 'ko naman kilala ang iba pero kung tatanungin si Chloe, kilala niya 'to lahat.
"It's Sasuke. Ang gwapo 'di ba?" she was talking to her friends. "Ah, iyan? Si Sakura 'yan, my favorite character!"
"Anong power niya?" Charlotte asked.
Tumingin na ako ng mga kung ano-ano sa paligid pero ni isa wala akong maintindihan.
"Strength. Malakas siya. Tapos may medical ninjutsu rin siya. She's perfect!"
Ha. Kung makapagsalita. Siya rin naman perfect.
"Who's this guy covering his face?" bigla ay tanong ni Callum.
"Si Kakashi, sensei nila,"
Marami pa akong narinig na 'di 'ko mawari kung ano. Iinisin 'ko lang lalo sarili 'ko kaya tumingin na lang ako sa mga mini figurines ni Naruto.
Sa sobrang tuwa ni Chloe, ang dami niyang binili. 'Di lang siya 'yung natuwa kasi tuwang-tuwa rin 'yung staff sa dami ng benta niya
"Where to next?" gano'n? Gano'n siya kasaya habang ako rito, iniisip kung maaalala pa niya?
"Saan mo gusto?" tanong pabalik ni Shun. Parang nasa sarili nilang mundo. Wala man lang makaistorbo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...