35

676 15 5
                                    

JAYDEN'S POV





[Otw na ako ah. See you!] Sent 43 minutes ago.

Seen.






"Ang babaeng 'yon talaga! Ni hindi man lang nag-abala na magreply! Paano na lang kung maaksidente ako?!" Nakakasama talaga si Florence ng loob.






43 minutes na kaming walang contact. Panigurado na nando'n na siya pero nandito pa rin kami ni Hina. Speaking of the devil. Tinignan 'ko ang batang nasa likuran habang naglalaro sa iPad 'ko. "Hoy Pandak! Late ka na sa fondation ng school mo pero chill ka pa rin diyan!"






Ngumuso siya. Ni hindi man lang ako sinagot. Kung ano-ano kasi tinuturo ni Ate Hana sa isang 'to! Nahahawa na 'yung bata!






"It's your fault, Tito Jay. Ang tagal mo bumangon." Angal naman niya. Tito. Ayon ang alam niyang relasyon namin. Tito lang niya 'ko. Hindi magkapatid.






"Still your fault, Pandak. Bakit kasi 'di mo 'ko ginising ng maaga? Inabot tuloy tayo ng rush hour." Turo 'ko sa traffic na 'di na umusad. "Nasa'n ba kasi si Ate…"






Tinignan ako ni Hina at parang naglit up ang mukha niya nang marinig ang sinabi 'ko. "Si Mommy, Tito?"






Iniwas 'ko na lang ang tingin sa kanya at kunwaring tumawa. Bakit ang bigat sa pakiramdam magsinungaling sa bata? 






"Sa trabaho, 'di ba? Kaya nga ako 'yung sinabihan na sumama sa 'yo eh." 






Tinignan 'ko sa rearview mirror si Hina at humaba na ang nguso niyang parang starfish. "I miss Mommy, Tito."






Ano na lang kaya mararamdaman ni Hina kapag nalaman niya na hindi niya Mommy si Ate kundi kapatid din niya? Na magkakapatid kaming apat nina Jayson? Na siya ang bunso at hindi siya ampon? 






"Iuuwi kita mamaya," mahina 'kong sambit. Parang naghihiwa na naman ng sibuyas si Florence kaya nanunubig ang mga mata 'ko. Kainis! "Ayan, umandar na!" Salamat naman umandar na 'yung mga kotse!






Mabuti na lang ay nakarating na agad kami sa school ng batang 'to. Siya ang nauna at dahil elementary student pa lang siya ay kaylangan niya ng magulang o kaya guardian daw para sa family day. 






"Si Ate!" Turo niya sa babaeng nakatayo sa harapan ng school habang tumitingin sa relo na suot. 






Agaw pansin siya dahil sa kagandahan niya. Para siyang bulaklak sa kagandahan. Ang ganda na ngang panoorin, ang ganda pang pagmasdan, ang ganda ring ngumiti, maganda pa ugali, at bukod sa lahat, ang ganda-ganda niya mag-isip. 






Siguro agaw pansin siya dahil sa dilaw niyang dress, at mahabang buhok. Halata naman na nagpaganda siya para sa foundation day ngayon ng school ni Hina, ni hindi naman halata na mukha siyang Mommy, mukha lang siyang kapatid ng kapatid 'ko…






Ah, hindi pwede! Hindi naman ako makakapayag na magmukha kaming magkakapatid! Nandiri ako sa naisip 'ko!






"Ate Florence!"






Lumingon siya sa 'min, at putangina, bakit pakiramdam 'ko, nagslowmo siya habang kinakaway ang kanan niyang kamay na may suot na bracelet. Kaakit-akit 'yung maganda niyang ngiti. "Dito!"






In love na in love lang ba talaga ako sa kanya kaya kahit boses lang niya, pinapatibok ng ganito puso 'ko? Konti na lang, mababaliw na talaga ako sa isang 'to.






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon