CHLOE'S POV
Maga ang mga mata ‘ko na tumitig sa labas ng bahay nila Ethan. Malakas rin ang ulan at hindi ‘ko na mabilang kung naka-ilang sinok ako.
“Jusmiyo Marimar! Ang usapan kasi, iinom lang ng alak! Walang iyakan! Walang suguran! Ano ba naman ‘to, Lord!” Reklamo ni Dennis habang pinipigilan ako sa braso ‘ko. “Hoy! Parang tanga naman eh!”
But still, I remained in my posture outside Ethan's house. Ang balita ‘ko kasi, bumili na siya ng sarili niyang bahay pagka-graduate namin ng college. That was a month ago. Ngayon ‘ko lang napuntahan kasi ngayon lang naman ako naglasing.
I didn’t know that alcohol could help me gather confidence.
“Chloe naman! Ang lakas ng ulan!” I took a deep breath ‘saka ‘ko inayos ang damit ‘kong basang-basa na. “Nakikita ‘ko na bra mo!” Hinubad agad niya ang suot na jacket at sinuot sa katawan ‘ko. “Kahit kelan ka talaga! Sakit sa ulo!”
Sumandal ako sa gate ng bahay niya. Maganda kahit nandito lang ako sa labas. ‘Yung garahe niya ay puno ng iba’t-ibang klase ng sasakyan. Of course, that’s their business. Mula rito sa labas ay tanaw ang beranda ng kwarto sa taas. Bukas ang ilaw. Is he home? Siya ba ang gumagamit ng bukas ng ilaw?
My heart throbbed harder when Ethan turned off the light in his room. Sobrang dilim na sa bahay niya. Ang dilim-dilim. Mukhang patay ang nakatira rito. The atmosphere. The aura of his house is so sad.
“Chloe!” Tawag ulit sa 'kin ni Dennis.
Lumingon ako sa kanya. Basang-basa rin siya at tanging shirt na lang ang suot dahil pinahiram niya sa ‘kin ang jacket niya.
“Ihahatid na kita sa bahay mo!” Malakas niyang sabi dahil malakas ang ulan, hindi kami magkarinigan. “Let’s go!"
Hinawakan niya ang kamay ‘ko pero hindi ako gumagalaw. Nakatingin pa rin ako sa kwartong namatayan ng ilaw. I started walking near the gate. I held the railing while staring at the room. Si Ethan, he’s inside, right?
Huminto sa paghatak sa ‘kin si Dennis at rinig na rinig ‘ko ang buntong hininga niya. Lumapit siya sa ‘kin at inis na ginulo ang buhok. “Why… just why are you doing this to yourself?” Inis niyang tanong. “That guy… he cheated. Tapos iiyakan mo? Ilang taon na kayong hiwalay!”
Tinignan ‘ko siya at mas tumulo lang lalo ang mga luha ‘ko. “Moving on was never easy.”
Huminga siya ng malalim bago bitawan ang kamay ‘ko. Tinakpan niya ang mukha at do’n sumigaw ng frustration niya. “Chloe naman? Alam ‘ko, mahirap ‘di ba? Parehas kayong nahihirapan kaya ‘wag mo na hayaan na magkita kayo ngayon dito.”
Napapikit ako nang mariin nang may ilaw na tumutok sa mukha ‘ko. I opened my eyes at nakita ko na nakatutok sa akin ang headlights ng kotse na bagong dating.
“Tangina.” Dennis whispered. Inis niyang ginulo ang buhok bago pumunta sa harapan ‘ko at takpan ako. “Diyan ka lang Chloe.” He even gritted his teeth.
Narinig ‘ko ang pagbukas ng pinto ng kotse. Anong oras na, ah? Sinong dadalaw kay Ethan nang ganitong oras?
Humawak ako sa damit ni Dennis nang maramdaman ang antok. Damn. Ang dami ‘ko naman kasing ininom! Takang lumingon sa ‘kin si Dennis pero bago pa niya ako matanong ay napaupo na ‘ko sa lapag. “Chloe!” Hindi agad ako nakatayo dahil bukod sa basang-basa ako ay napapagod ako.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...