SCARLETT'S POV
Dahil sa nangyari noong meeting ay hindi ako nakaattend sa birthday ni T. I didn't even know that he had a party and I wasn't there. Siguro ay inaya niya ako pero dahil sa photoshoot ng airline ay nawala iyon sa isip 'ko.
The media was asking why didn't I showed up that night. Hiwalay na raw ba kami? It was my mistake. Ako dahil nakalimutan 'ko. Hindi rin pinaalala ni ate Ciara ang tungkol do'n dahil alam niyang gustong-gusto 'kong makita si Bailey.
Kaya naman naghanda ang management ng surprise birthday party para kay T. Kaming dalawa lang naman ang nando'n but of course, may mga hinire silang photographer para kuhaan kami. Lalabas na wala ako sa party niya dahil may sarili kaming celebration. T knew that this isn't my idea. Ni regalo nga na ibibigay 'ko ay hindi rin totoong galing sa 'kin.
I actually bought a gift for him. It's a rolex watch. Dahil model siya ng relo, naisipan 'ko na bilhan siya ng gano'n. Sana magustuhan niya.
Inayusan nila ako ng puting dress na hanggang knee. Lugay ang mahaba 'kong buhok dahil backless ang dress. Nilagyan din nila ng makukulay na bulaklak ang buhok 'ko at pinatungan pa ng flower crown. They invested their time trying to make me a bride. The hell. Paniguradong pagtatawanan lang ako ni T.
On the way sa venue ay nakatulog ako. Siguro sa pagod na rin dahil tinapos 'ko ang mga photoshoot. I think it's past 8 when we arrived in La Union. Gano'n kalayo ang byinahe namin. Niretouch ulit ng team 'ko ang makeup pati ang buhok 'ko.
Good thing they didn't ask me about the meeting with Bailey. Alam ng team 'ko ang relasyon 'ko sa isang iyon. Minsan tuloy ay nasisiraan na 'ko ng bait. How could I not appreciate these people before? Ang bait-bait na nila sa 'kin ngayon.
"Oh, bakit nakanguso ka?" tanong ni Ate nang makabalik sa van at nakitang nakanguso lang ako sa hawak 'kong regalo ng management.
"Just thinking." muli 'kong tinignan ang regalo pero sa cellphone sunod na napunta ang paningin 'ko.
"Thinking ng ano?"
Ngumuso ako habang nakatingin parin sa phone 'ko. "Just this and that.."
Pumasok siya sa loob ng van at sinara ang pinto. "Were you waiting for his text?"
Nangunot ang noo 'ko. Kunwari pang hindi 'ko alam eh alam 'ko naman ang sinasabi niya. "Ha? Why? Bakit ako maghihintay?" I'm not waiting for his call or text! But really, bakit umaasa pa ako? I just miss his random texts, 'yun lang talaga promise!
"If not, then give me your phone."
"No!" angil 'ko at tinago sa bag 'ko ang cellphone 'ko. "What if bigla ako tawagan ni Mommy? O kaya ni Ate Sesly? Ha! Unbelievable." umirap ako pero ang totoo ay ayokong kunin niya dahil baka biglang magtext si Bailey at hindi 'ko pa masagot.
Tinawanan lang ako ni Ate kaya mas napanguso ako. "Glad we came that meeting," nang lingunin 'ko siya ay nakangiti na siya, "if we didn't, then you're probably staring somewhere while drinking beer."
Gano'n ang nangyari sa 'kin nitong mga nakaraang buwan. Tulala habang umiinom ng beer. Dahil nga sa puro inom ako, sinanay 'ko rin ang sarili 'ko na every other day dapat ako mag-exercise dahil bad for the health ang pinaggagagawa 'ko.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...