CHLOE'S POV
Tanging tunog ng mga papel lang ang narinig namin sa apat na sulok ng kwarto nang ibato ni Prof. Reyes ang mga test papers namin sa ere. Gano'n na lang siya kagalit nang makita ang mga scores namin sa exam niya.
"Block one pa man din kayo pero mas nataasan pa kayo ng block 2! 'Di ba kayo nahihiya?!" Malakas niyang sigaw. Isa-isa niya kaminh tinignan at nagsiyukuan naman ang mga kaklase 'ko. Ako lang ang may lakas ng loob na labanan ang titig ni Ma'am Reyes.
Si Katelyn nga na baliw kinalaban 'ko. Ikaw pa kayang normal na tao, Ma'am?
Matagal kaming nagtitigan hanggang sa siya na ang sumuko. See? Walang mananalo sa 'kin sa kamalditahan.
"Magpasalamat na lang kayo at si Mendez ang highest sa buong major niyo!" Asik na naman niya at inirapan kami. "Hinatak niya ang mga grade niyo pero hinatak niyo lang din siya paibaba! Sayang lang si Mendez rito!"
Tinignan ako ng mga kaklase 'ko. Ang iba ay humingi ng sorry at ang iba naman ay inirapan lang ako. Wala akong pake sa kanila kaya hinayaan 'ko na lang ang pagtingin nila sa 'kin. Tutal, sila lang din naman ang mapapagod sa mga ginagawa nila.
Hanggang sa pag-uwi ay baon 'ko ang kawalang gana sa buhay. Iba-iba ang schedule naming apat kaya minsan na lang kami magkita kahit nasa iisang bahay na lang kami. Nakakamiss din pala ang mga babaeng iyon.
Umakyat ako sa kwarto 'ko at sinarado ang pinto. Humiga agad ako sa kama 'ko at wala pang segundo ay nagsimula na namang tumulo ang mga luha 'ko. Niyakap 'ko ang sarili 'ko at sinubukan pakalmahin pero tanging iyak lang ang nagawa 'ko.
Masakit kasi eh! Sobrang nasasaktan ako sa mga nangyayari!
Hindi 'ko namalayan kung gaano katagal na akong umiiyak. Kaya nang marinig 'ko na may pumasok dahil tumunog ang gate, mabilis akong tumayo at pumunta sa banyo. Hinubad 'ko ang damit at binabad ang sarili sa shower.
Ilang segundo lang, may kumatok na sa pinto 'ko. Si Florence.
"Chloe! Ang aga mo, ah? Wala ka na klase?" Rinig 'kong tanong niya mula sa labas ng pinto ng banyo.
"Oo! Cancelled 'yung isa kasi tinatamad 'yung professor!" Malakas 'kong sagot para marinig niya. Bukas kasi ang shower at mahihirapan siyang intindihin ako kung magsasalita lang ako ng normal. "Sayang lang sa baon kaya umuwi na 'ko!"
"Sana all…" natawa kami parehas. "Sige na! Dumaan lang ako rito kasi naiwanan 'ko 'yung portfolio 'ko para sa project namin… kainis!"
"Sige na! Ingat ka, ah? Text mo 'ko!"
"Sure! Ingat ka rin! Pahinga na!"
Nang marinig 'ko ang pagsara ng pinto ng kwarto 'ko, saka 'ko lang pinatay ang shower. Basang-basa ang katawan 'ko at nilalamig ako pero bakit wala lang 'yon lahat? Namamanhid na naman yata ako eh.
Huminga ako ng malalim bago kinuha ang towel at pinunasan ang sarili 'ko. Lumabas ako at nagbihis ng damit. I layed down on the bed and tried my best to sleep. Kaso gano'n na lang ulit ang panghihinayang 'ko nang may tumulo na namang luha sa mga mata 'ko.
"Same old Chloe…" bulong 'ko bago yakapin ang unan at isiksik ang ulo ro'n. "No one… will love you…" puno ng pait 'kong bulong...
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...