07

2.5K 93 12
                                        

SCARLETT'S POV




"Will you be okay alone?" Binuksan ni Ate ang kurtina at ang AC sa living room habang so Honey ay dumiretso sa kwarto ko. Siguro para icheck kung may something ba sa kwarto ko.





'Yung encounter ko kanina sa stalker ay isang wake-up call. Hindi biro ang mga kayang gawin ng stalkers. Kaya nila maging aggressive, maging baliw. Sigh. Kelan ba nila maiisip na iba ang pagmamahal sa pagiging obsessive?





Umupo ako sa couch at kinuha agad ang cellphone ko. Natatakot ako. Kaylangan ko ang mga kaibigan ko. Kahit alam kong busy sila ay tatawag pa rin ako. Natatakot ako, ayokong mag-isa muna ngayon. Tinawagan ko ang number ni Florence na agad niyang sinagot kahit alas dose na ng madaling araw.





["Hmm, hello?"] Tahimik sa kabilang linya, she's probably resting now. ["Congrats nga pala sa show mo ah! Magaganda ang reviews and trending ka sa Twitter nationwide and worldwide! Iba na ang powers ng BFF ko! Hahaha!"]





Napangiti ako. Hindi sila naka-attend ngayon dahil busy kami sa mga trabaho. Lalo na si Charlotte dahil nasa duty siya sa Hospital. Si Chloe naman ay hindi gano'n makausap.





["Hey, you okay?"]





Huminga ako ng malalim bago ko kagatin ang kuko sa daliri. "Can you stay with me tonight? Please?"





["Of course,"] binaba niya ang tawag kaya binaba ko na rin ang telepono.





Sa kalutangan ko ay naintindihan ko na lang ang sinabi ni Ate na aalis na sila pagkarating ni Florence. Mukhang nasabi na rin niya sa management ang nangyari sa akin at sa pagtulong ni T kanina. Si Bailey ay hindi ko magawang tawagan dahil ayokong mag-alala lang siya ngayon.





"She's here," anunsyo ni ate. Nang lumingon ako sa pinto ay halos mapaiyak ako nang makita si Charlotte, Florence at Chloe.





Si Chloe ay kita ang takot at galit sa mukha. Si Florence ay nag-aalalang lumapit sa akin. Si Charlotte ay nanatiling nakatingin sa akin kahit kita ang takot sa mukha niya.





"We heard what happened, fuck! Are you okay Scarlett?" Bungad ni Chloe nang lapitan ako at salubungin ng yakap. "Damn it!"





Iyak na lang ang nagawa ko. Nakakatakot talaga ang stalker na 'yon! Kung hindi dumating si T ay baka ano na ang nagawa niya sa akin! Para siyang sinaniban sa sobrang pagka-obsessed niya!





"Scarlett, girls, we'll go ahead. Babalik ako rito bukas ng umaga. Please stay with her." Nginitian ni Ate ang mga kaibigan ko bago sila tahimik na lumabas. Si Honey ay patuloy ang paghingi ng sorry sa akin bago magpaalam na uuwi na rin.

Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon