19

2.2K 103 5
                                    

SCARLETT'S POV



"Totoo?!" ilang beses 'kong pinabalik-balik ang tingin kala T at Czarina na magka-holding hands na pumasok sa agency! Sila nga?! So totoo 'yung rumours?!




"Oo nga!" naiinis nang sagot sa 'kin ni Czarina. Hindi parin ako makapaniwala!




"Oh my god! Congrats!" tumayo ako at patakbong lumapit sa kanila. Agad 'ko silang niyakap! My god! Bagay na bagay sila! "Congrats!" malakas na natawa si Troy at hinawakan pa ang bewang ni Czarina. "Hala kayo oh..."




"Ikaw, 'musta na kayo?" bigla ay tanong ni Cza.




"Nino?" alam 'ko naman ang tinutukoy nila pero ang lakas ng loob 'ko na magmaang-maangan pa.

"Your ex! Si Bailey, duh?" nagkatinginan kami ni T at sabay na natawa.




Mukhang wala na nga siyang pake kay Bailey. I knew it, bagay sila. Sadyang naguluhan lang si Troy dahil nagkita ulit kami kaya akala niya siguro ay mahal parin niya ako. When in fact, he already moved on from me. Talagang nakakatakot kapag nagkakamali ang isang tao 'no? I never thought I'll see them like this.




"Kami na," sagot 'ko at napangiti na lang nang maalala ang proposal niya sa 'kin noong nakaraan. "Ulit."




Akala 'ko ay pasasabugan nila kami ng congratulatory messages dahil ayon ang nakasanayan. Pero mas nagulat ako nang iextend ni T ang mga kamay niya at niyakap ako ng mahigpit. "I'm happy that you found happiness with him,"




Hindi ba't mas nakakagulat na sinasabi mo 'to? Tanggap na niya talaga ang relasyon namin ni Bailey. Bukod pa ro'n ay mahal niya si Czarina. Mas masaya ako para sa kanilang dalawa.




I hugged him back. "Ako rin. I'm happy you found happiness with her," parehas kaming natawa.




Nang maglayo kami ay kung ano-ano na naman ang napag-usapan namin. Nalaman 'ko na nandito sila sa agency para sa Paris fashion week sa susunod na buwan, invited silang dalawa. Unluckily, I turned down 'yung offer sa 'kin. It's not that I'm tired or what, but, I just want to give way to other aspiring models to shine. Hindi sa pagmamalaki pero alam 'ko na kapag umattend ako as model do'n ay maaagaw 'ko na naman ang spotlight. So, I decided to attend as ambassador na lang. Still, I'll watch the entire show with my boyfriend! Sakto pa na isa sa artist si Chloe. She'll attend too!




"Sino nga palang kasama mo?" nilapag ni T ang kapeng inorder niya para sa 'ming tatlo. "Iced americano for you, milk okinawa for love," nagkatinginan pa kami ni Czarina nang isa-isahin ni T ang orders namin.




"Love, pwede ka na maging waiter," pambubuyo ng babaeng nasa harapan 'ko. "Aside from your looks, promise! You can be a waiter!"




Siniringan siya agad ni Troy, "if I do what you said, anong makukuha 'kong kapalit?" taas noo pang tanong niya.




"Kapalit?" tumaas din naman ang kilay ni Czarina. She crunched her nose and raised her eyebrow even more. Pwede na siyang mangain ng tao. "...sweldo?" parehas kaming natawa ni Troy sa uri ng sagot ni Czarina.




"Ang sweet ah?" sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita at nakita namin si Anya na bagong dating. She's wearing her designer clothes. A pair of green slacks and light green turtle neck. She's with her expensive accessories na mararamdaman mong pinagmamayabang niya. "Hello!"




Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon