ETHAN'S POV
Acute appendicitis. Ayon ang explain sa 'kin ng doctor ni Chloe. Major operation daw ang kaylangan do'n kaya sinalang siya agad sa operasyon. Kanina pa ako naghihintay sa labas pero ilang oras na, wala parin siya.
"Ito oh," hindi 'ko nilingon si Dennis nang dumating siya. "Tubig. Pampakalma."
Ayoko sana tanggapin pero tinanggap 'ko na lang. Kaibigan pa rin siya ni Chloe. "Salamat."
"Wala yon," mahinang sagot niya bago tumabi sa 'kin at tignan din ang pinto ng O.R. "Wala pa rin ba balita?"
"Wala pa," mahina 'kong sagot.
Matagal siyang tumahimik at pinasasalamat 'ko yun. Kahit ngayon lang kami nagkausap, nalaman 'ko na sobrang daldal niya. Kung ano-ano rin ang lumalabas sa bibig niya tungkol sa kung saan-saan.
Pero ni isang beses, hindi siya nagkwento tungkol kay Chloe. Wala siyang binabanggit sa naging karanasan ni Chloe dati. Hindi 'ko alam kung pasasalamatan 'ko yun o ano.
"Ayos na kayo?" Bigla ay tanong niya.
"Oo," maikli 'kong sagot.
Tinawanan niya 'ko. "Ang iksi mo sumagot 'no? Parehas na parehas kayo." Sambit niya habang umiiling.
Hindi 'ko siya sinagot. 'Di 'ko alam kung nakuha ba niya sa 'kin yon o nakuha 'ko sa kanya. Ganun naman na siya simula nung high school kami. Ang hirap niyang kausap kasi 'di ka niya sineseryoso. At some point, seseryosohin ka niya bigla. Then all of a sudden, bigla ka na lang niya hihindian. Biglang tatakasan. Ayaw niyang magpatulong tapos wala na! Mangangapa na ulit ako.
"I got it from her." Buong tapang 'kong sagot habang nakatingin sa pinto.
"Halata naman," sagot niya habang natatawa-tawa. "Kakaiba si Chloe 'no?"
Now we're talking about her.
Lumingon ako sa kanya. More interested to listen to his blabbering.
"She's weak but at the same time, strong. I wanted to protect her but before I could even raise my finger, she had already protected herself." Napangiti siya sa sinabi niya na animo'y nagfa-flashback pa sa isip niya ang bawat ginawa ni Chloe noon. "There was a time when I got a confession from random girls, it was valentine's... Chloe saved my butt from them."
"Anong ginawa niya?" Curious ako pero ayoko rin malaman. Parang nagseselos na agad ako.
Nilingon niya ako at walang alinlangan na sinagot ang tanong 'ko. "Tinignan lang niya yung mga babae. Natakot yata sa tingin niya. Hahaha!"
Natawa ako at nailing. Kahit naman ako natatakot sa tingin niya. Akala mo kung sino siyang mangangain ng buhay. Sa tuwing titingin siya sa 'kin dati, pakiramdam 'ko nakaharap 'ko yung demonyo na kakain sa buong pagkatao 'ko. Nakakatakot yung mga mata niya. They speak of her emotions. They speak what's inside her mind. Pero sa tuwing magsasalita naman siya, palagi niya pinaparamdam sa 'kin na normal lang siya na tao. Na looks can be deceiving.
"I can attest to that," bulong 'ko.
"Kaya wala rin akong naging girlfriend nun kasi palagi siyang nasa tabi 'ko." Malakas siyang tumawa. "Pero 'di naman ako naghahanap kaya hindi 'ko na rin pinansin."
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...