BAILEY'S POV
Ang huling text niya sa 'kin ay pupunta raw si Gamboa sa bahay niya. Wala naman siyang sinabi kung bakit pero hindi na ako nagtanong pa. May tiwala naman ako sa kaniya. Pero may dalawang oras na ang huli niyang text sa 'kin. Iniisip ko lang kung ano na ba ang nangyari kaya wala pa siyang nasasabi sa 'kin.
"Hyung," 'di man lang inabala ni Bo Ram ang sarili na kumatok sa kwarto 'ko nang puntahan ako.
"Oh?" binaba 'ko ang telepono sa gilid at nilingon ang daga. "Bakit?"
Kinukusot niya ang mga mata at kelan ba niya ihihinto ang ginagawa? Parehas sila ni Scarlett. Gusto ba nila dumugo mga mata nila? Ano bang meron sa pagkusot sa mga mata? Naglalaba ba sila?
"I can't sleep," aniya. "Can I sleep here?"
Tumaas ang kilay 'ko. "Ayoko nga," matanda na siya! Ano bang nangyayari rito? Kapag ako ang kasama niya ay halos isumpa niya ako pero kapag si Scarlett na ang nasa harapan niya ay para siyang bumalik sa pagiging baby! "Pumunta ka kay Dave,"
Inismiran ako ng pinsan 'ko, "Dave's not my family," aniya.
Isip-bata man si Bo Ram kapag nasa harapan ni Scarlett, ganito talaga siya kapag ako na ang nasa harapan. Kung kausapin ako ay dinaig pa si noona sa tuwing kakausapin ako!
Tumabi na lang ako para makahiga siya sa kama ko. Minsan lang niya ako lapitan kaya bahala siya riyan. Totoo namang inaalagaan ko siya. Mukha na nga niya akong katulong. Mabuti na lang talaga at nandiyan din si Dave para alagaan ang dagang 'to.
Niyakap niya ang dalang unan at tinalikuran ako. Tumalikod na lang din ako dahil ayokong mayakap ang isang iyan.
Pinatay ko ang lampshade, "jal ja," sambit 'ko at kinomportable na ang higa ko.
Ngunit nag-ingay lang si Bo Ram. Sayang 'yung pagsabi ko ng sleep tight sa kaniya. Tch. "Hyung, I talked to omma and appa earlier and they wanted me back to Seoul next week,"
Mabuti pa nga. "Arraseo," para namang wala na akong makitang daga rito.
"Hyung..." he called me again.
"Oh?"
"Nan wonhaji anh-a..."
Bumuntong hininga ako at binuksan ang lampshade. Naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Gano'n din ang ginawa ni Bo Ram na umupo pa sa harapan 'ko at dinaganan ang mga binti. Para siyang bata na handa na makinig sa galit 'ko.
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...