28

1.7K 62 14
                                    

ETHAN'S POV





"It was the Manila Sedan model we released back in 1998." The team leader of the research department answered my father's question.







"How much was it again?" Tanong naman ni Dad habang ang paningin nasa binabasa niyang papel. Multitasking. Hindi 'ko yata kaya yung ginagawa niya. 







"Sir, its price was around one million." Sagot naman ng presenter na nasa harapan. 







"The exact price?" 







Iniwas 'ko ang tingin kay Dad. Ayoko na ako naman ang sunod niyang tanungin. Tapos na ako sa mga recitation na yan. Graduate na nga ako sa school e. Tapos na rin ako sa thesis at defended yun. Pero tuwing nasa meeting kami, kinakabahan pa rin ako. Feeling 'ko kaylangan 'ko laging sumagot kapag 'di alam ng mga presenter ang sagot sa tanong. 







Alam 'ko ang mga sagot sa tanong kasi inaaral 'ko. Inaaral 'ko kasi sa uri ng trabaho na meron kami at posisyon na pinanghahawakan 'ko sa kumpanya, kaylangan alam 'ko lahat. Pati history kung paano nabuo 'to. Kung sino ang mga stockholders. Kung sino yung mga unang tumulong sa 'min noong nagsisimula pa lang ang pamilya 'ko sa gantong negosyo. Pati siguro ang mga problema na kinaharap ng kumpanya simula una, inaral 'ko na rin.







Yung mga panahon na nagsisisi ako sa nangyari sa 'min ni Chloe, tinuon 'ko na lang yung atensyon 'ko sa pag-aaral ng kumpanya.







Kahit na mahirap, dinaan 'ko na lang sa pagte-training yung sakit. Yung panghihinayang pati yung galit. Lahat tinuon ko sa kumpanya. Sa pinaghirapan ng Lolo 'ko at ng Tatay 'ko. 







"Sir, that was twenty-two years ago…" may alinlangan sa boses ng presenter. Halatang natatakot na.







Sino ba namang hindi matatakot sa Tatay 'ko? Ako ngang anak pinilit niya rito. Nagawa nga niya sa 'kin yun. Pano pa kaya sa empleyado lang niya?







Umangat ang tingin ni Dad sa presenter at tumaas ang kilay niya. Halos lahat ng board of directors napalunok at napaayos sa pagkakaupo nang makita ang pagseseryoso ng President. 







"How long have you been working here?" Maawtoridad na tanong ng President.







"Two years, Sir…" 







Sinara ni President ang folder laman ang mga papel na binabasa niya. Nilapag niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa bago inisa-isa ang team ng research department. 







"So... are you telling me that you work in my company for two years, been in the research department for two years… yet you haven't read a single piece of report of one of our released cars twenty-two years ago?"







Kita 'ko ang takot sa mata ng presenter. Pati ng team niya, kita 'ko na ang takot at pangamba na baka topakin ang President at tanggalin sila bigla sa trabaho.







"Sir, we're deeply sorry." Hingi niya ng tawad at yumuko pa. "We focused on the released cars five years ago up to present." Nanginginig ang boses niya. Parang kahit anong segundo pipiyok na siya at iiyak.







"Five years was just the guide but you should have considered the last twenty years as the guideline because your report is about the rate of our released cars." Mahinahon na pagkakasabi ni President pero nandun pa rin yung pananakot niya. 







Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon