24

2K 86 11
                                    

CHLOE'S POV


I've built up my strength to talk to him. Iyon naman kasi talaga dapat. Ilang beses 'kong kinunsinte ang sarili 'ko para kausapin siya ng maayos. 'Yung walang sigawan, 'yung mature, 'yung walang nagagalit. I want a peaceful and understanding talk. Closure. Iyon ang plano 'ko.


Jayson helped me and it was really helpful. Gusto 'ko siyang pasalamatan kaya I wanted to pay for the ramen kaso inunahan na niya 'ko.


"Ako dapat ang nagbayad." I told him after he gave his credit card. Jayson looked at me and scoffed, as if he heard something malicious.


"You should have given your card faster." He whispered but I heard him! Humarap siya sa cashier. "...doko ni shomei sureba īdesu ka?"


Tinuro ng babae na nakasuot ng kimono ang line sa baba ng resibo. "Koko," she pointed the line at agad naman pumirma si Jayson. "Arigatō, mata modotte kite kudasai.." she said while bowing her head.


Jayson smiled at her.


"Narinig kaya kita." I told him nang harapin niya ako ulit.


"Sorry, sadya 'yon." He looked at me and waved his card in front of my face. "Tara, hatid kita sa inyo."


Nauna siyang lumabas sa 'kin kaya sinundan 'ko siya hanggang sa makalabas na kaming dalawa. Dahil umaga pa lang, sobrang sariwa ng hangin at gano'n na rin ang alon ng dagat, ang kalmado. The sound was so alluring and it made me happy. Nang tingnan 'ko si Jayson, he's already looking at me.


"Saan kayo nags-stay? Hatid na kita." He asked and he looked at his watch.


Lumapit ako sa kanya at huminto sa harapan niya. "Umalis ako,"


Agad nangunot ang noo niya. "Huh? Pinagsasabi mo?"


I laughed at him. "Tumakas ako…" mas kumunot ang noo niya kaya wala na akong choice kundi ang aminin sa kanya ang nangyari kagabi. "Fine. Pinuntahan 'ko kasi si Ethan sa park pero nakita 'ko! May kausap siyang babae!" Napanguso ako at pinaglaruan ang buhangin na tinatapakan 'ko. "And I got jealous… tapos ayon, umalis na 'ko. End of my tragic story."


Akala 'ko makiki-simpatya siya sa akin pero bigla na lang niya akong binatukan sa ulo! "Aray! Masakit 'yon!" Sigaw 'ko at gagantihan sana siya pero agad siyang umiwas. "Ha!" Akala ba niya hahabulin 'ko siya? Manigas siya! "Bahala ka sa buhay mo! Engot!"


Sa sinabi 'ko ay napatigil siya sa pagtakbo. Gulat niya akong tinignan at bagsak ang balikat na lumapit ulit sa 'kin. O, kita?! Lalapit din pala tapos tatakbo-takbo pa! Ang gulo lang!


"Hindi ako engot!" Aniya at babatukan sana ulit ako pero naagaw ng tunog ng cellphone niya ang atensyon niya. Someone is calling him. "Pasalamat ka tumatawag girlfriend 'ko…"


Siniringan 'ko siya. "Pake 'ko?"


Mas nainis lang siya sa sinabi 'ko. Mabuti na lang ay sinagot na niya ang tawag at naglakad palayo sa akin. Akala naman niya ay pakikinggan 'ko 'yung kaharutan niya.


After minutes of waiting, bumalik si Jayson na busangot ang mukha. He gave me his phone na kahit nagtataka ay tinanggap 'ko.


'My girlfriend <3' pa ang pangalan sa contact niya.


"Kausapin ka raw…"


Huh?! Bakit?! Para saan?! Ayoko nga!


Binalik 'ko sa kanya ang phone niya. "Wala naman akong ginawang masama, ah?!"


Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon