04

2.4K 103 9
                                    

BAILEY'S POV





Umalis lang ako sa kwarto niya nang sumapit ang alas tres ng madaling araw. Lumabas ako ro'n at pumasok sa kwarto kung saan niya ako palaging pinapatulog. Sa kwarto kung saan may nangyari sa amin. Hinubad ko ang suot na coat saka 'yun pinatong sa upuan. Dumiretso ako sa kama at nahiga para magpahinga.





"Damn it," bulong ko bago kunin ang telepono sa bulsa at tawagan si Dave, paniguradong tulog na siya pero kaylangan ko siyang tawagan.





Lagot sa akin ang publisher na 'yon!





Sa unang tawag ko ay hindi niya nasagot pero sa pangalawa ay sinagot na ng antok na antok na si Dave. "Hello?" Ako na ang naunang magsalita.





Sumandal ako sa headboard ng kama habang ang paningin ay nasa bintana.





[Good evening, sana alam mo na madaling araw na, Bailey Caleb?] Inis niyang bungad. [Anyway, why did you call this late? Wala ka raw rito sa bahay?]





"I'm in Scarlett's house," sagot ko, ang paningin ay nasa bintana pa rin, "tulungan mo ako hanapin 'yung publisher nung article. Hanapan mo ako ng magaling na abogado, 'yung magpapakulong sa publisher, I will not let this pass,"





[I'll do that later,] sa sagot niyang 'yon, panigurado na alam na niya ang mga nangyari sa girlfriend ko, [what else do you want me to do?]





Sandali akong napatahimik. Bukod sa mawala ang article na 'yon, gusto ko rin maging maayos na ang girlfriend ko. Hindi ako ayos sa ganitong nangyayari sa kanya pero wala na magagawa si Dave ro'n, ako na ang bahala na maging ayos ang nobya ko.





[Bailey Caleb? You still there?]





"Oo, nandito pa," pinikit ko ang mga mata, nag-iisip ng magandang plano para mawala na ang problemang 'to, "for now, pahanapan muna ako ng abogado, kakasuhan ko ang publisher na 'yon,"





[Noted]





"And.."





[And what?]





"I want to take down the articles about this, as much as I don't know how to do this but I want to clear her name, this is a misunderstanding," minulat ko ang mga mata at napabuntong hininga, "talk to GLC to partner up with this case, ayoko na mauulit 'to,"





Bumuntong hininga ang kausap ko, [and as much as I want to help you Bailey Caleb, you know that I'm only your worker in the company, right? I will do everything I can, I'll use your family's connection but take note that my help will be limited,] naiintindihan ko 'yon, 'di naman malaki ang hinihiling ko sa kanya. [Wait for my call later, Sir.]

Together, You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon