Time frame: 3 years after graduation in College.
BAILEY'S POV
Hanggang ngayon ay parang binabato sa utak ko ang mga habilin ni Noona bago ako sumakay sa eroplano pauwi sa Manila. Dahil sa Seoul ang main company ng mga Smith, si Noona na ang bahala ro'n, kasalukuyan siyang nag-aaral kung paano patatakbuhin ang kompanya kapag nag-retire na si Daddy sa President seat dahil si Noona ang papalit.
Ako? Director pa lang ako sa kompanya namin. Isa pa, ayoko humawak ng mabigat na pwesto! Bata pa ako masyado para sumakit ang ulo sa negosyo namin! Si Lolo naman ay nakaupo pa rin bilang Chairman, siya na nga lang ang bahala sa airport.
Kaya nang maamoy ang sariwang hangin ng Maynila ay nanabik na naman ako na makita ang pinakamamahal kong babae! Sinundo ba niya ako? Sana! Pero mukhang malabo dahil sikat na artista ang nobya ko, baka pagkaguluhan lang siya rito.
"Hyung, tara na, wala ka sa runway!" Agad na sumimangot ang mukha ko nang marinig si Bo Ram-- ang pinsan ko na sa akin napiling manatili habang bakasyon niya, tch! Bakit ba kasi sa akin sumama ang batang 'to! "I'm starving!"
"Hindi ako ang kainan!" Reklamo ko sa kanya saka ko siya siniringan at hinarap si Dave na may lahing Koreano pero sa akin nagtatrabaho, may tanda lang siya sa akin ng pitong taon, he's thirty-two years old. Fluent siya sa salitang Tagalog kaya hindi ako nahihirapan na makipag-usap sa kaniya. "Ipahanda mo na ang makakain ng daga na 'yan sa mansion," utos ko kay Dave na tinawanan muna ako bago sinunod ang sinabi.
"Hyung! I'm not a rat!"
"Mukha lang pala, tch," singhal ko sa kanya saka siya inirapan. "Nasaan na ba ang kotse natin?" Gusto ko na puntahan si Scarlett! Sinabi ko sa kanya na ngayon ang uwi ko pero hindi ko alam kung may oras ba siya para makita at masundo ako. 'Di naman na ako bata para magtampo lalo na't busy siya sa trabaho niya, we're professional now, he-he.
"Bailey Caleb, Bo Ram, the car is waiting outside the airport," magalang na sagot ni Dave. "Let's go to the mansion," trabaho ni Dave na masiguro na ligtas kami ni Bo Ram, lalo na ang dagang 'to. Matagal naman na akong mag-isa sa bahay pero ngayon lang may mag-aalaga sa amin dahil sa batang 'to!
Pero hindi pa man din kami nakakalabas ay pumila na ang mga staff sa dinadaanan namin tatlo at sabay-sabay na yumuko. "Good morning, Sir. Smith!" Sabay-sabay rin nilang bati sa amin.
"Good morning!" Bati rin ng batang 'to. "Mababait naman pala sila Hyung, ikaw lang ang masama ang ugali," sinaaman ko ng tingin si Bo Ram. "Just stating a fact."
"'Di mo pa nga ako gano'n nakakasama eh! Judger ka ah?" Hinubad ko ang shades sa mata at halos siringan pa ang batang kasama ko! "Matanda ka na Bo Ram, learn to act like one!" Pero tinawanan lang niya ako. "Aba!"
"Look who's talking, arguing with a fourteen year-old kid?" Saka siya tumawa nang tumawa na humawak pa sa tyan niya! "Anyway, gutom na talaga ako, hindi ako kumain sa Korea bago sumakay sa eroplano eh," hinimas na niya ang tyan saka ngumiti sa akin, "binilin ako ni Eomma at Appa sayo Hyung habang nagbabakasyon ako rito sa Manila, now, I want bulgogi,"
BINABASA MO ANG
Together, You and I
RomanceSeason 2 of YMJAIYB Does falling in love have to do with everything? Their dreams, the choices of their families, the spotlight, and the trauma love brought them. Can love really bring you happiness but at the same time, pain? Does it really have to...