Chapter 8: Caitlin Spencer

20K 600 15
                                    


Chapter 8: Caitlin Spencer

Bella's POV

NAGISING ako nang may yumuyugyog sa balikat ko kasabay ng isang tapik sa mukha. Antok na antok pa ako. Alas siyete na kasi ako nakabalik dito sa dorm galing sa Royal Mystic Forest. Dahil sa paghahanap ko sa falls napuyat pa ako. Ngunit ilang oras na akong naghanap, muntik pa nga akong maligaw, wala talaga akong nakitang falls. Dismayado man ay bumalik nalang ako dito sa dorm at ipagpaliban nalang ang paghahanap. Kakausapin ko nalang si Elrea sa isip ko at magtatanong tungkol sa falls.

Binuksan ko ang isang mata ko. Medyo blur pa ang paningin ko kaya hindi ko maaninag ang taong gumising sa akin.

"Wake up, Sleeping Beauty." Narinig kong wika ni Snow. May narinig akong nagtawanan.

Pero hindi pa rin ako dumilat. Naramdaman kong pumapadyak na si Snow.

"Ano ba yan? Ang hirap talagang gisingin nitong si Bella." Narinig kong reklamo ni Snow.

"Ano ba kasi ang ginawa niya kagabi at napuyat yan?" tanong ni Xandra.

Wow. Nandito pala ang mga mabubuti kong kaibigan.

"Ewan ko nga kung saan galing eh, tinanong ko naman siya kagabi ang sabi niya nag-iisip lang." Sagot ni Snow.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin.

"Hala! Gisingin niyo na yang Lola niyo kung ayaw niyong ma-late." Narinig kong saad ni Carmen.

Anong oras na ba? Late na ba talaga kami? Nagpasya na akong idilat ang mga mata ko. Tumambad sa kin ang mukha ng aking mga kaibigan.

Naghikab ako. "Anong oras na ba?" tanong ko habang bumabangon. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko.

"Bangon na, Sleeping Beauty. Male-late ka na. Baka nakalimutan mo Monday ngayon. History class by Professor Wales. Kung ma-late tayo ng isang minuto, tiyak malilintikan tayo." Mahabang litanya ni Snow. Sumimangot ako. Oras ang tinanong ko. Ang haba na nang sinabi niya. At saka pakialam ko ba kung ma-late ako? Wala akong paki kung anong gawin niya, noh. Mas marami akong iniisip kaysa pagtuunan ko siya ng pansin.

"Oh, shaaa! Alis na! Una na kayo sa clasroom. Susunod na ako. Hiya naman ako sa inyo. Bihis na bihis na kayo." Pagtataboy ko sa kanila.

"Basta, ha? Sunod ka agad." Saad ni Xandra. Tumango lang ako. Lumabas na sila ng kwarto at nagtungo naman ako sa banyo.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto sa banyo at lumabas na. Nagbihis na ako ng uniform. Nakita ko ang pin. Itinago ko ito sa ilalim ng vest. Baka may makakita pa nito. Nagsuot na rin ako ng boots. Inilugay ko nalang ang basang buhok ko at lumabas na nang kwarto.

Lakad takbo ang ginawa ko papuntang classroom. Nang marating ko ito ay buti nalang wala pa si Professor Wales. Nandun na rin sina Xandra at kumakain. Nakita ko si Hunter at tulog na naman. Sa tabi niya ay si Ethan at isang lalaking hindi ko kilala. Lumapit ako sa kanila. Napansin ni Ethan ang pagdating ko kaya nag-angat siya ng tingin. Ngumiti siya sa akin. Tumango lang ako. Umupo ako sa tabi ni Xandra.

"Buti naman at nakaabot ka. Akala namin may mauutusan na naman si Professor Wales ngayon." Aniya at inabot sa akin ang isang chicken sandwich at isang chocolate milkshake. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Mauutusan saan?"

"Sa paglilinis ng lumang library sa east wing." Sagot niya habang ngumunguya.

May lumang library pala dito? Ang alam ko lang kasi, iisa lang ang library dito. Siguro, meron. Wala naman akong alam sa bagay na yun, hindi pa kasi ako nakapaglibot sa mala-kastilyong eskuylahan na 'to. At wala rin akong balak mag tour. Tss. Sayang lang sa oras.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon