Chapter 13: Unexpected

17.3K 488 17
                                    


Chapter 13: Unexpected

Bella's POV

MAGHAHATING-GABI na pero hindi pa rin ako dinalaw nang antok. Kahit anong pilit ko na ipikit ang mga mata ko ay hindi ko magawang makatulog. Pabiling-biling ako sa higaan. Nakakainis kasi hanggang ngayon iniisip ko pa rin si Hunter. Ang kaalamang gising na siya at nandito ako ngayon sa lungga niya ay lalong nagdadala sa akin nang pagkaasiwa at tensyon. Nag-aalala ako kasi baka maalala niya ang ginawa ko. Inis na ginulo ko ang buhok ko at bumangon mula sa kama. Sunod-sunod na buntong-hininga ang ginawa ko. Paano ba ako makakatulog nito kung gulong-gulo ang isip ko?

Tiningnan ko sina Xandra na natutulog. Buti pa sila himbing na himbing na samantalang ako dilat na dilat pa ang mata. Para akong nakahithit nito.

Biglang sumagi sa isip ko ang nangyaring eksena kaninang umaga sa garden. Kung saan gulat na gulat kami dahil nakita namin si Hunter. Akala namin hindi pa ito nagigising dahil bumabawi pa ito ng lakas pero sa nakita namin kanina mukhang malakas na malakas na ito. Para ngang wala lang sa kanya ang nangyari, eh. Sumabay pa nga sa aming kumain. At dahil kaharap ko siya kanina, nagsimula na namang magwala itong puso ko. Abot-abot ang kaba ko. Hindi ko tuloy nagawang pagtuunan nang pansin ang pagkain dahil pakiramdam ko nakatingin siya sa akin. Iniiwasan kong mapadako ang tingin ko sa kanya. Sumasali lang ako sa usapan nila kung tinatanong nila ako.

Napatingin ako sa katawan ko na may maramdaman akong kakaiba. Here we go again. Napabuntong-hininga ako nang makitang umiilaw na naman ako. Kalaunan ay nasanay na ako sa lumalabas na liwanag sa katawan ko kung nagpapakita ako nang emosyon. Unti-unti ko na ring nako-kontrol ito. Pumikit ako at kinalma ang sistema ko. Ito lang kasi ang ginagawa ko tuwing lumiliwanag ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit ganito ang nangyayari. Binalewala ko nalang.

Bumaling ang tingin ko sa labas ng bintana. Napakaliwanag sa labas dahil sa sinag nang buwan. Nagpasyahan kong lumabas nang kwarto at nagtungo sa likod kung saan kami nang-agahan kaninang umaga. Napayakap agad ako sa katawan ko nang dumampi sa akin ang malamig na hangin. Oh, great. I forgot to wear jacket. Stupid, Bella.

Nagtungo ako sa dulong bahagi nang garden na may malaking puno at doon naupo sa may maliit na bench. Nang makaupo ako ay ipinatong ko ang dalawang paa ko at pinagkrus ito. Tumingala ako sa langit. Napangiti ako nang makita ang maraming bituin na nagkikislapan sa paligid ng buwan.

Napaisip ako. Kay sarap siguro sa pakiramdam kung ganito nalang palagi. Tahimik at payapang buhay. Masaya. Pero sa sitwasyon ko ngayon ay mukhang malabo sa akin mangyari yun. Bigla akong nanlumo nang maalala ang mga Dark, ang mapupulang mata na palaging nakatingin at nakasunod sa akin kung saan ako magpunta. Hindi ko man sila nakikita nitong mga nakalipas na araw ay malakas ang pakiramdam ko na nandito lang sila sa paligid at nagmamanman sa akin. Hindi ko man lang alam ang totoong pakay nila sa akin.

Nagpakawala ako nang isang buntong-hininga. Kailangan ko na talagang mahanap si Elrea. Siya lang ang makakasagot sa lahat nang tanong ko.

Biglang humangin nang malakas at napasinghap ako nang manuot ito hanggang buto ko.

"It's cold in here."

Napaigtad ako nang marinig ang pamilyar na boses mula sa likuran ko. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko gaya nang dati. Seriously? Ganito nalang palagi ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang lalaking 'to. Palagi nalang nagwawala itong sistema ko. Katulad ngayon, nag-uunahan sa pagtibok itong puso ko na parang nagkarera lang.

Hindi ko siya tiningnan nang umupo siya sa tabi ko. Bahagya akong umisod palayo para naman may hanging makadaan sa pagitan namin. Nanatiling nasa harap ang tingin ko at hindi ko magawang makapagsalita. Parang nalunok ko ang dila ko.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon