Epilogue 1.1: The Fallen of Bella

14K 373 30
                                    


Epilogue 1.1: The Fallen of Bella

Bella's POV

NAMAYANI ang buong katahimikan sa loob ng meeting room sa mga oras na 'to dahil sa nalaman ng lahat.

Walang ni isang gustong magsalita. Tila tinitimbang nila ang buong pangyayari.

Kahit naman ako ay gulat pa rin hanggang ngayon.

Tiningnan ko si Papa sa harap ko na tahimik lang at nakayuko. Katabi niya ang mga Leaders. Hindi ko akalain na alam na din pala nila ang tungkol sa pinagmulan ko. Ang tungkol sa relasyon namin ni Victoria sa isa't-isa.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Miss Laura bago kami umalis para sa aming unang misyon.

"God! She looks like her."

Ito pala ang ibig niyang sabihin. Kilala pala niya si Victoria. Hindi ko lang alam kung paano nila nakilala ang Mama ko.

"God! Paano nangyari yun?" rinig kong  tanong ni Xandra sa tabi ko.

Hindi ko rin alam kung paano. Hindi ko alam kung paano nabuhay si Mama twenty years ago.

Bahagya kong nilingon si Andromeda na nananatiling tahimik at tila nag-iisip ng malalim.

"Masyadong komplikado ang lahat." Biglang saad ni Headmaster Morgan. "Wala tayong ideya kung paano nabuhay si Victoria. At kung bakit siya nabuhay twenty years ago."

Lihim akong sumang-ayon. Walang ni isang may ideya sa amin. Dahil sa kaalaman na matagal na panahon na yun.

Maging si Andromeda ay parang naguguluhan din sa nangyari.

"Si Mama lang ang makakasagot sa lahat ng tanong natin." Sabi ko pagkaraan. "Pero paano natin 'to malalaman kung wala siya ngayon dito at hindi tayo sigurado kung makikita pa natin siya."

"Paano kung mabuhay ulit siya?" napalingon kami kay Ethan. "Sinasaad ng Propesiya ay mangyayari ang digmaan sa gabi ng pagkasilang ng bagong buhay. Paano kung si Victoria ang bagong buhay na yun?"

Nahulog kaming lahat sa malalim na pag-iisip. May punto ang sinasabi ni Ethan. Ibig sabihin, sa gabi ng pagsasakripisyo ay mabubuhay ulit si Mama. Parang kapalit ito sa buhay na kinuha. Napaka-komplikado ng lahat.

"Nakausap ko siya."

Lahat kami ay napatingin sa direksyon ni Hunter.

"Anong ibig mong sabihin, Hunter?" naguguluhang tanong ko sa binata.

Tumingin siya sa akin. At hindi ko mawari kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko sa tingin na ipinukol niya sa akin.

"Ang Mama mo. Nakausap ko siya." Sagot niya sa mababang boses.

Umawang ang bibig ko. Seryoso? Paano nangyari yun? At saka, bakit ako hindi ko man lang siya nakausap?

"Sigurado ka, Hunter?" paninigurado ni Headmaster Morgan.

Tumango si Hunter bilang sagot.

"Paano mo siya nakakausap?" tanong naman ni Amdromeda.

"Sa panaginip. Nung nakikipaglaban kami sa halimaw sa Heinrich Station. Nung mawalan ako ng malay, nagising nalang ako na nasa isang hardin na puno ng asul na bulaklak. Dun ko siya nakilala at nakausap." Paliwanag niya.

Naalala ko yung araw na yun. Kaya pala pagkagising niya ay napakatahimik na niya. Yun pala ay napapanaginipan na niya si Mama. Pero bakit kaya?

"Anong sinabi niya?"

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon