Chapter 36: The Culprit

12.6K 385 54
                                    


Chapter 36: The Culprit

Bella's POV

"ANDREA...?"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita si Professor Arden. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako? Lumapit siya sa akin kaya bahagya akong umatras ng isang hakbang. Nagtataka pa rin ako kung bakit nandito siya. Anong kailangan niya?

"Dito ka pala pumupunta sa tuwing nawawala ka sa academy." Saad niya at inilibot ang tingin sa buong paligid ng burol. At humantong ang mga mata niya sa harap, sa lapida ni Nico.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. "What are you doing here, Professor? Sinusundan mo ba ako?" nang-aakusang tanong ko sa kanya. Lihim akong naglabas ng isang dagger mula sa likod ko na nakasuksok sa jeans.

"Yes." Nagulat ako ng diretso siyang sumagot. Hindi na ako nagdadalawang-isip na ilabas ang dagger ko.

"Bakit mo ako sinusundan?" matigas kong tanong sa kanya. Inihanda ko ang dagger na nasa kanang kamay ko nang sa gayon kung meron man siyang gawin na hindi kanais-nais ay may pang-atake din ako sa kanya. Alam kong maliit lang ang dagger but the sure thing is, I can summoned my fire sword any moment. I just need to be alert.

Pero imbes na matakot ay tumawa lang siya ng mahina. "You really like your father, Andrea. Matapang at palaban. Walang kinatatakutan." Saad niya sa pormal na boses.

Nagpantig ang tenga ko nang marinig ang salitang 'ama'. What is he up to?
"Don't call me that name." May banta sa boses ko. There is one person who is allowed to call me that name aside from Hunter. And that is my father.

"Call what?" parang walang kwentang tanong niya. Seriously? Ganito ba makikipag-usap ang propesor na 'to? Ibang-iba kung nasa academy siya. Is he hiding something?

"THAT name." I emphasized the word 'THAT' hoping that he would understand what I meant.

"Oh, that name. You mean, 'Andrea'?" hindi ako sumagot at nanatili ang matalim na tingin ko sa kanya. "Your father and I used to call you that name when you are still a little one, Andrea."

Naniningkit ang mga mata ko. Seems a memory from a past came crashing into my mind like a overflowing river. It doesn't stop.

"What are you talking about?" nagtiim ang bagang ko.

Nanatili ang tingin niya sa harap. "Your father, Van, is really a great man and father of yours, Andrea. He'll do everything for you even his life just to protect you..." saad niya na nagpagulo sa isip ko. What is he trying to say? Is he somewhat related to my father? Bakit parang alam niya lahat ang tungkol kay Papa. Even my father's name, Van Andrix, alam niya. Magkaibigan ba sila?

"...you must be wondering why I know him." Patuloy niya. "Well, it's time for you to know everything, Andrea. Your father and I are brothers. He's the eldest and I'm the youngest. Dalawa nalang kami sa buhay, wala na ang mga magulang namin. Kaming dalawa ang bumubuhay sa sarili namin..." nanlaki ang mga mata ko. So that explains kung bakit kilala niya si Papa. Dahil magkapatid sila. Now I realized how the Royalty Kingdom is too small to let us parted. Because right now, I'm facing the proof na kahit ilang taon pa kayong magkalayo ay magkikita at magkikita pa rin kayo. In my front is my father's youngest brother. My uncle.

"Having you is the biggest thing that happened in his life, to our life. Wala na kaming mahihiling pa. Kahit masakit para sa kanya na mawala ang Mama mo ay tinanggap niya ang lahat hangga't nandiyan ka para sa kanya. Hanggang sa unti-unti kang lumaki, doon namin napapansin ang pagkakahawig niyo ng Mama mo. That is the reason why he loved you so much more than anything. Dahil kahit wala na ang Mama mo ay nakikita pa rin niya ito sa katauhan mo. Pero lumipas ang limang taon at limang taong gulang ka na rin, may napapansin ako sa kanya. Nagiging balisa siya. Minsan naman ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa yo habang natutulog. Ayoko siyang pag-isipan ng masama dahil wala pa naman siyang ginagawa na hindi maganda. Until one night, before his birthday, nakita ko siya papunta sa gubat. Gusto ko siyang sundan dahil baka mapahamak siya pero bigla kitang naisip, wala kang kasama. Kaya imbes na sundan siya ay babantayan nalang kita. Pero hindi ko akalain na may matutuklasan ako sa kanya ng gabing yun..." nagsimulang pumiyok ang boses niya. Habang ako ay kanina ko pa naibaba ang hawak na dagger ko at namalayan ko nalang na nakikinig na ako sa kanya.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon