Chapter 40: The Last Mission

13.2K 360 14
                                    


Chapter 40: The Last Mission

Bella's POV

HINDI ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nalaman. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman kong sa kaalamang nakuha ng mga Darks sina Kara at Hera. Nanatili akong nakatitig sa kanila. Paano nangyaring nakuha sila?

"Nang mawalan ka ng malay, nakagawa si Hera ng matibay na barrier para pigilan ang mga Darks sa pagpasok nila dito sa loob. Pero... dumating si Felicity, siya ang kumuha kay Hera, Bella." Pagkukwento ni Xandra.

"That bitch! I'm gonna fucking kill her!" Malutong na mura ni Jack. Mugto ang mga mata niya. Hindi pa rin ako makapagsalita.

"Hindi ko akalain na magagawa yun ni Felicity kay Hera. Anong kailangan nila kay Hera?" nagtatakang tanong ni Carmen.

Pati ako ay hindi ko rin maiwasang magtaka. Anong kailangan nila kay Hera? At kay Kara? Kung tutuusin, hindi magagamit ang kapangyarihan ni Kara bilang isang Necromancer sa isang labanan. At ganundin si Hera. Hera is just a healer. And her ability is Barrier Manipulator. She can create, manipulate and control a barrier. Anong kailangan ni Arius sa isang Barrier Manipulator? A bait? No! Too lame for Arius. Hindi nito gagawing pain si Hera at Kara laban sa amin. I know may iba pa siyang balak sa dalawa.

Tumayo ako. "Let's go."

"Saan tayo pupunta?"

"Sa meeting room." Lumabas ako ng Infirmary. Sumunod sila.

"May meeting na nangyayari doon, Bella. Nandito ang Council at ang Leaders. They were talking about the upcoming war." Napahinto ako sa sinabi ni Xandra. Nandito ang Council at ang Leaders? May alam na rin kaya sila tungkol sa Propesiya? Maybe. Or maybe not.

"Si Andromeda?" tanong ko.

"Nasa meeting room din. Kasama sina Headmaster Morgan." Sagot ni Carmen.

"Good timing. Kailangan nating pagplanuhan ang pagligtas kina Hera at Kara. Wala tayong dapat sayanging oras." Saad ko at naunang naglakad patungong meeting room.

Nang marating ang meeting room ay agad ko itong binuksan na hindi man lang kumakatok. Nagulat ang mga nasa loob dahil sa pagdating namin. Nakita ko ang Leaders na nasa mahabang mesa. Sa tapat nila ay ang apat na nasa fifties ang edad. They must be the Council. Ngayon ko lang sila nakita.

Tumayo si Andromeda at nilapitan ako. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Bumuka ang bibig niya na akmang magsasalita nang biglang may may nagsalita sa likod.

"Is she the choosen one?" one of the Council.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Choosen one. Yun ang tawag sa akin. Dahil ako ang nakatakdang magsakripisyo sa araw ng digmaan. Nakatakda akong mamatay para sa bagong katahimikan at kaayusan ng buong kingdom at sa mga nasasakupan nito. Dahil ako ang pinili ng propesiya.

I didn't expect the drop of tear fall from my right eye. I blink many times as I turned my gaze to other direction. Palihim kong pinahid ang luha na bumagsak sa pisngi ko. May parte sa puso ko na hindi kayang tanggapin ang kapalaran ko. Pero kailangan pa rin, dahil ako rin lang naman ang magdudusa kung hindi.

Binalingan ko ulit si Andromeda. Nag-aalinlangan siyang sumagot at naiintindihan ko siya. Marahil ay alam na niya ang tungkol sa Propesiya. At ayaw niyang masaktan ako sa malaman ko. Andromeda was like a mother to me. Tinanguan ko siya.

Saglit niya akong tinitigan saka sumagot. "Yeah. She is."

Namayani ang katahimikan sa buong sulok ng meeting room. Walang nagsalita ni isa. Walang gustong magtanong. Nakakabingi ang katahimikan sa buong silid.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon