Chapter 32: Downfall

11.8K 356 83
                                    


Chapter 32: Downfall

Bella's POV

"BELLA, PATAY NA SI NICO."

Paulit-ulit na nag-play sa utak ko ang sinabing iyun ni Caitlin. Parang sirang plaka lang. Kanina ng dumating ako dito sa tree house niya ay iyun agad ang sinalubong niya sa akin. Wala na si Nico. Wala na ang bestfriend ko. Bakit ganun? Bakit ang aga niyang kinuha sa akin? Siya lang ang naiwang pamilya ko. Bakit pati siya kinuha?

Okay naman siya kanina, ah. Nagpapasalamat nga ako dahil bumabalik na siya sa dati. Pero hindi ko akalain na iyun ang huling pagkakaon na masilayan ko ang masayang mukha niya.

Hindi ko magawang gumalaw dito sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko anumang oras ay mawawalan ako ng lakas at tuluyang babagsak sa sahig. Nanghihina ang mga tuhod ko.

Akala ko okay na ang lahat. Dahil nakahanap ako ng paraan kung paano maalis si Nico sa pagiging Darks niya. Pero nahuli ako. Wala na siya.

Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko at nauwi sa isang impit na hagulgol. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan. Dahil hindi ko siya nagawang iligtas sa huling pagkakataon. Ang sakit-sakit ng dibdib ko. Para itong sasabog sa sobrang sakit. Paano na ako ngayon? Ang nag-iisang pamilya ko ay wala na.

Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko. Hindi na ako nag-abalang pigilan yun. Wala din namang silbi.

"I'm sorry, Bella. Hindi ko siya nagawang bantayan ng maayos. Iniwan ko siya sa tree house pero pagbalik ko naabutan ko na lang siya na wala ng buhay." Umiiyak na saad ni Caitlin sa harap ko.

Sa totoo lang, wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Ako ang dapat sisisihin. Pinabayaan ko siya. Hindi ko natupad ang pangako ko na iligtas siya mula kay Arius. Hinayaan ko siyang mamatay at wala akong nagawa.

Tinitigan ko ang walang buhay na katawan niya na nasa kama. Maputla ang katawan nito na nagpapakita na hindi na ito humihinga. May saksak sa dibdib nito. Sa bahagi kung saan nakaukit ang palatandaan ng pagiging Darks niya.

Gusto kong lapitan ang maputlang katawan niya. Pero ayaw kumilos ng paa ko. Parang dumikit na ito sa sahig.

Hindi ko alam kung sino ang pumatay sa kanya. Maging si Caitlin ay wala ring alam kung sino ang may gawa nito sa kaibigan ko. Naabutan nalang niya na nakahandusay ito sa labas at hindi na humihinga. Sinubukan niyang maghanap sa paligid kung may ibang tao ba pero wala siyang makita.

"Bella, hindi kaya yung isang kasama niya na nandito sa loob ang pumatay sa kanya?"

Sandali akong natigilan sa tanong ni Caitlin. Posible nga bang siya ang pumatay kay Nico? Pero bakit naman? Bakit naman niya papatayin si Nico? Alam na ba niya na nalaman na namin kung ano si Nico? Posible yun.

Natagis ang bagang ko. Kung siya man ang pumatay sa kaibigan ko, sisiguraduhin kong magbabayad siya sa ginawa niya. Hindi ko ito palalampasin.

Nagsimulang humakbang ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan ni Nico. Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Nang marating ko ang katawan niya ay mabilis na bumigay ang mga tuhod ko at napaluhod ako sa sahig. Lalong lumakas ang hagulgol ko nang mahawakan ko ang malamig na kamay niya.

Humigpit ang hawak ko dito. Ayokong bitawan ang mga kamay niya dahil alam kong ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Ito na huling sandali na makita ko siya. Dahil bukas ay wala na siya. Hindi ko na siya makikita pa. Kahit kailan.

Niyakap ko ang katawan niya. Nang dumantay ang balat ko sa balat niya ay napapikit ako. Walang impit ang pag-agos ng luha ko. Isang bagay lang ang hindi kayang tanggapin ng sistema ko- ang tuluyan na siyang mawala sa tabi ko. At yun ang nangyayari ngayon. Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya. Na wala na ang nag-iisang bestfriend ko.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon