Chapter 51: The Death Star

11.1K 286 47
                                    


Chapter 51: The Death Star

Bella's POV

UMABOT nang dalawang oras ang pakikipaglaban namin sa mga Darks na nakapaligid sa amin. Hingal na hingal kami. Aminado kaming lumalakas ang mga Darks ngayon. At alam namin na dahil ito sa Death Star.

May mga kaunting galos din kaming nakuha. Pero hindi namin ininda yun. Ang importante sa amin ngayon ay ang makapunta sa Isla ng Maldives.

Bigla kong naalala si Felicity. Nakarating na kaya siya sa kaharian nila? Doon ko siya pinadala dahil gusto kong siya mismo ang makaalam ng lahat. Dahil alam kong masyado na siyang nabulag sa mga pinaniniwalaan niya. At sana magising na siya sa bangungot na kinalalagyan niya.

"Kailangan na nating umalis." Boses ni Ethan. "Hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa atin sa Isla."

Sumang-ayon kami kahit nanghihina pa kami mula sa laban. Ikaapat na araw na namin 'to at kailangan talaga naming magmadali. Baka maunahan pa kami.

"Paano tayo makakatawid sa dagat?" rinig kong tanong ni Snow.

"Hindi natin pwedeng gamitin ang kapangyarihan ni Xandra. Masydong malawak ang dagat. At isa pa, nanghihina pa siya." Saad ni Ryan habang inaalalayan si Xandra.

"Kailangang humanap tayo ng paraan para makatawid." Sabi naman ni Carmen.

Kanya-kanya silang nag-isip ng paraan kung paano makapunta sa Isla.

Habang ako ay nakaupo lang sa isang sanga ng puno na nabali at bumabawi ng lakas.

Habang nagpapahinga ay nag-isip din ako ng paraan kung paano kami makakatawid. Walang anumang bangka na makikita sa paligid kaya masyadong mahirap.

Napangiwi ako ng sumakit ang kanang bahagi ng bewang ko. Nang tingnan ko ito ay may hiwa ito. Shit! Bakit ngayon ko lang ito napansin? Kainis! Hindi ko pa naman magagamit ang healing ability ko dahil hindi na ito gumagana kahit anong ulit ko. Pangalawang beses na 'to.

Tumayo ako at nilapitan ang iba. May naisip na akong paraan. Sana man lang gumana.

"May sugat ka, Bella." Puna ni Xandra. Tumango lang ako bilang sagot.

Lumapit sa akin si Hunter at tiningnan ang sugat sa bewang ko.

"Masyadong malalim ang sugat mo. Gamutin muna natin yan." Saad niya pero umiling ako.

"I'm fine, Hunter. Maliit lang 'to. Hindi pa ako mamamatay sa kunting hiwa lang, okay?" biro ko. Pero sinamaan lang niya ako ng tingin. Hindi ko ito pinansin at bumaling sa mga kasamahan.

"Wala nang ibang paraan para makatawid sa dagat kundi mag-teleport papuntang Isla." Panimula ko. "Since may kakayahan si Hunter mag-teleport, maghahati tayo sa dalawang grupo. Sa akin sasama ang mga babae, kay Hunter naman ang mga lalaki."

Tiningnan ko kung ano ang mga magiging reaksyon pero sa tingin ko ay sumang-ayon naman sila sa plano. Kaming dalawa lang ni Hunter ang may kakayahang mag-teleport kaya kailangan naming gawin 'to.

Nagsipaghanda na kami. Nasa tabi ko sina Xandra at Carmen. Hawak naman ni Xandra sa kamay si Snow.

Ganun din ang ginawa ng mga lalaki kay Hunter.

Huminga ako ng malalim saka pumikit. "Kumapit kayong mabuti." Mahinang saad ko.

Ilang segundo lang ay tila hangin na naglaho kami at sa pagdilat ko ng mga mata ay tumambad sa akin ang ma-berdeng gubat.

"I think we're here."

Nilingon ko ang mga kasamahang kadarating lang.

Nagsimula akong maglakad papuntang bukana ng gubat. Ngayong nandito na kami, ang kailangan naming gawin ay ang hanapin ang Heinrich Station. Dahil doon namin makikita ang kalahati ng Death Star.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon