Chapter 20: Rothal Forest

14.1K 438 31
                                    


Chapter 20: Rothal Forest

Ethan's POV

"FUCK!"

Malakas akong napamura nang malakas na tumama ang likod ko sa malaking puno. Padapa akong bumagsak sa lupa. Nalasahan ko pa ang dugo sa bibig ko. Galit kong tiningnan ang remus na umatake sa akin. Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang remus dito. Pagkatapos kaming ilipad nang hangin kanina ay nagkahiwa-hiwalay kami at napadpad ako dito sa loob ng Rothal Forest. Hindi ko na alam kung nasaan yung iba ko pang kasama.

Hindi ko alam kung ilang oras ko nang nilalabanan ang remus na 'to. Pero grabe! Ang tigas ng isang 'to.

Palihim kong inilibot ang tingin sa paligid. Wala talaga akong makita kahit sino sa mga kasama ko. Kaya ko naman itong labanan pero nakakaramdam na rin ako ng pagod at panghihina.

Nang susugod na ang remus sa akin, I summoned my fire sword. Sa kaliwang kamay ko ay isang fire ball. Tumakbo ako papunta dito at iniba ang fire sword ko. Pero bago ko pa ito matamaan ay binato ko muna sa kanya ang fire ball na binuo ko sa kaliwang kamay ko bilang destruction. Umaapoy ang mukha nang remus. Nagwawala ito dahil sa hapdi. Ginamit ko ang pagkakataong yun upang atakehin ito gamit ang fire sword. Tumalon ako papunta sa likod niya at malakas na isinaksak sa ulo niya ang sword ko na may apoy. Lalo itong nagwala kaya nahulog ako sa lupa. Mabilis akong bumangon at sinaksak naman ito sa puso.

Bahagya pang yumanig ang lupa nang bumagsak ito. Hininihingal na napaupo ako.

"Aaahhh! Let go, freak!"

Agad akong napatayo nang marinig ang pamilyar na boses. Shit! Carmen! Agad kong tinakbo ang pinagmulan nang sigaw na yun.

At nakita ko ito na pinuluputan ng buntot ng isang halimaw na hindi ko alam. Para siyang dinasour pero magkaibang-magkaiba ang anyo nila. Kainis! Mukhang mapapalaban na naman ako nito.

"Carmen!" Malakas kong sigaw sa dalaga na nagpupumiglas pa rin para makawala sa pagkakapulupot nang halimaw. Kahit iwinawasiwas na siya nito ay nagawa pa niyang tumingin sa akin.

"Ethan? Oh, God!" Nakita ko ang pag-aliwalas nang mukha niya nang makita ako. Kaya pala hindi niya nagamit ang kapangyarihan niya ay pati pala kamay niya ay nasama sa pagkakapulupot.

Agad akong nagpalabas nang fire balls at fire flakes para itira sa halimaw. Nag-apoy ang katawan nito dahilan kaya nakawala si Carmen mula dito.

Umangat ang katawan ni Carmen kasabay nang pagtaas nang mga kamay niya upang ipunin ang lahat nang hangin sa ere.

Nang mabuo ang isang whirlwind ay agad kong inilabas ang fire dagger na may lason at agad ko itong ibinato sa halimaw. Nang magwala ang halimaw dahil sa pagtama nang dagger sa katawan niya ay mabilis na hinigop ng whirwind ni Carmen ang halimaw. Kasabay nang paglamon nito sa halimaw ay ang pagkawala nang whirlwind ni Carmen.

Lumapag siya sa lupa at habol ag hininga. Agad ko siyang nilapitan kaya napansin ko ang mga sugat na natamo niya mula sa halimaw.

"T-Thanks." Ngumiti siya.

"It's fine." At ginantihan ko siya nang ngiti kaya natigilan siya saglit. Gusto kong mailing sa hitsura niya. Para siyang nakakita nang multo.

Inakay ko siya. "Let's go. We need to find the others."

"Y-Yeah." I heared her mumbled something pero hindi ko na narinig.

Sabay na naming hinanap ang mga kasamahan namin.

----------------------------------

Xandra's POV

"RYAN! DUCK!"

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon