Chapter 23: Power Domination

14.2K 457 44
                                    


Chapter 23: Power Domination

Bella's POV

"FOCUS, BELLA!"

Halos sumubsub ako sa lupa nang tumama sa tagiliran ko ang matalas na gold spear na binato sa akin ni Shan. Gumawa ito ng halos isang dangkal na hiwa. Nakakabwisit! Pakiramdam ko dito matatapos ang buhay ko dahil sa walang humpay na training. Pangatlong araw ko na sa page-ensayo. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa pananatili ko ng isang linggo dito sa kastilyo. Ito ang kondisyon ni Andromeda sa akin kapalit ng pagdala ko kay Serena sa academy. Kahapon ko lang nakita at nakilala si Serena at mga anak ni Aleera na si Shan at Heather. Kay Marishka naman ay si Shennett at ang kambal na si Zeus at Zach. Halos mapanganga ako nang malaman na hindi nagkakalayo ang mga edad nila. Yun pala ay mga Immortal pala ang mga ito. Ang buong Pamilyang Walridge ay Immortal. Grabe lang. Hindi sila tumatanda.

Ang kapangyarihan ni Shan ay kaya niyang mag-summoned nang kahit anong weapon na gusto niya. Namana niya daw ito sa ama niyang si Kainan na isang Weapon Summoner. Si Heather naman ay isang Time Traveller pero mina-master niya ang kapangyarihang namana niya sa kanyang ina na Body Controlling.

Si Shennett ay isang Power Copier. Katulad ng kapangyarihan nang ama niyang si Leon. Ang kambal na si Zeus at Zach ay magkaiba ang kapangyarihan nila. Si Zeus ay isang Power Negation. Si Zach naman ay isang Power Deflector. Malayong-malayo sa kapangyarihan ni Marishka. Halos magkakalapit lang ang kapangyarihan nila pero iba-iba daw ang paraan ng paggamit at pag-kontrol.

Si Serena lang daw ang naiiba dahil isang siyang Orakulo. And at the same time, may Precognitive ability siya. Malalaman at makikita niya ang mga mangyayari sa hinaharap. Kaya nga kailangan siya nang academy.

Magkaiba ang kapangyarihan nila dahil ang mismong ninuno nang mga Walridge ang pumili dito. Minsan coincidence lang daw ang pagkakamana nang kapangyarihan nila sa kanilang mga magulang.

"You need to concentrate." Lumapit sa akin sina Heather at Shennett. May dala silang inumin. Naupo ako sa damuhan. Nandito kami sa likod nang kastilyo. Meron pala ditong malawak na training field. Gawa ni Marishka.

"I am." Sagot ko at uminum ng tubig.

"Your not." Kontra ni Heather sa akin. "Masyado kang maraming iniisip. Tell me, what are you thinking?"

Hindi ako sumagot. Sa tatlong araw na nandito ako at nag-ensayo ay naging close ko na sila. Lalong-lalo na si Shan. Makulit ito at masayahin. Ang hindi ko lang masyadong nakakasundo ay si Zach. Masyadong mailap at hindi ngumingiti. Daig pa ang may PMS. Hindi katulad ni Zeus na approachable.

Bumuntong-hininga ako. Aminado akong wala sa training ang buong isip ko. Sumasagi kasi minsan sa isip ko ang mga kaibigan ko sa academy.

"Kung iniisip mo sila. Wag kang mag-aalala. Kagagaling lang dun ni Zeus. Inutusan siya ni Tita Andromeda na tingnan sila para sayo." Nakangiting sabi ni Shennett.

Lumipad ang tingin ko sa kanya at malapad na ngumiti.
"Talaga? Galing siya dun?"

Tumango si Shennett. "Oo. Okay lang daw sila. Pero hanggang ngayon, nagluluksa pa sila sa pagkawala kuno mo." Aniya na tumawa pa. Napailing ako. Akala talaga nila na patay na ako dahil hindi nila nakita ang katawan ko nang malunod ako sa dagat na kagagawan lang din naman ni Aleera.

"Mabuti naman kung ganun." Tanging sagot ko. Uminum ulit ako nang tubig. Mas mabuti na yun. Nakita kong papalapit sa amin si Shan at Zeus na may dalang pagkain.

"Okay ka lang, Bella? Pasensya na sa ginawa ko, ha? Uso din kasi minsan ang umilag, hindi mo pa magawa." Natatawang saad ni Shan nang makalapit a umupo sa tabi ko.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon