Chapter 33: Secrets and Lies

12.3K 422 32
                                    


Chapter 33: Secrets and Lies

Snow's POV

"WHAAAAAAAAAT?!"

Umaalingawngaw ang boses ko sa apat na sulok ng opisina ni Headmaster. Maaga kaming pinatawag dahil magkakaroon daw ng urgent meeting. Akala ko pa naman kung anong meeting na sinasabi niya, yun pala ay tungkol lang pala sa pagkamatay ni Nico ang pag-uusapan. Tatlong araw na simula ng ilibing si Nico.

Pero nung sabihin nila sa amin ni Hera ang totoong rason kung bakit ito pinatay ay hindi ako makapaniwala. Isang Darks si Nico? Actually, pinagdududahan na talaga nila ang pagkatao ni Nico simula nang dumating ito dito sa academy. And worst, nag-imbestiga pa talaga sila ha. They are tailing Nico since he arrived here. At hindi namin alam yun. Gumagawa sila ng sariling misyon nila. Da pak?!

But, wait! Hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa utak ko ang mga pinagsasabi nila o talagang hindi ko lang matanggap na yun ang totoo. Argh! Nakakainis!

"Baka naman nagkakamali lang kayo. Baka ibang Nico yung nakita niyo, baka impostor lang." I tried to sound convincing.

Eros shook his head. "Hindi kami pwedeng magkamali, Snow. Ethan can prove it." Saad niya at tumingin sa nakahalukipkip na binata.

Nilingon ko ito pero hindi ako nagsalita. Well, kung si Ethan lang naman ang nakapagpapatunay niyon, walang duda talaga. Ethan is the eye of the group.

Pero ang lubos na ipinag-aalala ko ay si Bella. She was so devastated the moment she lost her bestfriend. Her only family. Nakikita ko yun sa kanya. Halos buong gabi siyang umiyak. Pati paglibing ay hindi niya napigilan ang ngumawa. Kahit nga hanggang ngayon, naririnig ko pa rin siyang tahimik na umiiyak sa kama. Hindi ko lang siya pinapakialaman dahil alam kong nasaktan siya ng sobra.

"What about Bella? Alam niya ba ang tungkol dito?" tanong ko.

Umiling sila. Whaat?! Walang alam si Bella? "Bakit? I mean, bakit hindi niya alam? Kaibigan natin siya. May karapatan siyang malaman ang totoo." Sinubukan kong maging kalmado kahit ang totoo ay gusto kong magwala. Magwala dahil sa inis.

"Para sa ikabubuti niya rin yun. Magwawala lang siya kung malalaman niya ang totoo sa kaibigan niya." Saad ni Jack na nakatungo lang. Nainis ako sa sagot niya. At dahil malapit ako sa kanya ay hindi ko napigilan ang sapakin siya.

"Aray naman, Snow!" Reklamo niya habang nakasimangot.

"Ulol!" Pinanlakihan ko siya ng mata. "Anong akala mo kay Bella, warfreak? Na kapag nalaman niya ang totoo ay magkakaroon ng World War III? Ang engot mo rin, noh?"

"Naging advance lang naman ako, ah."

Sinapak ko ulit siya.

"Aray! Naka-dalawa ka na, ah."

"Anong advance? Eh, kung yang mukha mo kaya ang i-advance ko sa langit?  Matutuwa ka ba? At saka isa pa, wag mong pangunahan si Bella. May isip yun." Asik ko sa kanya. Nakarinig naman ako ng mga mahihinang tawa mula sa mga kasama ko dito sa loob ng opisina.

Nagkamot naman ng batok si Ryan saka nagsalita. "May punto rin si Jack, Snow. Hindi muna dapat malaman ni Bella ang tungkol dun. Saka isa pa, wag muna nating dagdagan ang bigat na nasa dibdib niya."

Nag-isip ako. Oo nga naman. "At ano? Magpapanggap tayong walang alam sa nangyari? Magpapanggap tayo sa harap niya na wala tayong kinalaman sa pagkamatay ng bestfriend niya?" sarkastiko kong tanong sa kanila.

"It's the least thing we could do." Sagot naman ni Xandra.

Aish! Isa pa 'to, eh. Mukhang okay lang sa kanya. "Nag-iisip ba kayo? Paano nalang kung malaman niya? Paano kung malaman niya na alam natin? Magagalit yun, for sure. Dahil nag-lihim tayo sa kanya."

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon