Chapter 53: Faded Memories

10.9K 374 30
                                    

Chapter 53: Faded Memories

Bella's POV

HINDI agad ako nakakilos sa aking kinatatayuan dahil sa nakita ko.

Nasa harap ko ngayon ay ang taong matagal kong hinanap at hinintay.

Ang ama ko.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to. Halo-halong emosyon ang bumalot sa dibdib ko ngayon.

Pakiramdam ko tila namanhid ako. Pakiramdam ko para akong mabubuwal anumang oras.

Labinlimang taon? Sa loob ng labinlimang taon ay wala akong balita sa kanya. Nung mga panahong kinailangan ko nang pamilya ay wala siya.

Oo at ipinaliwanag sa akin ni Tito Arden kung bakit nagkahiwalay kami. Kinuha siya ni Arius. Pero bakit hindi man lang siya nagparamdam sa akin sa mahabang panahon? Hinintay ko siya. Nagbabasakali akong makita siya ulit at makasama. Pero hanggang sa nagdalaga na ako ay wala siya. At ngayon pagkatapos ng labinlimang taon, magpapakita ulit siya sa akin?

Diba, dapat maging masaya ako ngayon kasi nakita ko ulit siya? Dapat nagtatalon na ako sa tuwa ngayon dahil matapos ang mahabang panahon  na paghihintay ay makakasama ko ulit siya?

Pero bakit baliktad ang nararamdaman ko? Bakit pagsisisi, panghihinayang at galit sa aking sarili ang naramdaman ko ngayon?

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang siya bumalik? Bakit ngayon lang niya naisipang magpakita sa akin?

Kung kailan malapit na akong mamamatay. Kung kailan tinanggap ko na ang kapalaran ko. Bakit?

Sa totoo lang, gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang saktan. Andami kong gustong gawin.

Pero sa mga oras na 'to, tila ayaw kumilos ng sistema ko.

Naramdaman ko nalang ang pamamasa ng mga mata ko.

And the next thing I knew, my tears started to fall. Wala akong pakialam kung sobra ng dumudugo ang mga sugat ko sa katawan. Ang tanging naramdaman ko ngayon ay sobrang sakit ng puso ko.

"Andrea..." mahinang tawag niya at akmang lalapitan niya ako nang itaas ko ang aking kamay upang pigilan siya sa kanyang gagawin.

Naramdaman ko ang mga tingin nila sa akin.

Namalayan ko nalang na naglakad na ako palayo sa kanila.

Dire-diretso ako sa dorm. Walang nagtangkang sumunod sa akin dahil siguro naramdaman nila ang naramdaman ko ngayon.

Nang makapasok ako sa kwarto ay saka ako humagulgol nang iyak na tila wala ng bukas.

Ibinuhos ko lahat sa pamamagitan ng pag-iyak ang mga nararamdaman ko.

Akala ko napagod na ako sa kahihintay sa kanya. Akala ko wala nang pag-asa na makita ko pa ulit siya.

Pero nagkamali ako. Maling-mali ako.

Gusto ko siyang yakapin. God knows how much I want to. Matagal ko nang hinintay ang pagkakataong 'to. Pero sa isiping mawawala rin ako, pakiramdam ko wala ring kwenta ang lahat.

Wala rin palang kwenta ang paghihintay ko.

*****

INABOT ako ng ilang oras sa pag-iyak sa loob ng kwarto.

At nang mahismasan ako ay nagpasya na akong lumabas upang magtungo sa Infirmary at gamutin ang sugat sa katawan ko.

Habang naglalakad sa mahabang hallway ay ramdam ko ang mga tingin na ibinabato nila sa akin. Hindi ko iyon pinapansin at nagdire-diretso sa gitnang building kung nasaan ang Infirmary.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon