Chapter 4: Punishments

21.3K 600 25
                                    

Chapter 4: Punishments

Bella's POV

DALAWANG araw pa akong naka confine sa Infirmary pagkatapos nung nangyari. At kahapon ang huling araw ko. Kagabi pa ako nakabalik dito sa dorm namin. Ayos na rin ang pakiramdam ko. Balik pasok ulit ako since tapos naman yung sick leave ko. Kahit two days lang yun, at least nakapagpahinga ako ng maayos sa Infirmary. Friday ngayon at naghahanda ako para pumasok. Last day sa first week of school. Haaay, hindi ko akalain na makakaabot ako ng isang linggo dito sa kabila ng mga nangyari. And speaking of sa nangyari, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinasabi nila Xandra sa akin tungkol sa eksena sa canteen noong nakaraang araw...

Nang umalis si Nurse Rina ay agad ko silang tinanong tungkol sa nangyari.

  "Guys, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ko kanila.

"Wala ka talagang naaalala?" takang tanong ni Snow.

Marahan akong umiling. Bakit wala akong maalala? Aish! Parang mabibiyak ang ulo ko kapag pilit kong inaalala ang mga nangyayari.

"Well," nagsalita si Xandra. "We didn't knew what really happened between you and Celine before we arrive at the canteen. We just saw you lying on the floor and out of breath. I mean, you're not literally breathing. You are cold as ice and pale as dead." She exclaimed.

Nagulat ako sa mga narinig. Muntikan na pala akong mamatay? Paano nangyari yun?

"Nagtataka kami kung bakit tumatakbo ang mga estudyante patungong canteen. And the next thing we knew, tumatakbo na rin si Hunter using his Inhuman Speed. Pero nang dumating kami, Hunter is already reviving you." Saad ni Xandra.

Si Hunter? Ni revive ako? Akalain mo yun? Ang taong kasing tigas yata ng semento at laging naka poker face ay ni revive ako? Hah, pwede na akong magbunyi. Haha kidding aside, seriously? Si Hunter? Tumulong? Tss, may dugong kabaitan pala yun? Akala ko, wala yung pakialam sa mundo, eh.

"We all shocked sa nadatnan namin. Basang-basa ka at nasunog ang manggas ng long sleeved uniform mo. May paso ka rin sa braso. And you're not breathing. Wala ka na ring pulso. Natakot kami sa pwedeng mangyari. But Hunter didn't gave up, he kept reviving you. But you're body still no response. We all cried lalo na at lumipas ang labinlimang minuto at hindi ka pa rin himihinga. We tried to stop Hunter dahil alam naming wala na talagang pag-asa pero nagulat kami nang umubo ka nang umubo. Doon na kami nakahinga ng maluwag nang bumalik na ang paghinga mo. We almost thought we will lost you. Itinakbo ka kaagad namin patungo dito sa Infirmary dahil mahina pa rin ang tibok ng puso. And thanks to Hera, she healed your wounds." Paliwang ni Carmen.

"And thanks to Hunter, kung hindi dahil sa kanya, hindi na talaga natin maililigtas si Bella. Remember, what Nurse Rina said? Mabuti nalang daw at naagapan agad siya knowing na sumusuko na daw ang pagtibok ng puso niya." Huling dugtong ni Hera.

Wow, intense. Yun pala ang nangyari habang nag-aagaw buhay ako. And Hunter was there. Ang pangit mang sabibin pero niligtas ni Hunter ang buhay ko. At kahit pangit mang aminin, ang laki ng pasasalamat ko sa kanya. Kahit naman galit ako sa ginawa niyang paghalik sa akin, may puso naman ako. Kahit na binato ko siya ng napaka-kapal na libro, niligtas pa rin niya ako. Magpapasalamat ako sa kanya kapag nakalabas na ako dito sa Infirmary.

"Grabe ang ginawa nila sayo, Bella. Baliw din pala yang si Celine, ano? Akalain mo, magagawa talaga niyang patayin ka makapaghiganti lang sa pagsupalpal mo sa kanya?" si Snow.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon