Chapter 18: Felicity Hartman

14.8K 441 31
                                    


Chater 18: Felicity Hartman

HANGGANG ngayon ay bumabagabag pa rin sa isip ko ang sinabi ni Hunter sa akin kahapon nang makita niya ako sa lumang library.Nagtatalo tuloy ang kalooban ko kung ano talaga ang paniniwalan ko.

Matapos niya akong makita sa lumang library kahapon ay kinaladkad niya ako patungong garden. Sinabi niya sa akin ang pagpunta dito nang Leaders. Akala ko nga may masamang balita yun pala ay gumagawa sila nang plano paano pigilan ang mga Darks sa pg-atake. Pero duda ako kung mapipigilan nila ito. Palihim kung umaatake ang mga Darks. Hindi mo alam kung ano ang susunod nilang gagawin. Hindi mo alam kung kailan ulit sila susugod. Kaya nga nag-iingat ako. Kung may nakapasok mang Darks dito sa loob ng academy, mas lalo kong talasan ang pakiramdam ko. Pipiliin ko rin ang mga taong dapat kong pagkatiwalaan.

Pero nang sabihin ni Hunter kung ano ang kailangan nang Darks sa akin, nagulo tuloy ang isip ko.

"The Darks wants your power to destroy the whole kingdom, Andrea. That's why he so eager to get you. He will use you against us."

Naguluhan ako. "What's with my powers? I'm not that powerful, Hunter."

"You had the Sacred Power."

The-what!?

Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa sinabi ni Hunter tungkol sa kapangyarihan ko. Sacred Power? Ano yun? Eh, kapangyarihang apoy lang naman ang meron ako. Diba pwedeng fire element user lang ako.

Akala ko nasagot na lahat ng tanong ko pero hindi pala. Hindi lahat. Ngayon palaisipan na naman sa akin ang tungkol sa Sacred Power na sinasabi niya. At ang intensyon nang mga Darks sa akin kung bakit gusto nila akong makuha. Gagamitin nila ang kapangyarihan ko laban sa buong Royalty Kingdom? Ibig sabihin wala pa silang alam tungkol sa propesiya. Ang tungkol sa itinakdang magsasakripisyo sa araw ng digmaan. At ibig sabihin, ligtas si Elrea sa kamay nila. Para akong nabuhayan ng loob sa kaalamang yun. Ang iisipin ko nalang ay ang sarili ko. Paano ko ililigtas ang sarili ko?

Kung totoo mang ako talaga ang pakay nila kailangan ko ngang maghanda. Ayokong gamitin nila ako para sa sariling interes nila. Para ko na ring pinatay ang mga tao sa buong kingdom kung hahayaan kong gamitin nila ako. Mas masahol pa ako sa mamamatay-tao kung mangyayari yun.

Pero kailangan ko pa ring tanungin si Elrea tungkol sa bagay na 'to. Kung totoo ba ang sinasabi ni Hunter. Alam kong mali na nagdududa ako sa kanila pero kailangan ko pa ring makasiguro. Buhay ko ang pinag-uusapan dito.

"Andy!"

Mabilis akong lumingon sa likod ko nang may tumawag sa akin. Nakita ko si Nico na tumatakbo patungo sa akin.

"Kanina pa kita hinahanap. Ano bang ginagawa mo dito?" hinihingal na tanong niya nang makalapit sa akin.

I frowned. "I should be the one asking you that, Nico. Anong ginagawa mo dito?"

Nagtataka ang mga mata niyang tumingin sa akin. Maya-maya ay tumawa siya.

"Sabog ka ba, Andy? Alam mo ba kung saan ka papunta?" natatawa niyang tanong.

"Huh?" naguluhan ako sa tanong niya.

"Pfft. Kung hindi lang kita kaibigan iisipin ko nababaliw ka na talaga. Hahaha."

Sinamaan ko siya nang tingin. Hindi ko na nga ma gets ang sinabi niya, nakuha niya pang mang-asar. Nakakainis.

"Umayos ka nga, Nico. Hindi ka nakakatawa." May inis na sa boses ko nang sabihin ko yun sa kanya.

Pumormal naman ang mukha niya.
"Ano bang gagawin mo sa Dark Forest?"

"Paki- Dark?" natigilan ako. Bahagya kong nilingon ang likuran ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na nasa bukana na pala ako ng Dark Forest. Shit! Anong ginagawa ko dito?

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon