Chapter 14: Nico Vladimir Austinn

19.1K 479 69
                                    


Chapter 14: Nico Vladimir Austinn

Bella's POV

HABANG tinatahak ko ang hallway papuntang canteen ay hindi ko maiwasang isipin ulit ang nangyaring eksena sa lake. Kahit anong pilit kong iwaksi ito ay hindi ko magawa. Para tuloy itong sirang plaka na paulit-ulit nalang nag-play sa isip ko. Dilat man o pikit ang mga mata ko. Ang maraming uwak na nagsiliparan sa kalangitan na tila nagpipyesta. Idagdag pa ang uwak na may mapupulang mata na nakita ko sa labas ng bintana. Balak ko sanang sabihin kina Xandra ang nangyari pero binawalan ako ni Hunter. Sa amin nalang muna daw yun, saka na namin ipapaalam sa kanila kapag alam na namin ang ibig sabihin nun. Gustuhin ko mang sumalungat sa kanya ay wala na akong magawa kundi ang sumang-ayon sa desisyon niya. Isa pa, malaking palaisipan kasi para sa akin ang eksenang yun. Hindi kasi siya normal na pangyayari lang na pwedeng baliwalain. Napabuntong-hininga ako. Dumadami na talaga ang mga tanong na gumugulo sa isip ko at mukhang mababaliw na ako kung hindi ito mabigyan nang sagot. Isa pang problema ay si Elrea. Kung kailan kailangang-kailangan ko siya, saka naman siya hindi nagpapakita. Parang kabute lang, sumusulpot kung kailan niya gusto. Kahit siguro ipagsigawan ko ang pangalan niya, hinding-hindi talaga siya magpaparamdam.

Dahil sa dami nang iniisip ko at tila lutang ako ngayon ay hindi ko napansin ang dinaanan ko at bigla akong nabangga na kung sino mang hudas na 'to.

"Aw, shit!" nasapo ko ang ilong ko dahil pakiramdam ko nayupi ito dahil sa lakas nang impact na pagkakabangga. Ang sakit! Bwisit! Kainis! Ano ba yan!? Lahat nalang ba nang tao dito may katawan na kasing tigas nang pader? Grabe. Sino ba kasing demonyong 'to-

"Bella?"

Gulat na napatingin ako sa taong nakabangga ko. Uh-uh, in fairness gwapo ha? Wait, kilala niya ako? Tinitigan kong mabuti ang mukha niya. Teka, mukhang pamilyar sa akin ang asungot na 'to ah? Saan ko nga ba ito nakita? Nagsimula na akong mag-isip habang kunot ang noo ko na nakatingin sa kanya. Sigurado akong nakita ko na 'to, eh. Saan nga ba? Aish, nagiging ulyanin na yata ako. Holy mother of earth, napakabata ko pa para maging ulyanin.

"Hindi mo ba ako naaalala?" nakangising tanong niya sa akin habang titig na titig pa rin ako sa mukha niya. Lalong kumunot ang noo ko nang bigla niyang hinila ang tenga niya paitaas, na parang sa tenga nang mga duwende at akto siyang parang naduduling. Nanlaki ang mga mata ko.

Tumawa siya nang pagkalakas-lakas na pumuno sa buong hallway.

"Grabe ka naman, Andy, dalawang taon lang tayong hindi nagkita kinalimutan mo na agad ako." Nasa boses niya na tila nagtatampo pero nakangisi naman ang mukha. Baliw talaga.

Sinimangutan ko siya at binatukan ng malakas. Napahiyaw siya.

"Tigilan mo nga ako, Nico." Oo, siya si Nico-ang bestfriend ko nung sixteen years old ako. Dalawang taon kaming hindi nagkita kasi nga lumipat sila sa kabilang bayan, sa Sylvaria. "At saka, pwede ba? Tigil-tigilan mo na ang katatawag sa aking 'Andy'."

"Hmp. Yan naman ang tawag ko talaga sayo, ah. Pero sige na nga, 'Bella' nalang ang itatawag ko sayo." Nagpapa-cute na saad niya. Sinapak ko siya. Ang hilig magpa-cute, hi di naman cute.

"Ano bang ginagawa mo dito? At saka bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?"

"Kasi nga-," bigla siyang tumingin sa braso niya na may relo at nanlaki ang mga mata. "Naku, Bella, mamaya na tayo magkwentuhan, ha? Kailangan ko pang magpakita kay Principal Hans, eh" At nagmamadali siyang nagpaalam sa akin. Kunot noong sinundan ko nalang siya nang tingin habang tumatakbo papuntang opisina ni Principal Hans. Anyare dun?

Iiling-iling nalang akong nagpatuloy sa paglalakad. Bigla akong napangiti. Masaya ako na nakita ko ulit si Nico pagkatapos ng dalawang taon. Siya lang kasi ang maituturing kong kaibigan sa Scandria. At matatawag kong pamilya bukod kina Lolo Julio at Lola Agnes. Napaisip ako. Kung nandito siya, ibig sabihin dito siya nag-aaral. At dahil dito siya nag-aaral may powers din siya tulad nang iba. Posible yun diba? Pwede rin.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon