Chapter 31: Tricked

13.5K 386 59
                                    


Chapter 31: Tricked

Bella's POV

WHEN do we stop giving our trust to other?

When do we stop caring too much?

When do we stop aiming for a better life and not just good?

Too many questions but, the answer is still missing. Kailan nga ba? Kung kailan huli na ang lahat? Kung kailan saka ka na magsisisi kapag nangyari na? Kung kailan na wala ka ng magagawa pa? Maybe. Maybe not. Siguro hindi pa huli para baguhin ang nakatakdang mangyari. Hindi pa huli para sa isang bagong pag-asa. Everyone deserves a second chance. Malaki o maliit man ang kasalanang nagawa niya. Just like what happened to my bestfriend, Nico. Hindi ko talaga akalain na isa siya sa mga nagsisilbi kay Arius. Na isa siyang Darks. Hindi ko alam kung paano nangyari pero hindi ko na aalamin yun. Ang importante, mailigtas ko si Nico. Kailangang maialis ko sa kanya ang pagiging Darks. Alam kong kaya kong gawin yun. With my powers and abilities.

Naniniwala akong pinagsisisihan niya ang pagkampi sa mga Darks. Hindi niya kayang maging masama habang buhay. Because he's not the Nico whom I used to know. Hindi masama si Nico. And I can prove it.

Simula nung araw na malaman ko ang pagiging Darks niya ay hindi pa kami nagkaka-usap. And two days had passed. Si Caitlin lang ang palaging kasama niya gaya ng bilin ko. Hindi pa kasi nasasabi ni Caitlin sa kanya na alam ko na isa siyang Darks. Naghahanap pa kasi ito ng tiyempo. Kaya hindi ko muna siya nilalapitan. At isa pa, alam kong nagmamanman sa kanya ang isa pang Darks na nandito sa loob.

"Ano?! Hindi ka kakain? Pinagloloko mo ba ako, Austinn?"

Lahat kami dito sa cafeteria ay nabaling ang atensyon sa babaeng sumigaw na nakaupo sa pandalawahang mesa. Pinipigilan kong matawa sa hitsura ng bestfriend ko habang nasa harap nito ang isang plato na puno ng iba'-ibang klaseng gulay na in-order ni Caitlin para dito.

Kunwari ay nasusuka pa ito sa gulay na nasa harap niya. Tss. Ang arte talaga.

"Ayoko ngang kainin yan. Hindi naman ako hayop, ah. Saka isa pa, kung kakainin ko yan baka tubuan ako ng mga dahon sa katawan. Ayoko nga!" Matigas na taggi nito habang nakabusangot ang mukha. Hindi pa rin nito ginagalaw ang plato na may gulay.

Binatukan ito ni Caitlin. Pffft. Maliban sa akin, wala nang ibang nakakasapak kay Nico. Pero ngayon, may pangalawa na at si Caitlin pa.

"Ulol! Daig mo pa ang bata. Ang tanda-tanda mo na, nagpapaniwala ka pa sa mga kwento ng mga ninuno mo. Kailan pa tinubuan ng dahon ang tao? Mag-isip ka nga!" Asik ni Caitlin dito. "Ano, kakainin mo ba yan o hindi?" Nandidilat ang mga mata ni Caitlin.

Sumimangot si Nico at inusog ang plato ang palayo. "Ayokong kainin yan. Ikaw nalang, tutal mukhang paborito mo naman yan." Nang-aasar na saad nito at ngumisi pa.

"Aargh! Wag mo 'kong galitin, Austinn." Sigaw ni Caitlin. Namumula na ito sa inis.

"Tss. Ayoko nga! Ipamigay mo nalang." Anito at padabog na tumayo.

"Hoy, magaling na lalaki! Bumalik ka dito." Hindi lumingon si Nico at nagpatuloy sa paglalakad. Inis namang ginulo ni Caitlin ang buhok niya at tumayo na rin para sundan si Nico.

Naiiling nalang ako at ibinalik ang pansin ko sa pagkain. Ang mga estudyante naman na kanina ay nakatanga lang sa nagsisigawan kanina ay bumalik na rin sa dati nilang ginagawa-ang kumain.

"Close na ba sila?" narinig kong tanong ni Carmen.

"Siguro." Sagot naman ni Xandra na mukhang walang gana.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon