Chapter 11: Power Absorber

19.1K 575 85
                                    


Chapter 11: Power Absorber

Bella's POV

TATLONG araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang duel namin ni Caitlin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayang isipin na nanalo ako sa laban namin. Hindi ko akalain na nagawa ko lahat.

Ayos na rin ang mga sugat ko sa katawan dahil na rin sa tulong nang mga healers dito sa school at kay Nurse Rina. Nandito pa rin ako sa Infirmary. Hindi pa ako pinayagang lumabas dahil daw sariwa pa ang sugat sa braso ko gawa ng pagkasaksak ni Caitlin. Pero gusto ko nang maligo. Lagkit na lagkit na ako.

Biglang bumalik sa isip ko lahat nang pinagdaanan ko habang nagte-training sa gubat. Dugo at pawis ang naging puhunan ko para manalo. Hindi naman nasayang lahat ng pinaghirapan ko. Dahil nanalo ako.

Pagkaalis ko kasi nang training room ay dumiretso ako sa gubat. Isang araw pa akong nagmukmok at umiyak. Hindi ko alam kung bakit umiyak ako nang oras na yun, ang alam ko lang kasi nasaktan ako sa sinabi ni Hunter. Iyon siguro ang dahilan. Pero bakit? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit dinibdib ko yun. Nasanay na dapat ako pero bakit pagdating sa kanya, iba ang pakiramdam ko? Na habang sinasabi niya yun ay parang dismayado siya na mahina ako. Hindi naman ako mahina, ah.

Kaya kinabukasan ay pursigido akong nag training mag-isa. Hindi sumagi sa isip ko na humingi ng tulong kay Elrea pero biglang lang siyang sumulpot sa isip ko at kinausap ako. Nung una nagulat pa ako pero kalaunan ay nasanay na rin ako sa boses niya na nasa isip ko. Tinulungan niya akong mag-training. Lahat nang sinasabi niya ay sinusunod ko. Siya ang gumagabay sa akin.

Hanggang sa sinabi niyang kailangan ko nang maipalabas ang kapangyarihan ko. Nung una ay natakot talaga ako. Paano kung hindi ko kaya? Paano kung wala talaga akong kapangyarihan? Magiging kahihiyan lang ako sa grupo namin katulad ng sinabi ni Hunter. Bumalik ang sakit sa dibdib ko. Parang gusto ko nang sumuko at bumalik sa bayan. Hmp. Para namang ang daling gawin yun. Eh, nakakulong na ako sa paaralang ito.

At dahil sa pagpupumilit ni Elrea ay napapayag niya din ako. Makakatulong daw yun para sa nalalapit na duel para daw hindi ako dehado.

Kaya ginawa ko ang lahat. Nag-concentrate ako. Sabi ni Elrea, kailangan daw ang emosyon para maipalabas ang kapangyarihan. Kasi mahihirapan daw akong ipalabas ito kung wala akong naramdamang anuman.

Kaya binuwag ko ang pader na nakaharang sa dibdib ko. Inaala ko lahat ng emosyon na nararamdaman. Biglang sumagi sa isip ko ang nadatnang eksena sa training room. Nung nakikipagtawanan si Hunter kay Caitlin. Hindi ko alam kung bakit may bumangong inis sa dibdib ko. Tama si Snow, nagseselos ako. Hindi ko alam kung bakit. At nung sinabihan niya akong mahina, nasaktan ako ng sobra. Umiyak pa ako. Hindi naman ako ganito dati. Walang ibang tao ang nagparamdam sa akin ng ganito lalo na kung isang lalaki. Sa kanya lang talaga. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang pagwawala nito kung nakikita o nasisilayan siya. Then I realized, I'm fucking attracted to Hunter. I don't know kung kelan ko ito naramdaman. Nung hinalikan niya ako? Nung niligtas niya ang buhay ko ng dalawang beses? Maybe both. Doon naman nagsimula lahat, eh. Hindi ko lang napansin.

Tinuruan din ako ni Elrea na mag-teleport at makapag-summoned ng ibat-ibang klase ng weapon. Hindi ko ma-explain kung paano ko nagawa basta namalayan ko nalang na nagawa ko lahat ang sinasabi ni Elrea.

Kailangan ko pa daw kontrolin ang kapangyarihan ko upang magamit ko ito ng maayos at hindi nakakapanakit. Pero dahil gahol ako sa oras, tinuon ko nalang ang pansin ko sa physical combat. Saka ko na gagamitin ang kapangyarihan ko kung kinakailangan. Pero minsan hindi ko pa rin maiwasan gamitin ito kaya nagkasugat-sugat ako. Na alam kong ikinabahala nina Xandra. Hindi man sila nagtanong sa akin pero nakikita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala tuwing nakikita nila akong may sugat. Hindi ko naman sila masisisi. Simula kasi nung araw na may nangyari sa training room. Nagsimula na akong dumistansiya sa kanila. Ayaw ko mang gawin pero pakiramdam ko kailangan. Dahil siguro ayokong sabihin din nila na isa akong mahina. Dahil sagad sa buto talagang masasaktan ako.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon