Chapter 25: Home

14.6K 491 21
                                    


Chapter 25: Home

Bella's POV

ILANG BESES akong huminga habang nakatitig sa malaking gate na nasa harap ko. After two weeks of missing, I'm finally home. Different emotions filled in my heart right now. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga kaibigan ko kapag nakita nila ulit ako, kahit pa nga alam nila na buhay talaga ako. Sinabi ni Andromeda kay Headmaster Morgan ang tungkol sa akin sa pamamagitan nang sulat impormasyon na pinapadala niya. At sinabi rin ni Headmaster sa mga kaibigan ko ang totoo. Na hindi talaga ako namatay. Na nakulong lang ako sa kastilyo ni Andromeda nang dalawang linggo.

Naging dalawang linggo ang pananatili ko sa kastilyo dahil sa nangyari nung nagkaharap kami ni Zach nang i-dominate niya ang kapangyarihan ko. Ang sabi ni Serena, limang araw lang akong mawawalan nang malay pero hindi nila akalain na umabot ng isang linggo. Pagkagising ko ay agad na pinaghanda ako ni Andromeda para sa aking pagbabalik dito sa academy. Ang sabi niya, kumikilos na naman daw ang mga Darks. Kaya kahit hapong-hapo pa ako ay pinilit kong kumilos.

At nandito kami ngayon. Mabuti nalang abot nang kapangyarihan ni Aleera itong kinaroroonan nang academy kaya nakarating kami dito sa pamamagitan nang portal niya.

"Ang laki pala nang school niyo, Bella." Gaya nang pinangako ni Andromeda ay kasama ko ngayon si Serena. Mananatili siya dito hanggang sa darating ang araw ng digmaan.

Ngumiti ako at hindi na sumagot. Inilibot ko nang tingin ang paligid nang academy. Ngayon ko lang nalaman na nasa pinakagitna pala nang gubat itong academy. Pinapalibutan nang matataas at matatayog na puno. Talagang sinadyang itinago ito mula sa mga mata nang mga tao.

Bumalik ang tingin ko sa malaking gate nang bumukas ito. Napailing ako nang makitang mangha na mangha si Serena sa nakita. At lalo pa siyang namangha nang masilayan ang loob nang eskuylahan. Mula sa gate ay maglalakad ka pa nang ilang metro hanggang sa marating mo ang main building nang academy. Ang building sa kanang bahagi ay ang Boy's Dorm. Sa kaliwang bahagi naman ay ang Girl's Dorm. Ang gitnang  building o ang main building ay mga classrooms na, Headmaster's office, Library, at mga Training rooms.

Malawak ang daan na nilalakaran namin ngayon na parang four-way lang. Sa gilid nang daan ay mga poste na dalawang metro lang ang layo mula sa isa pang poste.

Kita mula dito ang lawak na field. O mas tinatawag na open field arena kung saan nagaganap ang malawakang ensayo nang bawat estudyante sa kapangyarihan nila.

"Grabe. Ang laki talaga. Mas malaki pa sa kastilyo namin." Hindi napigilang mamangha ni Serena. Umikot-ikot pa siya na parang namamasyal lang.

Buti nalang at walang masyadong estudyante dito sa labas dahil nasa mga classrooms na nila. Walang nakakahalata sa aming pagdating. Tuloy-tuloy akong naglakad patungo sa pinakagitnang building. Nang tumapak ang mga paa ko dito ay isang pamilyar na damdamin ang agad na lumukob sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sa wakas, pagkatapos nang dalawang linggong pagkawala ay nakabalik na ako rito.

Tuloy-tuloy kong tinahak ang daan patungong opisina ni Headmaster habang nakasunod pa rin sa akin si Serena. Nang nasa harap na ako nang pinto ay hindi na ako kumatok at nagtuloy-tuloy lang na pumasok. Alam naman ni Headmaster na ngayon kami darating kaya inaasahan kong hindi na niya kailangang mabigla sa pagsulpot namin.

"Bella."

Agad akong sinalubong nang yakap ni Headmaster. Napansin kong nandito din sina Principal Hans at Professor Arden. Yumakap din sila sa akin.

"We're glad that your back, Bella." Nakangiting saad ni Principal Hans nang kumalas siya sa pagkakayakap. Yeah. I am too.

Nakita kong nakatingin sila kay Serena.
"Is that...?"

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon