Chapter 46: The Notris' War

10.4K 344 24
                                    

Chapter 46: The Notris' War

Carmen's POV

NAPAHIYAW ako ng matamaan ng lumilipad na dagger ang beywang ko na nagmula pa sa kung saan. Damn! Fucking witches! I winced in pain. Masyadong malalim ang pagkakabaon ng dagger dito kaya nahirapan akong kumilos. Saglit akong nawalan ng lakas. Thanks to Shin. Siya ang nagsisilbing shields ko. Ngayon na-realized ko na kung bakit ganito ang arrangement namin. Because Bella knows this will happen.

"Are you okay?" rinig kong tanong ni Shin sa akin.

Tumango ako. "Yeah. I'm fine, I think." Sagot ko. Kung sana nandito lang si Hera...

Nang makalabas kami ng Library ay halos dalawampung mga Evil Witches ang humarang sa amin dito sa hallway. Lumaban kami ni Shin. Nasa kalahati na ang napapatay namin at ang natitirang kalahati ay nasa harap namin ngayon at nilalabanan kami.

Ngayon ko napagtanto kung gaano kalakas ang lahi ng mga Evil Witches. Ang hirap nilang patayin. Andami nilang alam na spell na pang-atake sa amin at thankful pa rin ako dahil kasama ko si Shin at nagawa niyang mag-counter attack sa kalaban.

Puno na rin kami ng sugat sa katawan at galos sa mga braso at mukha. Wasak na rin ang bahaging ito ng building dahil sa palitan namin ng mga atake.

Huminga ako ng malalim at buong lakas kong binunot ang dagger na nakatusok sa beywang ko. Fuck! Malayang dumadaloy ang dugo mula sa sugat ko. Masakit at mahapdi. Pero hindi ito ang tamang oras para mag-inarte. Hindi ito ang tamang oras para magpakahina. May umaasa sa amin.

Pinunit ko ang dulo ng laylayan ng gown ko at itinali ito sa beywang upang mapatigil ang paglabas ng dugo. Ilang beses pa akong huminga at saka tumayo. Now, I'm better. Watch me now, Evil Witches! I'll send you in hell!

"Akin na ang libro! Ibigay mo sa amin ang libro!" Anang isang witch na nasa gitna.

I smirked. "Come and get it, you freak!"

Nagalit ang witch sa sinabi ko at mabilis niyang itinaas ang kanyang wand at nag-cast ng spell.

Avada kedavra! Dorinas halmas eskapa letara!

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginawa niya. It's a killing curse! The hell! Kahit elemental holder ako at bilang isang Pure Royalty ay napag-aralan ko rin ang mga ganitong uri ng spells at kung paano ito malalabanan sa pamamagitan  countercourse spell din. Pero ang ganitong uri ng spell ay walang panlaban para maibalik ito sa nag-cast ng spell. Ibig sabihin, kapag ikaw ang tinamaan ng spell ay siguradong wala pang isang segundo ay malalagutan ka ng hininga.

Sinubukan kong harangan ang sarili ko gamit ang kapangyarihan ko pero imbes na tumama ito sa akin ay narinig ko nalang na may bumagsak. At ng tingnan ko ito ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang tatlong evil witch na nas sahig at hindi na gumagalaw. Nagtatakang nilingon ko si Shin.

"Paanong...?"

Napansin ko ang paghahabol niya ng hininga. At ang duguang braso niya na halos hindi na makagalaw. Dali-dali ko siyang nilapitan at bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig ay nasalo ko na siya gamit ang libreng kamay ko. Shit! Masyado siyang napuruhan sa ginawa niya.

Hindi man niya nagawang ibalik sa caster ang spell na killing curse, nagawa naman niyang i-negate ito. Sa pamamagitan nito, maaring mawala ang spell bago pa ito tumama sa target nito. At sa hitsura ni Shin ngayon, nagawa niyang i-negate ang spell pero hindi niya naiwasan ang naging resulta ng ma-negate niya ito. Tumama ito sa kanya kaya napuruhan siya. Siguro inaasahan na niya yun kaysa naman mamatay nalang sila basta-basta.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon