Chapter 9: Emotions Awaken

18.5K 559 43
                                    


Chapter 9: Emotions Awaken

Bella's POV

NGAYON na ang simula nang training para sa Royalty Duel Battle na gaganapin dito sa loob ng academy, sa may open field sa susunod na linggo. Halos hindi ako makatulog kagabi. Hindi ko alam kung bakit. Siguro marami lang akong iniisip at dahil sa katotohanang nandiyan lang sa paligid ang mga Darks at naghahanda para kunin ako. O nate-tense lang ako sa kaalamang si Hunter ang magte-train  sa akin. I know Hunter when it comes to training. Masyadong trauma sa akin ang nangyari nung nakaraang Friday. Alam kong wala pa sa kalahati ang lakas niya nang mga oras na yun. And this time I know he's preparing something na lalong magpapakaba sa akin.

Kailangan ko lang maghanda sa pagkakataong 'to. Hindi ako pwedeng manghina kapag kaharap siya. May posibilidad na matalo ako.

You just have to concentrate, Bella. And focus.

Paalala ko sa aking sarili. Alas otso ang meet-up sa training room. Malamang nandun na sila Xandra. Na late kasi ako ng gising kaya nahuli akong pumunta ng training room.

Pagpasok ko ay nandun na nga silang lahat. Nakaupo sila sa bleachers. Napansin kong pares-pares sila. Pairing pala ang training ngayon? Akala ko kanya-kanya. Xandra is with Ryan. Hera and Jack. Snow and Eros. Carmen and Ethan. While me and Hunter. Teka, nasaan na ba ang isang yun? Inilibot ko ang tingin. Napataas ang kilay ko nang makita itong nakikipagtawan na naman sa babaeng linta. Ito ba yung sinasabi nila na hindi niya gusto si Caitlin? Eh, parang natutuwa pa nga siya sa paglalandi ng babae, eh. Tss. Lihim akong umismid. Type niya pala ang mga haliparot? Hindi na nahiya sa lahi niya. Naturingan pa namang Pure at Prinsipe ng Royalty Kingdom. Wala man lang ka taste-taste sa pagpili nang babae.

Gusto kong masuka nang marinig ang maarteng pagtawa ni Caitlin. Parang pilit lang? At saka, ano bang ginagawa niya dito? Akala ko ba ang training room na ito ay nakalaan lang para sa mga Mudbloods? Eh di magpspansin. Ano pa nga ba ang ginagawa ng mga malalandi? Tsk!

Iniwas ko ang tingin sa kanila at lumakad papunta sa kinaroroonan nina Xandra. Napansin naman nila agad ako.

"Good Morning, Andrea." Nakangising bati sa akin ni Xandra. Sumimangot ako sa ginamit niyang pangalan. Umupo ako sa tabi niya at nag de-kwatro.

"Don't call me that name, Alexandra." Inis kong saad sa kanya. Siya naman ang sumimangot.

"Why? Andrea is a nice name. Diba, guys?" inosenteng tanong niya sa mga kasama namin. Sumang-ayon naman lahat sila. Masama ko silang tiningnan. Pero tumawa lang sila.

"I don't like it." Sagot ko sa malamig na tinig.

"Why?"

"It's too girly. Hindi bagay sa akin. I'm okay with 'Bella'."

"Girly din naman ang Bella, ah." Sabat ni Carmen. I rolled my eyes. Balak ba nila akong pagtulungan dito? Dahil kung meron man. Please, wala ako sa mood patulan ang mga kalokohan nila.

"It's not." Matipid kong bawi.

Tumawa sila.

"What's funny?"

"Badmood ka ata ngayon?" nanunuyang tanong ni Xandra.

"Masama siguro ang gising." Dagdag buska ni Ryan.

"Wala lang ako sa mood." Baliwalang sagot ko sa kanila. Pumikit ako.

"Hmm, parang alam ko na kung bakit wala ka sa mood, Bella." Lumapit sa akin si Snow at sumunod ang iba pa. Nagtataka ako sa mga kinikilos nila. Pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko. Matutulog na muna ako. Hindi pa naman nagsisimula ang training, eh. Busy pa ang leader. Busy sa pakikipaglandian.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon