Chapter 21: Pirates Village

13.9K 422 45
                                    


Chapter 21: Pirates Village

Bella's POV

HINDI ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok simula nang tumapak ang mga paa ko dito sa entrada nang Pirates Village. Hindi siya ordinaryong village lang kasi unang impresyon mo palang ay napaka-creepy na. Ang style nang mga bahay ay karaniwan lang pero bawat bahay ay may nakapaskil na bungo nang tao. Well, as expected. Lihim kong inilibot nang tingin ang kabuuan nang village. Hindi ito kalakihan. Siguro nasa mga tatlumpung bahay lang ang nandito at binubuo na halos isang daang mamamayan na pirata. Mas malaki pa ang bayan namin.

Isang malamig na bakal ang nakatutok sa mukha ko ngayon. Nang makalabas kami nang gubat kanina ay ito agad ang bumungad sa amin. Halos nasa tatlumpung pirata ang agad na sumalubong sa amin at may mga dalang baril. Ibat-ibang klase nang baril na talagang tatapos sa buhay mo kapag may ginawa kang mali na hindi kaaya-aya sa kanila. Ganito ang uri nang pirata, pumapatay sila kapwa pirata at lalong-lalo na nang estranghero. At para sa kanila, estranghero kami.

Isang matangkad na lalaki na mahaba ang buhok at may kwintas pa na pangil ang lumapit sa amin. Marahil ito ang kapitan nila. May nakasukbit na baril sa tagiliran nito.

"Anong kailangan niyo mga bata?" matigas ang boses nito na lalong nagpadagdag sa maangas na porma nito at nakakatakot na aura.

"Mawalang galang na po. Kasalukuyan po kaming naglalakbay ngayon pero  naabutan po kami nang dilim. Kaya kung ipapahintulot niyo po sana ay pwede po bang kaming magpalipas nang gabi dito?" magalang na saad ni Hunter. Lahat kami ay natahimik pati ang kapitan. Tinitigan nitong mabuti si Hunter at sinusuri kung totoo ba ang sinasabi niya.

"Sa hitsura niyo ngayon ay hindi naman kayo pirata. Napakabata niyo pa para maglakbay na ganito ka layo." Tiningnan kami isa-isa nang kapitan. At halos manigas ako nang huminto ang mga mata niya sa akin. Hindi ako nagbawi nang tingin bagkus ay nakatutok ang mata ko sa kanya.

"Anong pangalan mo, hija?" tanong nang kapitan sa akin. At dahil nasa likod ako ay itinulak ako nang isang pirata gamit ang baril niya. Muntikan pa akong mapasubsob sa lupa dahil sa pagkakatulak nito. Nakita ko sa gilid nang mga mata ko ang mga nag-aalalang mukha nila.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Bella."

Tumatango-tango ang kapitan. "Hmm. Magandang pangalan. Bagay sa isang matapang na dalagang tulad mo." Tumaas ang sulok nang kanyang labi.

Hindi ako sumagot at nanatili ako sa harap nang kapitan.

"Alam mo ba kung anong lugar ang pinasok mo?" tanong niya sa amin. Hindi kami sigurado kung sino ang sa amin ang tinatanong niya.

Mabilis sumagot si Hunter. "Opo, Kapitan."

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, ginoo." May galit sa boses nang kapitan kaya hindi ko mapigilang mapaigtad. Agad namang humingi nang tawad si Hunter.

"Patawad po, Kapitan."

"Ikaw ang tinatanong ko, magandang binibini." Baling niya sa akin. Tumalim ang tingin niya.

"Alam ko. At alam naming lahat." Simpleng sagot ko sa buong boses. Tumaas ang kilay nang kapitan.

"Talaga? At alam mo bang anumang oras ay pwede ko kayong ipapatay sa mga tauhan ko. Estranghero kayo sa lugar namin kaya dapat lang na tapusin ang inyung mga buhay." Kalmadong saad niya. Narinig kong napasinghap ang mga kasama ko. May narinig din akong tumatawa. Marahil masarap sa pakiramdam nila ang pumatay kaya nagagalak sila sa sinabi nang kanilang kapitan.

Tiningnan ko siya na hindi kumukurap.

"Pwes, kung mangyari man yan lalaban kami, kapitan." Sagot ko sa mariing tinig.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon