Chapter 2: First Day

27.6K 781 122
                                    


Chapter 2: First Day

Bella's POV

NAKATULALA lang ako habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko akalain na ganito ka dali ang lahat. Estudyante na ako ng Royal Ace Academy. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ako napapayag ng dalawang matandang yun...

"So, what's on you're mind right now, Bella?" Nagulat ako ng tawagin ako sa una kong pangalan ni Headmaster Morgan.

Ano nga ba ang magiging desisyon ko? Sa totoo lang, tama naman sila. Kapag bumalik ako sa bayan, tiyak inaabangan na ako ng grupo ni Lucas the Bandits. Hindi pa naman kumbinsido ang pangit na yun na patay na ako. Kung magtago man ako, mahahanap at mahahanap nia rin ako. Hindi naman habang-buhay na iiwasan ko nalang sila at magtatago nalang. Paano naman ako maghahanap ng pera para pagkain kung ganyan? Hindi man ako mamamatay sa kamay ni Lucas, mamamatay naman ako sa gutom. Na dilat ang mata.

Pero naisip ko rin. Wala namang masama kung mag-aral ako, diba? Disi-otso na ako, kailangan ko nang magtino. Kailangan may direksyon na ang buhay ko. Hindi pwedeng habang buhay akong pa gala-gala sa bayan at nakikipagpustahan sa mga walang kwentang bagay. Nagkakapera naman ako sa pustahan, minsan nanalo, mimsan din natatalo. Pero okay na rin yun, at least nakakain ako tatlong beses sa isang araw. Pro iba na ang sitwasyon ngayon. Mahihirapan akong kumilos sa bayan lalo na at may mga bandido na nag-aabang sa akin. Nakakatawa mang sabihin pero mahal ko ang buhay ko. Wala sa plano ko ang mamatay. Wala yun sa listahan ko.

"Do I have a choice?" Wala na. Kailangan ko talagang mag desisyon para sa buhay ko. Simula ngayon, magtitino na ako.

Ngumiti si Headmaster Morgan.

"Very well, Bella. From now on, you are now a regular student here in Royal Ace Academy. I'll let Professor Williams to accompany you. Siya na rin ang bahala sa mga gamit mo, sa dorm at sa schedule mo." Nakangiting saad ni Principal Hans.

Tumango lang ako. Maya-maya ay dumating na si Professor Williams para igiya ako sa magiging kwarto ko...

And now, here I am. Parang ang bilis nang pangyayari. Noon, pagala-gala lng ako sa bayan simula nang mamatay si lolo at lola. Nakikipag-away. Nangungupit ng pagkain sa tindahan ni Mang Kanor kapag walang pera. Nakikipag-pustahan. Wala nga akong kaibigan, eh. Meron akong kaibigan noong labin-anim na taon ako, si Nico. Kaso lumipat sila sa kabilang bayan, sa Sylvaria. Nandoon daw ang ama niya na may trabaho. Siya lang ang itinuring kong malapit na kaibigan. Pero nang umalis sila sa Scandria kasama ang ina niya ay pakiramdam ko nawalan ako ng pamilya. Simula noon, mag-isa nalang ako. Hanggang sa umabot sa punto na hinahabol ako ng mga bandido dahil lang sa isang tinapay at nakikipaglaban kay kamatayan. At ang pagdating ko dito, ang pagiging estudyante ko na wala sa pangarap ko.

Ibinigay na nga ni Professor Williams ang mga gamit ko. Ang tanging damit ko lang ay ang suot ko nung hinahabol ako ng mga bandido. Black ripped jeans, white long sleeved at black boots. Buti nalang at may kasya ako dito. Ibinigay din niya sa akin ang schedule ko, dalawang klase ng uniform, isang pin at dalawang klase ng sapatos.

Nagamot na rin ang sugat ko sa katawan dahil kay Hera. Hindi nga ako makapaniwala na magagawa talagang niyang manggamot ng sugat sa ilang segundo lang. Ang galing nga, eh. Naniniwala na tuloy ako sa magic at powers. Nang malaman naman nila Xandra na mag-aaral ako, na expected na daw kasi pinapatawag ako, ang saya nila lalo na at kasama nila ako sa klase.

Bahagya kong tiningnan ang katabing kama ko. Wala na ang kasama ko, pumasok na ata. Kahapon ko rin siya nakilala, si Snow Fletcher. Ang cool nga ng pangalan niya eh. Snow. Nang tinanong ko kung ano ang powers niya, sabi niya she can manipulate snow daw. Galing diba. Nakakabaliw ang mga tao dito.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon