Chapter 49: Face-off

11.2K 318 7
                                    

Chapter 49: Face-off

Bella's POV

TAHIMIK at matiwasay kaming nakalabas ng gubat at nakalagpas sa Misty Mountains na walang anumang nakakaduda sa paligid. Mabuti na rin yun at ng makabawi kami ng lakas sa naging laban namin kanina sa mga Orcs sa loob ng gubat.

At ngayon ay nasa pampang na kami ng baybay dagat kung saan tanaw mula dito ang Isla ng Maldives. Ang malaking problema lang ay walang anumang sasakyang pandagat ang nakita namin dito na maaaring maghahatid sa amin sa Isla. Hindi naman pwedeng lalanguyin namin ang dagat mula dito sa kinatatayuan namin.

Papalubog na ang araw kaya masyadong madilim na rin sa parte ng isla lalo na't dahan-dahang kumakalat sa paligid nito ang makapal na fog. Lalong mahihirapan kami sa lagay na 'to.

Inilibot ko ng tingin ang buong paligid. Napakatahimik. Na tanging mga ingay lamang ng mga kuliglig at mga dahon na nililipad ng hangin ang maririnig.

Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaunting takot lalo na't ang lamig ng simoy ng hangin ay  nanunuot pa sa buong kalamnan ko.

Napakagat ako sa aking labi ng kumirot ng bahagya ang sugat ko sa braso. Sinubukan ko ulit paganahin ang healing ability ko pero katulad pa rin ng kanina, hindi pa rin gumagana. At hindi ko maintindihan kung bakit. Ngayon pa talaga hindi gumana kung kailan kailangan ko ito sa misyon na 'to.

"Magpahinga muna tayo ngayong gabi. Bukas na tayo hahanap ng paraan kung paano makakapunta sa isla." Rinig kong saad ni Hunter.

"Mabuti pa nga." Sang-ayon na rin nila.

Kanya-kanyang naglatag ng matutulugan ang mga lalaki habang kaming mga babae naman ay kumuha ng mga kahoy para gumawa ng bonfire para makabawas sa lamig dito sa paligid.

"Kapag nahanap natin ang Death Star, ano nang gagawin natin?"

Nabaling ang tingin ko kay Snow. "Babalik tayo sa academy at hihintayin ang araw ng digmaan na sinasaad ng Propesiya." Sagot ko. At saka ibinaling ko ang tingin sa bonfire sa harap. "At matatapos na ang lahat." Dugtong ko sa mahinang boses.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Alam kong may iniisip sila ngayon at ayokong magtanong kung ano. Sapat na ang katahimikan na binibigay nila para malaman ko kung ano ang nasa isip nila ngayon.

Ilang araw nalang at matatapos na ang lahat. Babalik sa dati ang kaharian ng mga Royalty. Maaaring maraming dugo ang dadanak sa araw na yun pero ang kapalit naman ng pagsasakripisyo ng ilan ay ang katahimikan at kapayapaan na hinahangad ng karamihan sa simula pa lang.

At kasama ako sa magsasakripisyo sa gabing yun.

Isa ako sa mamamatay sa digmaang yun.

At matagal ko nang natanggap ang kapalaran ko.

Minsan nga hindi ko maiwasang isipin na, paano kung hindi ako ang nakatakdang magsakripisyo sa araw ng digmaan? Makakasama ko kaya pagkatapos ng lahat ang mga kaibigan ko? Pamilya ko? Mga taong naging malapit na sa akin kahit sa ikli ng panahon na pinagsamahan namin.

Makakaligtas kaya ako?

Pero ang lahat na hinangad ko ay kabaliktaran sa totoong mangyayari. Dahil pagkatapos ng digmaan, tuluyan na akong mawawala. Iiwan ko na ang nga kaibigan ko. Hindi ko na sila makakasama pa.

Masakit man pero kailangang tanggapin. Yun na kasi ang nakatakdang mangyari, at hindi na ito mababago pa.

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya agad akong napatingin dito at ganun nalang ang pagnggiti ko nang makilala ito.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon