Chapter 17: The Sacred Book

15.3K 449 44
                                    


Chapter 17 : The Sacred Book

Bella's POV

PAGKAGALING ko sa gubat ay dumiretso agad ako sa library. May hahanapin kasi akong libro. Nung nagpunta ako nang gubat ay agad kong hinanap si Elrea. Kahit alam kong hindi talaga siya magpapakita sa akin ay hinanap ko pa rin kung nasaan nakatago ang hidden falls dahil alam kong nandun lang siya base na rin sa panaginip ko noon. Kaya nga hidden, eh, nakatago siya. Ilang oras pa akong naglibot-libot pero wala talaga akong makitang palatandaan man lang na may falls dito. Sumusuko na ang katawan ko sa paghahanap dahil pagod na rin ko at may mga sugat na dahil sa mga nakausling sanga na hindi ko maiwasan pero sinasabi ng utak at puso ko kunting tiis pa at mahahanap ko rin siya. Kahit hapong-hapo na ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang paghahanap. Tinatawag ko pa siya gamit ang isip ko pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Pero natigilan ako nang may nagsalita sa isip ko. Elrea!

"Bella, hindi ako pwedeng magtagal. Sundin mo ang sasabihin ko. Pumunta ka nang library, hanapin mo ang lumang libro na may nakasulat na The Sacred Book. Kapag nahanap mo, bumalik ka agad dito. Dalian mo ang paghahanap, Bella. Aasahan ko ang iyong pagbabalik."

"Elrea, te-"

Hindi ko na siya nakausap uli dahil bigla na lang siyang nawala. Pero hindi maalis sa isip ko ang bagay na pinapahanap niya. Librong may nakasulat na 'The Sacred Book' daw? Paano ko naman yun hahanapin? Hindi ko nga alam kung ano ang hitsura nun. At sa library ko pa talaga hahanapin, ha? Ang laki kaya ng library dito at ang lawak pa. At andami pang libro, baka abutin pa ako ng ilang taon sa paghahanap ng librong yun, eh.

Pero dahil may tiwala ako kay Elrea, hahanapin ko nalang ang librong yun. Kaya eto ako ngayon tinatahak ko mag-isa ang daan papuntang library. Napakatahimik ng hallway. Kahit alas kuatro y media pa lang ng hapon ay makikita mo talagang wala nang katao-tao dito. Tanging tunog ng boots ko nalang ang naririnig sa tuwing hahakbang ako. Hindi ko maiwasang mangilabot sa tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyaring pag-atake ng mga Darks kaninang umaga. Ang duguan at wala nang buhay na katawan nang dalawang babae na nakahandusay sa gitna nang malawak na field. Sa tuwing iniisip ko yun ay hindi ko maiwasang ma guilty dahil ako naman talaga ang kailangan nila at nadamay lang sila. At kung magpapatuloy pa ito hindi ko na alam kung kakayanin pa ba nang konsensiya ko na may mamamatay na naman nang dahil sa akin. Kaya nga hahanapin ko ang librong pinapahanap ni Elrea dahil alam kong matutulungan ako nito.

Hindi ko maiwasang matakot sa sitwasyon ko ngayon. Kahit pa na may kapangyarihan na ako hindi ko pa rin kayang kalabanin ang mga Darks sa oras na magkaroon sila nang pagkakataon na makuha ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko pero sa pagkakataong 'to ay dinapuan ako nang takot na kahit kailan ay ayokong maramdaman dahil pakiramdam ko nagiging mahina ako.

Lihim akong nagdasal na sana bukas pa ang library ngayon. Dahil kasi sa nangyari kaninang umaga, wala talagang pinahintulutan na makauwi sa kanilang mga bayan para na rin sa kaligtasan nila. Lahat nang estudyante ay nagkulong lang sa kani-kanilang dorm. Mukha ako lang yata ang gumagala dito sa labas, eh. The fact na ako ang habol ng mga Darks.

Nakahinga ako nang maluwag na mamataan na bukas pa ang library. Tinakbo ko ang library dahil baka mahuli ako at maisipan pa nang librarian na magsara. Nang makapasok ako ay binati ko agad ang librarian. Nagpaalam ako na manghihiram nang libro at sandali lang ako. Pero duda akong mahahanap ko ang librong yun sa loob lang nang dalawampung minuto na binigay sa akin ng librarian. Tama ang hula ko. Wala na talagang mga estudyante ang nandito. Wala na akong sinayang na oras at dumiretso agad ako sa history section. Alam kong dito nabibilang ang librong yun dahil na rin sa title niya.

Isa-isa kong binaybay nang tingin ang mga libro. Lihim akong napamura nang lumipas ang sampung minuto ay hindi ko pa rin nahahanap ang librong yun. Hindi pa nga ako nangangalahati ag sumasakit na ang mata ko sa kaiikot nang tingin.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon