Epilogue 1.2: The Real Ending

19.5K 483 105
                                    


Epilogue 1.2: The Real Ending

Three years later...


INILAGAY ko ang isang pumpom na asul na bulaklak sa tabi ng kanyang malaking larawan at pagkatapos ay umupo ako paharap dito.

Hinimas ko ang kanyang nakangiting mukha at binalikan ko sa aking isipan ang masasayang sandali namin habang magkasama.

Mula nang araw na makita at makilala siya hanggang sa dumating sa punto na pareho naming pino-protektahan ang isa't-isa.

Napangiti ako sa alaalang yun.

Tatlong taon. Tatlong taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ako sa pagkawala niya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ng buo ang lahat.

Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapaiyak habang inaalala siya.

Ang hirap lang ng sitwasyon ko. Ang hirap kasi hindi ko magawang makapag-move on. Hindi ko magawang makalimot. Hindi ko magawang kalimutan ang sakit ng ganun-ganun lang.

At hindi ko magawang pawiin ang sakit sa dibdib ko.

Dahil hanggang ngayon, aminado akong umaasa pa rin ako na babalik siya sa akin. Umaasa ako na makita ko pa ang maganda niyang mukha.

Mahal ko siya. Mahal na mahal. Kung pwede sana ako nalang. Ako nalang ang kinuha kaysa siya.

Hindi ko kaya. Tila dinudurog ang puso ko habang nakatingin sa mukha niya.

"Kailan ka ba babalik? Nangako ka sa akin na babalikan mo ako, diba? Tatlong taon na. Hinintay kita sa loob ng tatlong taon. Kailan ka ba magpapakita sa akin?" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Hanggang sa naging hagulgol ito at nauwi sa isang lihim na pag-iyak.

Ganito ako palagi. Simula nung araw na mawala siya hanggang ngayon, ganito na ang parating nangyayari sa akin. Binibisita siya, dinadalhan ng bulaklak na kulay asul, kinukwentuhan. At kinakausap kung kailan siya babalik.

Pero mauuwi lang sa iyak ang lahat. Miss na miss ko na siya. Parang hindi ko na kaya maghintay ng isang taon pa. Pakiramdam ko unti-unti akong pinapatay.

Isang taon. Isang taon akong nagluluksa at nagdadalamhati. Nung una hindi ko matanggap na tuluyan na siyang nawala sa akin. Nagmumukmok ako palagi sa kwarto. Hindi nga ako nakasali sa graduation namin noon dahil hindi ko kayang bumangon at tumayo. Maging si Tita Surra ay nag-aalala na rin sa akin.

Pero nang maisip ko bigla si Andrea at naaalala ko ang mga sinabi niya noon na kapag bigyan siya ng pagkakataon na buhayin ulit ay babalikan niya ako. Kaya nagpursige ako. Bumangon ako mula sa pagkakalugmok ko sa sahig. Inayos ko ang sarili ko. Dahil alam kong ayaw na ayaw ni Andrea na pinabayaan ko ang sarili ko.

Simula nun, hindi na ako tumigil sa kakaasa na isang araw ay babalik siya. Babalik siya sa akin.

"Kahit ilang taon pa yan, maghihintay ako. Hihintayin kita, Andrea." Pinahid ko ang basang pisngi ko at nagpasya na akong tumayo.

Nasa pinakatagong bahagi ng hardin ng palasyo nakatayo ang Bella's Memoire. Isa itong maliit na parang chapel kung saan dito nakalagay ang mga naiwang gamit ni Andrea. Mula sa damit, libro, personal na gamit, uniform niya sa academy at iba pa na pagmamay-ari niya nung buhay pa siya.

Sinadya kong gawan na ganito si Andrea nang sa gayon ay pwede ko siyang mabisita anumang oras na gustuhin ko. Para hindi rin ako makaramdam na tila nag-iisa ako. Gusto kong maramdaman na nasa tabi ko lang siya. Kahit sa ganitong paraan man lang.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon