Chapter 22: Castle Andromeda

13.7K 453 64
                                    


Chapter 22: Castle Andromeda

Bella's POV

HINDI ko inaasahan na malayo pala ang Isla Murtuera. Halos apat na oras na kaming nasa dagat pero ni anino nang isla ay hindi ko makita. Nage-exist ba talaga ang islang yun? Ang sabi ni Carlos, tama ang direksyon na tinatahak namin. Nasa gawing kanluran ang Isla Murtuera. Ibinalik ko ulit sa aking mga mata ang hawak na binoculars. Ang tanging nakikita ko ay malawak na dagat lang.

Lumingon ako kay Carlos. "Carlos, bakit wala along makitang Isla? Tama ba talaga 'tong tinatahak natin?" tanong ko.

Tumawa siya. "Oo naman. Wala pa kasi tayo sa pinakagitna nang dagat, Bella kaya hindi natin maaninag ang Isla Murtuera."

Hindi ko alam kung ano ang hitsura ng isla pero nasisigurado kong nag-iisang isla lang ito dito sa kanluran. Ibinalik ko ang binoculars kay Carlos. Sumasakit ang mata ko kakatingin wala naman akong makita.

Pinuntahan ko ang mga kasama ko sa ibabang deck nang barko. Nakatunghay sila sa dagat. Nakita kong papalapit sa akin si Hunter kaya huminto ako. Nagsimula na namang magrigodon ang puso ko.

"Malayo pa ba tayo?" pormal na tanong niya habang nakakunot ang noo.

"Malayo pa sa inaasahan natin. Ang sabi ni Carlos ay wala pa tayo sa pinakagitna ng dagat." Sagot ko at tumingin sa malawak na dagat.

"Sa tingin mo ba aabutin tayo nang gabi bago makarating sa isla?"

Tiningnan ko ang langit. Hindi masyadong mainit ang sinag nang araw. Maalinsangan nga lang.

"Hindi ako sigurado, Hunter."

Sandali kaming natahimik. Napansin kong nasa dulong bahagi kami nang barko nakatayo. Parang sa Titanic lang.

Dinama ko ang simoy nang hangin. Malayang inilipad nito ang mahaba kong buhok dahil nakalugay lang ito.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?"

Lumingon ako kay Hunter at doon ko napagtanto na nakatingin pala siya sa akin.

Ngumiti ako. "Okay na ako. Salamat nga pala."

"It's fine. I'm glad your okay, Andrea."

Andrea. Sandali kung tinitigan ang maamong mukha niya. Nang mapadako ang tingin ko sa kamay niya ay napakunot ang noo ko. May mga sugat sa palad nito. Bigla kong naalala ang nangyari sa Royal Mystic Forest. Yung nangyari sa katawan ko. Ang init na inilalabas nito. Aminado akong nakakapaso ang init sa katawan ko nang mga oras na yun kaya nga pinigilan ko siyang wag akong hawakan. Nakadama ako nang guilt sa nangyari.

Wala sa sariling hinawakan ko ang kamay niya. "I'm sorry for this, Hunter."

Sandali siyang natigilan at pagkaraan ay kumurap. Nagbaba siya nang tingin.
"It's okay, Andrea-"

"No, it's not." Agad kong putol sa sinasabi niya. "Let me heal it." Hinawakan nang dalawang kamay ko ang kamay niya na may sugat at pumikit. Naramdaman ko ang lumabas na enerhiya mula sa kamay ko.

Nang dumilat ako ay wala na ang kanyang mga sugat. Napangiti ako sa reaksyon niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at pagkamangha. Sumilay ang ngiti sa labi niya nang tumingin sa akin.

"Wow. You can heal." It was more a statement than a question.

Yes. I can heal. Hindi ko alam kung paano ko nagawa. Basta pumasok nalang sa isip ko na pwede kong gamutin ang sarili ko. Katulad ng sugat ko na nakuha galing sa kalmot ng lobo. Alam kong may lason ang kalmot nito. Pero dahil nanghihina ako nang mga oras na yun ay hindi ko kinaya kunin lahat ang lason. Buti nalang naagapan agad ako ni Hera.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon