Chapter 6: Dreams

21.5K 590 31
                                    


Chapter 6: Dreams

Bella's POV

"ELREA...?"

"Ang Propesiya..."

"Ang itinakda..."

"Nagbalik na..."

"Katapusan na..."

"At maglalaho ang lahat..."

Napadilat ako sa mga mata ko. Argh! Panaginip na naman. Halos isang linggo ko nang napaginipan ang mga yun. Simula nung may nangyari sa training room, parati na akong nanaginip nun. Hindi ko maintindihan kung bakit. At sino si Elrea? Wala naman akong kakilalang Elrea, ah. Tss. Nakakabwisit ng isip. Mabilis kong iwinaksi sa aking isipan ang pangalan na yun.

Bumangon ako mula sa kama. Inilibot ko ang aking paningin. Nasa dorm room na ako. Halos isang linggo din akong namalagi sa Infirmary. At hindi ko lubos maisip na tulog pala ako sa loob ng halos isang linggo. Pero ang sabi ni Nurse Rina ay wala naman daw dapat ipag-alala dahil natural lang daw sa isang tao ang makatulog ng ilang araw kapag naipalabas na ang kapangyarihan nito. Kahapon pa nga ako nakalabas, eh.

Tumingin ako sa kabilang kama. Umalis na pala si Snow. Naaalala ko kagabi nagpaalam pala siya sa akin na uuwi sila sa Norman, kasama sina Xandra, Carmen, Hera, Jack at Ryan. Kapag kasi weekends, pinapayagan silang umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Babalik lang sila dito Sunday ng hapon.

Habang ako ay nandito lang sa dorm. Wala naman kasi akong uuwian sa Scandria. Ano namang gagawin ko dun? Magpapahuli sa mga bandido? Wag na noh. Ayaw ko pang mamatay.

Bigla kong naaalala ang nangyari sa training room. Ano kaya ang ibig sabihin nun? Bigla na lang sumakit ang ulo ko na parang hinihiwa. Hindi ko rin makalimutan ang nangyari sa katawan ko. Ang enerhiyang gustong lumabas sa aking katawan. Ito rin yung nangyari nung unang araw ko dito at naglalakad ako sa hallway. May narinig akong nagpapainit ng dugo ko. Yun ang unang beses na biglang may gustong kumawala sa katawan ko pero hindi ko alam kung ano yun. Buti nalang at dumating si Hunter at napigilan niya ako. Alam kong may alam na siya sa kapangyarihan ko kaya hinamon niya ako sa isang training. Alam kong ito rin ang paraan niya para malaman niya kung sino ba talaga ako.

Ang sabi nina Xandra, may nakita daw silang aura na pumapalibot sa katawan ko habang nagsisigaw ako sa sakit. Pero hindi nila matukoy kung anong klaseng aura ito kasi ngayon lang daw nila ito nakita. Nagawa ko din daw salagin ang atake ni Hunter sa akin. Yung fire ball niya na may kasamang lightning bolt. Isang dangkal na lang daw ang layo nito sa akin at biglang sumabog ito. Akala nga nila kasama ako sa pagsabog pero nagulat nalang daw sila nang makita nila akong nakabulagta at hinang-hina. Pero ang nakapagtataka daw ay paano ko daw nagawa yun? Paano ko napasabog ang fire ball ni Hunter gayong alam nila na wala na siyang kontrol dun? Kahit ako, hindi ko masagot ang mga tanong nila. Talagang wala naman akong alam, eh. Pinipiga ko na nga ang utak ko pero wala pa rin akong makuhang sagot. Idagdag pa ang paulit-ulit na panaginip ko tungkol sa isang propesiya.

Napahilamos ako sa mukha ko. Para yata akong mababaliw sa lugar na 'to. Tinungo ko ang banyo at nagpasyang maligo. Baka sa pamamagitan nito mahimasmasan ako ng kunti dahil sa mg iniisip ko. Ilang minuto pa ako naglagi sa ilalim ng shower hanggang sa maisipan ko nang lumabas ng banyo.

Nagbihis ako. Nagsuot lang ako ng isang fitted sando at short shorts. Nagsuot rin ako ng sweatshirt na may hood at nag-sapatos. Inilugay ko nalang ang buhok ko dahil basa pa naman ito. Ilang sandali pa ay nakaharap na ako sa salamin. Gusto kong malaman kung may nagbago ba simula nung araw na may nangyari sa kin sa training room. Sabi kasi ni Xandra ay kalimitan daw magbabago ang panlabas na anyo ng isang royalty kung maipapalabas na nila ang kanilang kapangyarihan. Duda akong hindi magbabago ang anyo ko kasi hindi naman ako isang Pure o Hafling tulad ng ibang estudyante.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon