Chapter 47: Saving Her

10.8K 317 10
                                    


Chapter 47: Saving Her

Carmen's POV

EVERYTHING around here in Notris Kingdom went back to normal. Pagkatapos ng nangyari kagabi tila nabunutan ng tinik ang mga mamamayan ng Notris dahil napatay na ang mga Evil Witch na gustong umangkin sa kaharian nila. Lalong-lalo na si Ravena na siyang nagpasimuno ng lahat. Nagkaroon ulit ng buhay ang kaharian. Kung noon nang unang tapak namin dito ay nababalutan ng itim na aura ang kaharian ngayon naman ay napakaliwanag na nito. Ang magandang sikat ng araw ang siyang ebidensya ng magandang paligid ng Notris.

Bumalik na rin ang totoong namuno ng kaharian, si Haring Leandro at Reyna Eloisa kasama ang anak nila na si Prinsipe Dylan. Nang malaman nila ang ginawa naming pagtulong sa kaharian nila ay buong pusong nagpapasalamat sila sa amin lalo na nang malaman nila kung saang kaharian kami galing. Pati ang mga mamamayan ng Notris ay ganun din ang ginawa. Masaya din kami sa nagawa naming tulong sa kaharian nila.

At tungkol naman kay Rohan, hindi siya pinatay ni Hunter. Bagkus ay kinuha lang niya ang kapangyarihan nito. At dahil isa sa kapangyarihan ni Hunter ang Power Absorption ay napunta sa kanya ang kapangyarihan ni Rohan. And that makes Rohan powerless. Wala na siyang anumang kapangyarihan at isa na lamang siyang normal na mamamayan ng Notris. Pansamantalang inilagay siya sa Dungeon upang pag-usapan ng mga nakatataas ng Notris ang tungkol sa magiging parusa niya. Siya nalang kasi ang naiwan sa lahi ng mga Evil Witch.

Napaigtad ako ng biglang may humawak sa balikat ko. "Okay ka lang?" Si Shin pala. Sinuyod ko ng tingin ang buong katawan niya. Maayos na siya. Wala na rin ang mga kaunting galos na nakuha niya mula sa pakikipaglaban kagabi. May benda pa rin ang braso niya. Ito kasi ang napuruhan sa labanan namin sa nga Evil Witch.

Tumango ako at ngumiti. "Okay lang ako."

Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mong pagligtas sa akin kagabi. Kung hindi dahil sa'yo, baka wala na ako ngayon."

Tinapik ko siya sa balikat. "Ano ka ba, ako nga dapat ang magpasalamat sa 'yo, eh. Saka sino pa ba ang magtutulong-tulungan kundi tayo lang naman. Masaya ako at bumalik na sa dati ang kaharian niyo." Totoong masaya ako. Nagbunga ang paghihirap namin. Akala ko pa nga hindi kami magtatagumpay.

Malungkot siyang ngumiti. "Oo nga. At sana siya rin. Kung hindi dahil sa kanya, hindi namin makakamtam ang kapayapaang nalasap namin ngayon."

Hindi ako sumagot. Si Bella. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. At dahil ito sa mga sugat na natamo niya sa pakikipaglaban kagabi sa isa sa mga first class witch, kay Sylla Errantis.

Halos sabay kaming lahat dumating sa ground. Wasak na wasak ito. Nakita namin kung paano pinatay ni Bella ng mabilisan si Sylla. Pero hindi lingid sa amin ang mga sugat sa buong katawan niya. Mga malalalim na sugat. Hindi namin akalain na yun ang maaabutan naming kalagayan niya. Hanggang sa sinabi ni Audrey na malakas talaga si Sylla, ito kasi ang protektor ni Ravena at Rohan. Nang utusan kasi siya ni Bella na sundan si Ravena ay nagdadalawang-isip siyang sundin ito lalo na't si Sylla ang makakalaban nito. Pero naging mapilit si Bella kaya wala siyang nagawa kundi iwan ito.

At nang mapaang-abot kaming lahat sa ground ay nasaksihan namin ang kalagayan ng katawan niya. Na tila anumang oras ay bibitaw na ang katawan niya. Nakita namin ang paghihina ng katawan niya kaya ng bumagsak siya sa lupa ay agad tumakbo si Hunter para saklolohan siya. Dinala siya sa isa sa mga sagradong kwarto ng kastilyo para gamutin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

Lumabas ako ng kwarto dahil ayokong makita ang kalagayan ni Bella. Nasasaktan ako para sa kanya. Dahil bilang isang kaibigan ay wala akong nagawa para tulungan siya. Kaming mga kaibigan niya ay hindi siya natulungan. Mga minor na sugat lang ang nakuha namin, habang siya ay malala na ang kalagayan niya nang maabutan namin.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon