Chapter 45: The Plan

10.7K 336 15
                                    


Chapter 45: The Plan

Bella's POV

"ARE you sure about this, Bella?"

Narinig kong tanong sa akin ni Xandra sa tabi ko habang pinapanood namin ang mga kasama naming mga lalaki na na nakikihalubilo sa mga estudyante ng Notre Dame Academy. Mostly are girls. Flirt girls to be exact.

Nandito kami sa gilid ng event hall na hindi masyadong matao at may kadiliman. Iniiwasan din naming makihalubilo sa mga estudyanteng napapansin kami at gustong makipagkwentuhan. Mula dito sa kinatatayuan namin ay malayan napapanood namin ang mga kasama na ngayon ay nagsimula ng gawin ang 'trabaho' nila. Biglang bumalik sa isip ko ang ginawa naming plano kanina bago kami nagtungo dito sa ball...

Nakabihis na kami lahat ng biglang lumitaw sina Audrey, Shin at Liam na bihis na rin.

"Maraming kawal ang nakabantay sa labas. Hindi kami basta-basta makakapasok." Agad sabi ni Audrey.

Tumango kami. Kinuha ko ang mapa ng Notris at inilitag sa malapad na kama. Isa-isa silang lumapit sa kama at nakitingin.

"Makikita natin dito sa mapa na konektado ang academy at ang kastilyo sa pamamagitan ng isang pinto na kung tawagin ay Magic Door. Na tanging mga nakakataas na tao lamang ang makakaraan katulad nina Rohan, Harold at ng iba pa. May posibilidad na nasa loob ng academy ang libro na hinahanap natin at posible ring nasa paligid lamang ito nakatago na tanging ang totoong Hari at Reyna o maging si Dylan ang nakakaalam. Kung nasa academy ito ay kailangan nating makakuha ng impormasyon mula sa mga estudyante dito," tiningnan ko sila isa-isa.

"Do you want us to...?" hindi matuloy-tuloy na tanong ni Ryan.

Tumango ako. "Yes. The ball is an advantage to our part. Mamayang gabi lahat ng estudyante ng Notre Dame ay magtitipon-tipon." Tiningnan ko ang mga boys. "Tonight, you will shine brightly. Kayong mga lalaki ang inaatasan kong kumuha ng impormasyon tungkol sa academy. Except for Liam and Shin, of course. Kilala na sila dito." Bahagya kong tiningnan sina Liam at Shin at saka ibinalik ko ang tingin ko sa apat na lalaki na nasa harap ko. "Gawin niyo lahat ang makakaya niyo para makuha ang tiwala nila. Flirt them. Fill them with sweet words or whatever. Or even seduce them. The main important is they trust you."

Nag-angalan ang mga boys sa sinabi ko. Seryoso ko silang tiningnan.

"You don't have a choice. If you want to help them then do your part." Matigas na sabi ko.

"Kami lang apat? What about all of you?" tanong ni Ryan sa amin.

Ngumisi ako. "Nasa gilid lang kami at pinapanood kung paano niyo gawin ang trabaho niyo."

"That's absurb, Andrea!" biglang sabi ni Hunter kaya tiningnan ko siya. "You want me to flirt those women? How can I do that if your watching? No! Sa gagawin ko para na rin kitang niloko niyan." He exclaimed. Siguro kung nasa isang normal na sitwasyon kami ay baka kanina pa ako nangingisay sa kilig dito. But we're not. Our situation is too risky.

A chorus of 'Aw' ensued. Hindi ko sila pinansin at itinuon ko ang atensyon kay Hunter.

"Of course, you don't, Hunter. You're doing this because you want to help. Isipin mo nalang na para to sa lahat. Para sa kaligtasan ng mga taong nandito. Saka ilang oras lang naman." Paliwanag ko. He heaved a sigh na parang sinasabi na wala na siyang magagawa.

"Fine." Bagot na sagot niya makalipas ang ilang sandali.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin siya sa parteng 'to.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon