Chapter 50: The Truth Behind The Lies (A Special Chapter)

11.1K 327 17
                                    

Chapter 50: The Truth Behind The Lies (A Special Chapter)

(A/N: This is somewhat like a Special Chapter tas isiningit ko lang as a Chapter 50 (Feeling ko kasi importante to). This chapter will focus on Felicity Hartman. Kung paano naging isang Darks ang isang Pure Royalty. Dito rin natin malalaman kung totoo ba ang lahat ng mga sinasabi ni Bella sa kanya (See Chapter 49). At kung ano ang gagawin niya if she found out that she is a victim of deception.)

Felicity Hartman's POV

Fifteen years ago...

(Felicity is three years old in this time frame and so the other Pures.)


"FELICITY!"

Napalingon ako sa aking likuran nang may tumawag sa akin.

Ngumiti ako at sinalubong ang dalawang batang babae na kaedad ko na papalapit sa akin.

"Carmen! Xandra!" Tuwang tawag ko sa pangalan ng dalawang kaibigan.

Nang magkaharap na kami ay agad ko silang niyakap ng napakahigpit.

"Aray, Felicity, hindi ako makahinga." Reklamo ni Carmen kaya natawa ako. Kumalas ako mula sa pagkakayakap at masayang tiningnan ang mga kaibigan.

"Nandito ka na! Kailan ka pa dumating?" tanong sa akin ni Xandra.

"Kaninang umaga lang. Pinilit ko si Mommy na bumalik dito kasi nami-miss ko na kayo." Nakangiting sagot ko.

Pumalakpak si Carmen. "Na-miss ka rin namin. Wala na kaming kalaro ni Xandra simula nang umalis ka. Dito ka na rin ba ulit titira?"

Tumango ako. "Oo." 

"Eh di, mabuti kung ganun. Mabubuo na ulit ang Powerpuff girls." Tumatawang saad ni Xandra.

"Halika! Dun tayo sa dating tambayan natin. Naghihintay na ang iba dun."

Hinila nila ako at tumatakbo na kami papunta sa lugar kung saan nagkikita-kita kaming magkakaibigan.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang malaking kastilyo. May mga nakakasalubong kaming mga kawal pero hinayaan lang kami dahil madalas din naman kami dito.

Dumiretso kami sa likurang bahagi ng kastilyo at dumaan kami sa garden na nagdudugtong sa hidden place namin.

Lumawak ang ngiti ko nang makita ang lugar kung saan ginugol ko ang kamusmusan ko kasama ang aking mga kaibigan.

Isang hindi kalakihang tree house na naging tambayan namin. Na-miss ko ang lugar na 'to.

Sa baba ay nandoon ang mga kaibigan na nakangiting naghihintay sa akin. Maliban na nga lang sa isa na tila hindi napansin ang presensiya ko.

"Fel! Nakabalik ka na!" Masayang bungad nila.

"Oo nga, eh." Sagot ko. "Hi, Snow. Kamusta ka na?" baling ko sa kaibigan na nakayuko at nagbabasa ng libro.

Saglit niya akong tiningnan saka inirapan. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa libro.

Parang nalaglag ang puso ko dahil sa malamig na pakikitungo sa akin ng kaibigan.

Hindi pa rin siya nagbabago. Piping usal ko sa aking sarili.

Kung gaano siya kalamig nung umalis ako ay ganun pa rin hanggang sa nakabalik ako.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon