Chapter 16: Warning Attack

16.8K 428 29
                                    


Chapter 16: Warning Attack

Bella's POV

"TALAGA bang hindi ka sasama sa amin, Bella?"

Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Snow habang naglalagay nang mga gamit sa kanyang backpack. Dahil weekends ngayon, uuwi sila sa bayan nila. Gusto nila akong isama para daw hindi ako ma bore dito pero tumanggi ako kasi wala ako sa mood umalis ng academy.

Nang dahil kasi ito sa nangyari kagabi sa ball. Buong gabi akong hindi nakatulog dahil hindi mawaglit sa isip ko ang nangyari sa pagitan namin ni Hunter lalo na yung sinabi niya.

"I'm sorry for causing you so much pain these past few days, Andrea. Believe me, I didnt mean it. I have no intentions of hurting you, especially your feelings. All I just want to do is to protect you. Let me protect you, Andrea. Your very special to me. I- I can't lose you."

Yun ang saktong sinabi niya kagabi sa akin habang nagsasayaw kaming magkayakap. Nung una hindi ko masyadong naiintindihan ang sinabi niya. Pero nang unti-unting mag sink-in sa buong utak ko yun, hindi ko magawang sumagot. Hindi ko mahanap ang mga tamang salita na dapat sana isasagot ko. Ilang minuto akong hindi nakaimik hanggang sa bumitiw ako at iniwan siya sa gitna ng dancefloor. Alam kong napaka rude ng ginawa ko pero kasi lalong nagulo ang isip ko dahil sa sinabi niya. Oo mahal ko siya. Nandun na tayo, eh. Pero bakit niya sinabi yun? Hindi ko tuloy maiwasang umasa na may ibig sabihin ang sinabi niya.

"Hindi na, Snow. Dito nalang ako sa kwarto. Hindi naman ako aalis." Sagot ko sa kanya.

Humarap siya sa akin. "Nagpapatawa ka ba, Bella? Dalawang araw kang magkukulong dito sa loob? Baliw ka ba? Ano namang gagawin mo dito?"

Nagkibit ako ng balikat. Pwede naman akong matulog buong araw kung gugustuhin ko. Wala lang akong ganang umalis ngayon. At isa pa, iiwas lang muna ako kay Hunter hanggat hindi pa malinaw sa isip ko ang mga sinasabi niya kagabi. Mahirap kasi kung aasa ka. Mas mabuti na yung sigurado.

Magsasalita pa sana si Snow nang makarinig kami nang malakas na pagsabog sa labas. Nagkatinginan kami. Ano yun?

"Let's go."

Nauna si Snow na lumabas nang kwarto at dali-daling sumunod ako. Nakita namin ang mga estudyante na natataranta at nagtatakbuhan patungong field. Anong meron?

Nang matanaw namin ang field ay nakita namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante na tila may pinagkakaguluhan. Napansin kong nawasak din ang ilang bahagi nang gubat.  Mukhang dito nanggaling ang pagsabog.

Nang makalapit kami ay hinahawi namin ang iba upang tuluyan naming makita kung ano ang meron. Nakita ko sina Xandra na nakikiusyuso rin.

"What happened?"

Nagkibit balikat ako. "I don't know."

Halos masuka ako nang makita ang karumal-dumal na nangyari sa dalawang estudyante. Natagpuan silang patay dito sa field. Halos hindi na sila mamukhaan dahil punit-punit na ang mga suot nila. Mukhang galing pa sila sa ball kagabi dahil naka-gown pa sila. Marami silang sugat sa mukha at katawan. Wakwak ang mga tiyan nila. Nakaputla rin nila na parang inubusan sila nang dugo. Parang hayop ang gumawa nito sa kanila. Pero imposible. Kung hayop lang, hindi ganito ang magiging hitsura nila. Ano namang hayop ang mag-iiwan ng pagkain niya kung pwede naman niya itong ubusin?

Napansin ko ang letrang nakaukit sa mga noo nila. Lumapit pa ako nang maaninag ko ito nang mabuti. Para akong naghihina nang makita ito.

"B?"

Narinig kong bulong ni Xandra. Lumapit din pala siya kaya nasa tabi ko na siya ngayon. Hindi ako kumibo.

"Darks."

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon