Chapter 15: Royal Night Ball

17.9K 510 49
                                    


Chapter 15: Royal Night Ball

Bella's POV

ILANG oras nalang at magsisimula na ang ball. Eksaktong seven o'clock mags-start ito. Pero dahil alas kwatro palang nang hapon ay nandito muna ako sa garden, sa usual tambayan ko at nagbabasa. Napapansin ko nitong mga huling araw ay nahiligan ko na ang magbasa nang libro. Hindi naman ako mahilig noon nito, eh. Pero dahil nagustuhan ko ang story ay giganahan ako. Kaya imbes na maghanda ako para sa ball ay eto ako at nag-iisa at tila walang kainte-interes sa naturang event. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganung pagtitipon. Oo ngayon lang ako makakaranas nang ganito pero iba ang pakiramdam ko. Hindi ko mawari. Hindi katulad nang iba na kahapon pa nga lang ay handang-handa na sila. Katulad nalang ng mga kaibigan ko. Mula sa damit na susuotin hanggang sa mga kolorete na ilalagay sa mga mukha nila ay talagang pinaghandaan nila. Pumunta pa nga sila ng bayan kahapon para bumili ng damit kaso hindi ako sumama. Wala lang. Tinatamad lang ako. Mas okay pa nga sana kung sa kwarto nalang ako buong gabi kaso hindi ako pinahintulutan ni Headmaster na hindi pupunta. Kailangan daw kasi dahil dadalo ang Hari at Reyna sa pagtitipon. Kaya no choice ako kundi ang pumunta.

Nasa kalahati na ako nang binabasa ko nang humikab ako. Takte! Inaantok ako sa lagay na 'to, ah. Ibinaba ko sa aking kandungan ang librong binabasa ko at nag-inat. Dahil maaga pa naman ay pwede naman siguro akong matulog muna. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may tumawag sa akin.

"Andy!"

Kahit hindi ko tingnan ang tumawag sa akin ay kilala ko na kung sino ang magaling na lalaki na nambubulabog sa akin.

"Ano?" may halong irita ang boses na tanong ko.

Narinig ko siyang tumawa. "Ang init naman ng ulo mo. Hindi ka ba maghahanda para mamaya?"

"Hindi." Matipid kong sagot sa kanya na hindi siya tinitingnan. Wala akong planong maghanda dahil hindi naman ako importanteng tao. Nagsimula ulit akong pumikit.

"Bakit?"

"Wala lang."

"Huh? Hindi ka ba pupunta?"

"Pupunta."

"Eh, bakit hindi ka pa naghanda?"

Gusto ko nang mainis sa lalaking 'to. Para namang hindi niya ako kilala. Malamang wala akong gana. Tinatanong pa ba yun? Psh.

Hindi na ako sumagot sa tanong niya. Obvious namang wala akong planong makipag-usap.

"Andy? Natutulog ka ba?"

Hindi pa rin ako sumagot. Bahala kang magsalita mag-isa diyan.

"Siyanga pala, Andy, hindi ako ang magiging escort mo mamaya." Nahimigan ko ang malungkot na boses niya.

Napadilat ako. Escort? Meron bang ganun? Mabilis ko siyang nilingon pero hindi ako bumaba sa sanga ng puno na kinauupuan ko.

"Pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya.

Mabigat siyang bumuntong-hininga. "Ang sabi ko hindi na ako ang maging date mo mamaya sa ball." Nakatungong saad niya. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sa oras na 'to. Ang alam ko ay dismayado ang kaibigan ko. Hiniling niya sa akin nung isang araw na ako ang maging date niya buong gabi at pumayag ako pero ngayon hindi ko alam kung ano ang dahilan niya kung bakit nagbago ang isip niya.

Bumaba ako mula sa sangang kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Bakit? Nagbago ba ang isip mo?" sa halip na tanong ko sa kanya.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon