Chapter 34: Kara De Luna

12K 391 52
                                    


Chapter 34: Kara De Luna

Bella's POV

PAGOD na pinahid ko ang pawis na tumatagaktak sa aking noo. Katatapos lang namin linisin itong CR dito sa second floor ng gitnang building. Parusa dahil sa ginawa naming gulo kaninang lunch sa cafeteria. Kasama ko ngayon ang babaeng nerd na binully ng mga studyante na galing sa grupo ng Taurens.

"Sana hindi mo nalang ako pinagtanggol kanina. Nadamay ka pa tuloy sa parusa na binigay ni Principal Hans." Narinig kong saad ni Nerd. Nerd ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. At saka wala akong planong kilalanin siya. Para sa akin, hindi na importante na magkakilala pa kami, ilang araw lang naman kaming magsasama.

Lihim akong napabuntong hininga. Nang magkagulo kasi kanina sa Cafeteria ay sakto namang pagpasok ni Principal Hans para sana mag-lunch kaso lang ay nakita niya kami, actually nakita niya ako na gumagamit ng kapangyarihan. Which is pinagbabawal dito sa loob ng academy. She freak-out dahil akala niya ay tutuluyan ko na yung babae. Kaya ang ending, pinapunta niya kami sa opisina niya at doon pinatawan ng parusa. At ito nga, maging temporary janitress sa loob ng tatlong araw.

"Hindi kita pinagtanggol. Ayoko lang sa mga katulad nila na mahilig mam-bully." Saad ko sa walang ganang boses. Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay ko pero kita ko sa gilid ng mata ko na nakatitig siya sa akin. "Quit staring, Miss." Malamig kong saad. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin.

"I'm sorry." Hinging paumanhin niya sa mahinang boses. "Ako nga pala si Kara De Luna. Ikaw, anong pangalan mo?"

This time ay nilingon ko siya at tinitigan mabuti. Walang ekspresyon ang mukha ko habang nanatili ang mga mata ko sa kanya. Yung totoo? Balak ba talaga niyang makipag-kwentuhan sa akin after what happened a while ago sa cafeteria?

"Bella. My name is Bella." Natagpuan ko nalang ang sarili ko na sinagot ang tanong niya. Bumalik ang tingin ko sa harap ng salamin. And I almost cursed nang makita ang makapal na dumi na dumikit sa white uniform ko. Jeez. Mukhang matatagalan ako nito sa pagtanggal.

"Hmm. Nice to meet you, Bella." Masayang saad niya. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagtanggal sa dumi na kumapit sa damit ko.

Akala ko ay hihinto na siya sa kakadaldal nang biglang magtanong na naman ito. "Kilala mo ba yung mga nam-bully sa akin kanina?"

Umiling ako. "No." Maikling sagot ko na hindi siya binibigyan ng tingin.

Narinig kong bumuntong hininga siya. "I thought, kilala mo sila. You even used your power to threatened them. What's your power, anyway?"

Huminto ako sa ginagawa ko. Tiningnan ko siya mula sa repleksyon sa salamin. "You don't have to know."

Pero hindi pa rin siya tumigil sa kakatanong. "Why? I think your power is cool. Ang galing nga, eh. You can make a person lifeless. Anong tawag dun?" nasa boses niya ang urge na malaman ang tungkol sa kapangyarihan na meron ako. Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko pa siya kinausap. Sana hinayaan ko nalang siyang dumaldal mag-isa.

I shot her a death glare. "Again. You don't have to know." At last natapos na rin ako sa pagtanggal ng dumi na nasa uniform ko. Lumabas ako ng CR at nakasunod pa rin siya sa akin. Tumingin ako sa labas. Madilim na rin pala. Tumingin ako sa orasan. Six-thirty na. Nakaramdam na rin ako ng gutom. Magbibihis muna ako sa kwarto saka ako pupunta sa cafeteria.

Dumiretso ako sa elevator. I groaned sa nakita ko. OUT OF ORDER. Ngayon pa talaga nagloko ang elevator, ha? Good timing. I don't have a choice kundi gumamit ng hagdan. Okay lang naman sa kin kung mag-hagdan hindi naman ako maselan. Pero talagang nagugutom na kasi ako, eh. Mabibilis ang mga hakbang ang ginawa ko para makababa agad.

The Royal Ace Academy: The Chosen SacrificerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon