3 Yahoo!

10.5K 297 9
                                    

"Omie! Kailangan ko ng kasama dun sa ginagawang bahay sa kabilang kanto, pwede ka ba?"

Napangiti ako habang pinapaypay yung sombrero ko sa akin. Huminto na din ako saglit nang kausapin ako ng dakilang panday sa lugar namin, si mang Berting Carpenter. Kalahating amerikano at tao. Ang liit niya pero mabilis gumalaw ang sabi ng mga nakakatanda sa amin ay 'Dakong Oragon'.

Pero tingnan mo nga naman ang swerte. Di man ako tanggap doon sa ina - aplayan ko kanina, eh swerte naman at may trabaho pa rin pala akong makukuha.

Ngumiti ako sa may edad na lalaki.

"Aba, hindi ko hihindian yan, mang Berting! Magkano ba? Hanggang ilang araw?" Naningkit pa ang mata ko dahil sa init nang panahon.

Baste naman kasi, iniwanan pa ako!.

"Tatlong araw nalang iyon, pero kapag natapos natin yun ng dalawang araw, may one - five ka sakin."

Namilog ang mata ko. Wan tawsand payb handred? Tumaginting agad ang peso sign sa isip ko. Deym it! Kalahating sakong bigas na rin yun, pag nagkataon!

"Ba! Anong trabaho? Bukas ba?"

Napatawa naman ang matanda at tinapik ang balikat ko.

"Bilib talaga ako sayo, Omie! Magma - masa lang naman at konting finishing nalang. Sya, magkita tayo doon, sa pinapatayong mansyon ni Bernabe."

Napasuntok pa ako sa ere at humiyaw nang 'Yahoo!' Kapag sinuswerte ka naman talaga!

Di pa dumating si Lola nang makarating ako sa bahay. May isang nilagang talong at tuyo pa akong nadatnan na tinakpan sa  mesa. Mabilis akong nagsandok at kumaing nakakamay.

Hindi ko naman makalimutan yung experience kaninang umaga. Napapailing nalang ako sa ginawa niya at inasal ko. Kahit papano ay dismayado ako dahil hindi ako tanggap. Matagal ko nang pangarap na makapagtrabaho doon. Sikat kaya ang kompanyabg iyon! Ang ganda pa ng pasahod.

Yun nga, pinalaki kasi akong hindi dapat nagpapasindak sa kahit na sinong mayayaman. Pero nakonsensya naman ako nang maalala yung litratong yun. Siguro tinawagan ako dahil akala nila ako talaga yung nasa picture.

"Hays!! Eh naisipan mo pang ilagay yun  picture nang iba doon?" Tanong ko pa sa sarili.

Nanatili akong naupo sa gilid nang bintana at nag - isip. Napatingin pa ako sa salamin at pinaka titigan ang sarili doon.

Maikli ang buhok ko, hindi naman ako kagandahan pero Maraming nagsabi na kamukha ko nga daw talaga si Jeric Raval kapag lalaki ako.  Hindi naman ako payat di tulad nung babae sa picture. Katam kataman lang din ang kulay ko. Lutong luto na nga itong balat ko sa init ng panahon. Under the sun din kasi yung trabaho ko. Yung babae naman sa picture maputla, alagang gluta

Maganda naman akong magdamit, maluwang na polo at maluwang din na pantalon na galing pa sa UK, ukay-ukay. Hindi katulad nung nasa picture, halatang branded yung sout. Malamang hindi kami mag ka ano ano.

Ano kayang naisipan nung lalaki, bakit niya kaya ako kenwelyohan? Umiling iling ako at nagbihis na.

Maluwang na t - shirt at shorts na malaki. Ganun ako magdamit, sabi nila tomboy daw ako, pero di naman. Crush ko na nga sana yung magiging bossing ko eh! Tumitibok din kasi yung pek pek kapag nahuhuli kong nanonoud nang porn si Baste noon. Kaya alam ko sa sarili kong babae ako.

Kasi nga lang sa hirap talaga nang buhay ay napapasabak ako sa uri nang trabaho. Nag iigib din ako ng tubig sa kabilang bahay. Naglalabada. Basta marami akong alam na trabaho. Wala eh, pinanganak tayong mahirap.

Pero hindi naman nawawaglit sa isip ko ang yumaman. Sino ba namang tao hindi gugustuhin ang yumaman. Yun nga lang kahit anong taya ko sa lotto ay talo pa rin. Sabi ni lola mag asawa nalang daw ako nang matandang hapon tapos  iwan ko nalang daw pag nalipat na ang yaman. Pero Hindi naman ako ganoong klaseng babae.

Gusto ko yung galing sa pinaghirapan ko. Kung tataya ako nang lotto, gusto ko yung ipantaya ko ay galing din sa pinagsikapan ko.

Natigil ako sa kakaisip ng mag ring ang old model na telepono ko. Nanlaki pa ang aking mata nang ang tumatawag ay ang Ricaforte Building.

"Hellow?"

"Good afternoon miss Diomampo! Gusto kong ipaalam sa iyo na tanggap ka na sa  trabaho! Alas sais ng umaga bukas ang orientation niyo. Be on time! Thank you."

Napanganga ako. "Tanggap ako sa trabaho? Yahoo!" Tumalon ako nang tumalon sa sobrang saya.

Alam kong maaga pa pero alas singko palang ng hapon ay naghanda na akong matulog. Tinawanan ko pa ang aking sarili. Nahanda ko na rin ang damit na sosoutin ko. Sabi din sakin ni Baste na tanggap siya, makikisakay ulit ako sa kaniya.

Eh, alasais yun nang umaga eh, dapat alas singko andoon na kami!.

Sana naman hindi na kami magtagpo noong big boss! E - inglisin na naman kasi ako nun eh!

-------

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon