Bumungad sa akin ang isang mabalihibong parte na iyon. Napangiti ako, akala ko kasi panaginip lang ang nangyari kagabi. Pero tang ina, kinikilig ako! Inamoy ko pa nang maiigi ang ang mabalahibong iyon. Napapikit ako nang langhapin pang lalo iyon. Maasim - asim na ewan, basta gusto kong idikit nalang iyon sa iling ko.
''Wh - What are you doing?''
Bahagya akong ngumiti. Dios ko, nasa langit na ba ako? Lalong akong napapikit habang nag uunat. Pakiramdam ko ay nasa napakandang panaginip ako na ayoko nang magising.
Pero napa igik ako nang may mga kamay na gumapos sa bewang ko. Rape! Dios ko! Ang baby ko!
Pinagsusuntok ko ang dibdib na iyon, kahit ang mabangong kili - kili niya ay di ko pinalagpas.
''Aw! Shit! Stop!''
''Ptang ina! Bakit pati hininga mo ang bango!''
Madali siyang tumayo at inis na nakahawak sa dibdib niya.
''Iba? Pa - Paano kang napunta dito?''
Nakapagtataka, paano kaming nagtabi? Nag usap lang naman kamii kagabi ah?
''This is my room!My house! Shit! That's hurt!''
Humahangos siyang umalis sa harap ko. Napakamot ako nang ulo. Kahit kailan talaga napaka tanga at bobo ko. Pinilit kong tandaan ang huling nangyari kagabi.
Una, nagbangayan kami. Pangalawa, inakit ko siya. Pangatlo, talo siya kaya doon siya sa sala nahiga kagabi. Pang apat ay hinalikan niya ako, sus me! Oo nga pala! Pang lima ay binuhat niya ako dahil pakiramdam ko ay nawawalan nang lakas ang tuhod ko dahil sa halik niya.
At yun nga, dahil sa sobrang antok ko ay di ko na matandaan ang kasunod nun. Gusto kong mawalan nang gana sa sarili, wala na. Nawala na sa ilong ko ang kaniyang kili - kili.
Tumayo ako at sinundan siya. Alas singko naman na din. Nakita ko siyang nagsusuot nang sapatos at wala siyang damit sa taas at tanging yung maluwang nang pants lang ang sout niya.
''Saan ka?''
Masama ang tingin niya sa akin saka inikot ang mata.
''Change your clothes, Youmie. Somebody might see you.''
Napatingin ako sa sarili saka napangiti. Inalog ko ang aking dibdib saka siya tinawag nang matamis.
''Iba..''
Nanlaki ang mata niya at napanganga. Naibaba niya ang tingin sa aking hubad na dibdib at tanging manipis na tela lang ang nakatakip doon. Bahagya niya pang nakagat sa kaniyang pang ibabang labi.
Humalakhak ako nang malakas na mala satanas ang dating.
''Tang ina! Ang mukha mo Iba! Pakiss nga!'' Akma ko siyang lapitan nang nagmadali siyang lumabas.
Tumawa ako ulit, tawang ako ulit ang nagwagi. May epekto pala ako sa lalaking yun?
''What's that noise, Youmie?''
Pupungas pungas siyang lumabas nang kaniyang kwarto.
''Goodmorning! Ate Bree! Maingay ba ako masyado? -- napagkatuwaan ko lang si ----''
''Oh my god! Youmie! You're so sexy and hot! OMG! Ang cute, lalo na ang baby bump mo.''
Napangiti siyang lumapit sa akin. Ngumiti rin ako saka siya hinalikan sa noo.
''Wait lang magbibihis lang ako. Ipaghahanda kita nang paborito mong bacon.''
Tumango naman siya. Dahan dahan akong umakyat sa kwarto ni Iba. Malaki na rin kasi ang tyan ko at medyo sumeselan na.
---
ILANG araw na ganoon ang sitwasyon namin ni Iba. Hindi ko naman kung saang estado na kami. Malapit na rin akong manganak, samapung araw nalang. Malaki na ang aking tyan. Ang sabi nang doctor ay iwasan ko na daw munang akyat panaog nang hagdan kaya ang labas ay sa salas na ako natutulog -- ay kami pala ni Iba.
Hindi ko nga din alam bakit sunod siya nang sunod siya sa akin kahit okay naman na ako. Siguro nga ay mahal na niya ako. Humagikhik ako sa naisip. Bwesit, alam ko naman kasing napakalabo na noon. Ginagawa niya lang ang lahat nang to dahil sa pinagbubuntis ko ang anak niya at lalaki pa at dahil sa nakikita niya sa akin ang dati niyang asawa.
Bumuntong hininga ako habang napapatingin sa mga damit ng anak ko. Ang dami at halos lahat ay kulay asul o kung may puti man ay nahahaluan pa rin iyon nang asul.
Mabait sa akin ang mga magulang ni Shiba. Mas excited pa nga sila kesa sa akin. Unang apong lalaki nila ang nasa tyan ko kaya sabik talaga sila.
Minsan naman ay napapansin kong nagiging malambing sa akin si Bree, siguro dahil sa akin na ang atensyon nang lahat at sa baby ko. Kaya ako naman ang bumabawi sa kanya. Minsan ay tabi kaming matulog at kapag umaga naman ay sabay kaming naglalakad lakad sa labas.
Habang si Iba naman ay sa halatang nagpapa sweet na rin sa akin. Palagi siyang nasa tabi ko. Palaging siya ang nag aasikaso sa akin. Lapit siya nang lapit at pakiramdam ko ay inlove na inlove na ako sa kaniya. Hulog na hulog na ako. Kaya ayun umiiwas na ako. Malapit na akong manganak at alam ko namang matitigil iyon kapag lumabas na ang baby ko. Ayokong masaktan nang sobra. Ayoko nang umasa at sa huli ay iiyak na naman ako.
''Hey -- are you okay?''
Katulad ngayon, kunwari nag aalala siyang nakahwak sa aking bewang. At nang tumingin ako sa kaniya ay kunot ang noo niya.
''Okay lang ako. Ano ka ba?'' Ngumiti ako saka tumilikod na.
Ayokong nadikit sa kaniya, baka hanap hanapin ko.
Sampung araw nalang at lalabas na ang baby ko. Sampung araw nalang at matatapos na din ito lahat.
''Youmie --- ''
''Ano nga? Ang kulit neto! ''
''Okay, dahan dahan ka naman kapag naglalakad ka. What if--- ''
Napangiwi akong biglang napahawak sa aking bewang.
''Aray ..''
Naihi ako, madami. Bakit ang sakit?!
''Hey! Are you okay?''
Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako.
''What happened?!''
''Tang ina! Ang sakit!''
Ramdam ko ang panginginig niya. Natulala siya sa akin. Ni hindi siya gumalaw. Habang ako ay nawawalan na nang lakas dahil sa sobrang sakit nang aking katawan.
''Tititigan mo lang ako, lalabas din ang anak mo! Bwesit!''
------
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Fiction généraleTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.