TM2 @ 50

7.8K 208 3
                                    

''Di ko naman sinasadya, pero nabaril ko siya.''

Aba kahit papaano ay lumuwag ang dibdib ko dahil wala na palang hadlang sa pag ibig namin ni Iba. Naku! Kung nabubuhay lang ang p*tang inang babaeng 'yon ay ako mismo ang papatay sa kaniya kahit saang mental ko man siya hahanapin. Aba! Sa lahat nang pinag gagawa niya sa akin?!

''Edi, good job ka pala. --- di joke lang. Sana binuhay mo siya --''

''Yeah, i know it.''

''Para may tira naman ako at ako na mismo ang kakalbo sa blond niyang buhok! Ang tanda niya kaya para habulin ka pa! Tang ina! May puting buhok na nga yata yung keks niya!''

Napa iling si Iba sa sinabi ko, bakit? Gagawin ko naman talaga yun ah! At totoo naman, ang tanda na non!.

Ilang araw na rin mula nang makalabas ako nang ospital at nasa bahay kami ni lola. Schedule kasi naming dalawin siya noong hapon na 'yon, si Iba at ako. Matanda na si lola at nasa wheel chair na. Ayon, si Nathalie tuloy ang nagbabantay sa kaniya.

Nagtataka pa nga ako dahil ang ganda nang lola ko ngayon. Nakaputi siya at may lipstick pa. Nang tingnan ko siya ay napangiti pa.

''Ba... ang ganda naman ni lola? Ano, may burol ba la?'' Pagbibiro ko.

''Oumie, matanda lang ako at di makalakad pero hindi ako bingi!''

Ngumiti ako at hinagkan ulit siya sa noo.

''Eh, ano ngang okasyon? Mag ni ninang ka?''

Tumingin ako kay Iba nang lumabas at napatango nalang nang sumenyas siyang lalabas muna.

''Hindi, may kasal akong pupuntahan. Samahan mo ako at maiiwan dito si Tale.''

Napairap ako at tumuloy sa kusina.

''Ayoko nga lola. Simabahan ang pupuntahan mo, hindi ako makakapasok doon.''

''Kuh --- sinong maghahatid sa akin doon?''

Lumungkot ang kaniyang mukha nang balikan ko siya. Hinagilap ko sa boung bahay si Nathalie pero wala siya sa loob. Nang silipin ko naman si Iba sa labas ay wala na din siya pati ang kotse ay wala na rin.

''Lola! Nasaan ang mga tao sa labas? Nawawala ang kotse! Baka ninakaw nang mga basag ulo!''

Nataranta ako. Maganda kasi ang sasakyan na yun ni Iba. SUV iyon at napakaraming magnanakaw kaming kapit bahay! Tang ina! Agad kong tinawagan si Iba. Di ako mapakali habang paroon at parito ang lakad.

(Babe? ---)

''Ang kotse! Nawawala! Tang ina!''

''Apo, tumigil ka nga!''

(I'm sorry babe, may emergency. I'm driving the car. Babalikan kita mamaya. Bye.)

Naipilig ko naman ang akng ulo nang marealized ang mga pinagsasabi ko. Kung makapanghusga ka kasi Youmie! Kotse, nanakawin? Isip isip din kasi. Lumabas nga pala si Iba, malamang dala niya. Natawa ako, napakabobo ko din kasi.

''Hatid mo na ako.''

''Walang kotse, lola."

''Mag jeep tayo.''

At dahil sa ang kulit ni lola ay napilit niya nga akong ihatid at samahan siya sa papagninangan niya. Di ko nga alam kung kasal ba o binyag. Nag taxi na kami, eh sa yun ang una naming nakita eh.

Nang nasa loob naman kami nang kotse ay napapansin ko pa siyang sumisinghot.

''Ayan kasi, ang kulit. Tingnan mo tuloy sisipunin ka pa.''

Hindi siya umimik sa halip ay pumara siya nang may madaanan kaming babaeng naka itim.

''Kaibigan ko yan. Mangkukulam at siya din yung nagbigay nang gayuma sa pagkain nang amo mo dati.''

Bumuntong hininga ako. Maniwala ka dyan. Pero nairita ako nang sa amin ni lola ito tumabi at may dala dala siyang box na hindi ko alam kung anong laman. Baka ulo nang tao? O baby? May naramdaman akong kilabot.

Ngumiti siya sa akin na lalong nagpatayo nang balahibo ko.  Di ba nga sa simabahan kami pupunta? Bakit may ganitong tao akong kasama?

''Lola, ninang din ba siya?'' Bulong ko kay lola pero di na siya umimik.

Nang tingnan ko ay nakapikit na si lola. Tulog na siya. Natakot ako sa katabing kong nakaitim. Nang buksan nito ang box ay napapikit ako nang mariin.

''Tang ina, pag ikaw hindi bumaba. Susuntukin na kita!'' Sabi ko pa sabay mulat nang mata.

Nakangisi lang siya at nang tingnan ko ang box ay iba't ibang klase nang make up ang nandoon. Beautician? Wow ha!

''Kulam o make - up?'' Tanong niyang nanlilisik ang mga mata.

Humanda ka talaga sa akin Iba!

''Make - up.''

Napapikit ako. Wala akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya, sa parang kasabwat niya pa si manong driver eh.

May inilagay siyang kung ano ano sa mukha ko. Gusto ko pang maiyak dahil ni minsan ay di ako naglalagay nang ganoon. Eto siguro yung pambiktima nang mga tao ngayon dahil undas?

''Tapos na. Ibaba mo na ako  dyan sa tabi nang simabahan.'' Baling niya sa driver at sumunod naman ito. Lumabas ang matanda at mabilis na umalis palayo.

Naghanap ako nang salamin para tingnan ang sarili, pero wala akong mahanap. Siguro ay mukha na akong zombie ngayon. Ilang sandali naman ay lumabas ang driver at may kinuha sa likod. Wheel chair ni lola. Ilang beses ko ding ginanising si lola pero hindi pa rin ito gumigising. Malapit na kasing gumabi.

Kasal siguro ang papag ninangan ni lola dahil may nakikita akong naka gown sa di kalayuan. Bakit nag ni ninang pa si lola, eh ang tanda na! Yamot na yamot ako.

Ilang minuto pa ang nakalipas pero hindi pa rin bumabalik ang driver, nang silipin ko ay wala nama akong makiya dahil naka angat pa ang hood noon. Naloko na talaga! Binuksan ko ang pinto nang kotse at lumabas.

Pero nagitla nang ako ay natigilan nang makita ang isang manikin doon na may napakagarang gown na sout. Di ko mapigilan ang sariling lumapit dito at hawakan. Grabe! Ang ganda at elegante!

At napatda ako nang may malamyos na tugtugin ang umalingawngaw. Nang ilibot ko ang tingin ay nandoon ang bunso ko at may dala dalang magagandang bulaklak.

''T, anpng ginagawa mo dito?'' Pero sa halip ay hindi niya ako inimikan nang ibigay sa akin ang bitbit niya.

Lalo akong nagtaka nang sumulpot ulit ang mommy ni Iba.

''Oh, tang ina! Ang ganda niyo po!'' Pero hinila niya lang ako at dinala sa isang tent na sa di kalayuan.

Nakapagtataka, anong meron? Nang makapasok kami ay hinubaran niya ako nang walang salitang nangyari.

''Tita! Ano --- bakit -- ay!''

Nang hindi niya mahubad ang aking sout ay pinunit niya iyon. Nanlaki ang mata ko, sobrang lakas naman niya! Lalo akong nabigla nang isout niya sa akin yung gown na sout nang manikin.

Halos di ako makahinga nang inisil kung ano ang posibleng nangyayari. Una, mag ni - ninang si lola. Pangalawa, may beautician na mangkukulam. Pangatlo ay may gown at issuot ko. May bulaklak din.

Dios ko! Ikakasal na ba ako?!

Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon