Mag dadalawang oras na ay wala pa rin siya. Naiinip na ako, gusto ko talagang kumain ng mais, yung amoy na parang ang sarap ilagay sa loob ng ilong. Naglalaway na nga ako, bakit niya pa kasi pina alis alis si Baste kanina, edi sana si Baste ang napag utusan ko.
Nakakainis siya, dahil siya ang dahilan kung bakit kami napa alis sa islang yun. Ewan ko ba kung nalaman niyang pinag dadalang tao ko ang anak ni Sir Shiba. Basta ng gabing yun ay pina sabay niya kami sa doctor na lumipad pabalik. Hindi ko naman siya masisi, ang ama nung anak niya ay siya ring ama ng anak ko. Kaya masakit at mabigat ang loob ko sa dati kong amo dahil napakalibog niya pala! Ang daming panganay, dios ko! May nangyari lang naman samin dahil nakikita niya sa akin ang asawa niya at syempre masarap siyang humalik ay natukso ako, hellow? Perstaym ko kaya yun. Ang saklap naman ng buhay ko?
''Here's your sweet corn.''
Umaliwalas ang isip at ang mukha ko. Dalawa lang iyon at amoy palang naglalaway na ako. Agad kong kinuha yun ay binalatan. Inamoy ko iyon, sagad sa nostrils. Napapapikit pa ako at ninanamnam ang bango noon. Nang magmulat naman ako ay napatingin ako sa kaniya ng di inaalis ang mais sa ilong ko. Gusto ko pang matawa sa hitsura niya. Mukha siyang hinabol nang matrona at bakla sa labas. Pawis na pawis at di mapakaling naupo sa bangkong kawayan.
''Nyare?''
''What kind of place is this?!''
Mukhang napag tripan nga siya sa labas. Tumawa ako nang malakas habang nasa ilong pa rin ang mais. Ang bango lang. Di ko siya sinagot paki ko ba? Hindi ako ang dating asawa niya para sigaw sigawan.
''Kainin mo na. That place is crowded, sana sa super market na talaga ako bumili.''
''Kumusta na si Bree?'' Gusto ko siyang makita. ''Papuntahin mo dito, sege na please.'' Kumurap kurap pa akong nakatingin sa kaniya at nilapag na sa mesa ang mais.
Kahit ako ay di ko na maintindihan ang sarili ko. Ngayon lang ako umasal nang ganito sa loob nang limang buwan. Pero gusto ko ngang makita si Bree, nami mis ko na siya.
''Miss Diomam-- ''
''Youmie na nga. Pormal mo masyado.''
Napa tss siya.
''Youmie, lets talk about us. First thing firsts, i want to apologized for what i did to you.''
Natigilan ako. Buset eh, sa tono niya ay mukhang nagsisisi pa siya. Ayoko nang pag usapan pa to. Nayayamot ako.
''Okay lang yun. Buti nga buhay ang semilya mo at nabuntis ako. Tapos na yun at kahit anong pagsisisi ang gawin mo, wala na. Move on, pre.''
Pumasok ako ng kusina at naghanda nang pananghalian. Tama naman ang sinabi ko. Andito na to at ang batang 'to ang magiging inspiration ko habang nabubuhay.
''Hindi mo kinain ang mais.''
Nagulat ako nang sumulpot siya sa likod ko. Malaki siyang tao at napakaliit ng kusina namin. Nakita ko siyang dumungaw sa kurtina habang nililibot ang tingin sa loob.
''Iba, dun ka lang at makalat dito --''
''How can you move in this small place?''
Sinapak ko ang braso niya pero sinamaan niya ako nang tingin kaya hinarap ko siya.
''Grabe ka. Umalis ka na nga! Hindi ka naman invited dito! May trabaho ka pa, kaya uwi! Doon ka sa mansyon nyo!''
Inirapan niya ako at nanatili lang siya doon sa may kurtina. Nakatingin lang sakin yung mata niyang may kakaibang kulay. Seryoso at lapat ang labi.
Inirapan ko siya, ewan ko ba. May parte nang puso ko ang gustong nandyan lang siya, gusto ko yung mabahong amoy niya eh.
Naiilang ako sa kaniya habang nakatayo akong naghihiwa ng sibuyas. Nakakainis, akalain mo yun sobrang anghang sa mata.
''How's your check up?'' Pagkuway tanong niya.
Suminghot ako. Ano ba naman yan, baka akalain niyang umiiyak na naman ako.
''Hey, are you crying?''
Narinig ko ang yabag ng kaniyang bawat hakbang papalapit sa kinaroroonan ko. Nang humarap ako ay napatingala ako bigla. Ngayon ko lang napansin, ang tangkad niya pala talaga. Suminghot ako saka humagulhol. Kahit naman ako ay nagtaka din sa sarili.
Sininghot singhot ko ang kaniyang damit. Mas lalo akong naiyak.
''Tang ina ang baho mo.''
Bahagya syang lumayo sakin. Narinig ko pa siyang mahinang nagmura. Pero wala akong pake! Buntis ako at hanggang ngayon ay nasa stage pa rin ako nang emotional disorder.
Humilig ako sa dibdib niya habang patuloy pa rin ang bagsak nang luha ko sa pisngi. Naririnig ko ang tibok nang kaniyang puso. Mabilis iyon na tila tumakbo siya nang ilang metro. Nagpipigil siya nang hininga saka binubuga iyon.
Nanatili lang siyang nakatayo, ni hindi siya gumalaw upang lumayo. Dios ko, sana palaging ganito. Kapag ganito kasi kalmado ang aking pakiramdam. Wala akong iniisip na kahit anong problema tungkol sa sitwasyon namin.
Ano na kaya ang mangyayari pagkatapos ng araw na'to? Natatakot ako. Ayokong sabihin niyang di niya iyon sinasadya o di kaya'y nagsisisi siya. Kinakabahan ako kapag inu - umpisahan niyang pag usapan iyon.
Ayokong masaktan. Ayokong tanggapin ang katotohanang nakikita niya lang sa akin ang kaniyang pumanaw na asawa. Ayokong isipin niyang nagsisisi ako dahil hindi boung pusong hindi ko pinagsisihan ang nangyari.
At ang pinagsisihan ko lang ay ang katotohanang nahulog ako sa kaniya. Minahal ko siya, kahit may mahal siyang iba. Natutunan ko siyang mahalin bilang siya.
Dios ko, sana'y mapatawad ako nung Ella pero sa di sinasadya ay nagmahal ako nang totoo sa asawa niya.
''Ang baho mo talaga, Iba.''
''Too much, Youmie.''
Hinawakan niya ang mukha ko saka hinalikan sa labi.
Masuyo at gusto kong isiping may halong pagmamahal.
---
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
General FictionTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.