Ang laki ng bahay pero dadalawa lang ang kwarto, pwede din pala yun?
Ilang gabi na rin ang nakalipas at laging ganun ang sitwasyon namin ng may ari ng bahay kung saan ako nakatira ngayon. Minsan nga ay hindi na umuuwi talaga si Iba. Nakakainis eh, kahit gusto ko siyang makita bago matulog ay hindi ko magawa. Kawawa naman ako, lalo na ang baby ko, hindi ko siya napapagbigyan ng mga gusto niya.
Gusto ko na ngang umuwi na sa amin, kaso nga lang at wala akong kasama doon. Napagpasyahan kasi ni lola na bisitahin din ang mga kapatid niya sa Leyte, ayoko naman doon kaya dumito na ako.
Ilang araw na din at palaging nagkukulong lang ako sa bahay. Si manang Costa lang palaging kausap ko kapag umaga hanggang alas sais, umuuwi kasi ito sa bahay ng mga magulang ni Iba. Matagal na siyang kasambahay ng mga magulang ni Shiba kaya nakita niya daw ang paglaki nang lalaki.
Miminsan din niyang naikwento si Raffaella sa akin. Di ko talaga maiwasan ang humanga sa babae. Yun bang sinasabi nilang, till death do us part? Kaya pala hindi na tumitingin si Iba sa ibang babae.
Napag alaman ko ding, maraming taon nang walang relasyon si Olivia kay Shiba. Si Olivia yung mommy ni Meltzer na may ari nang islang tinirhan namin. Matagal na daw silang walang kumunikasyon at kay Ella lang umiikot ang mundo ni Iba. Si Raffaella ang dahilan bakit ayaw niya nang umibig pa sa iba.
Kaya kahit anong gawin ko ay hindi niya ako magugustuhan bilang ako. Gusto ko ngang malungkot kasi nga alam ko kung bakit may nangyari sa amin. Nakikita niya ang kaniyang dating asawa sa katauhan ko. Babaliktarin man ang mundo ay hinding hindi niya ako mamahalin.
Okay lang. Okay lang, kung tutuusin ako naman ang may pagkakamali kung bakit umabot kami sa ganitong sitwasyon. Kahit kasi Ella ang tawag niya sa akin ng gabing iyon ay di ako pumalag. Nagparaya ako kaya heto ako ngayon pilit paring umaasa, pero masaktan na kung masaktan.
Desisyon ko 'to. Tatanggapin ko kung magiging kahihinatnan ng lahat ng to. Bahala na si Batman.
Naagaw ang pansin ko mula sa pag aayos ng mga halaman ng tumunog ang aking phone.
Nagtaka pa ako ng hindi naka save yung rumehistrong number.
+639091******
- Let's meet in Christobal's Mexican taste. 8pm. See you.
Lalong dumoble ang pagtataka ko. Ilang ulit kong binasa yung message. Walang nakalagay na pangalan.
Umiling ako saka itinabi ulit ang phone, baka kako wrong send lang. Binalikan ko ang mga halaman. Ito pala yung mga halamang si Ella pa daw ang nagtanim.
Bandang alas sais ng gabi ay tinulungan kong magluto si manang Costa ng ulam.
''Youmie, uuwi nga pala ako muna nang Rizal bukas. Birthday kasi nung panganay kong apo.''
Napangiti ako sa kaniya.
''Sege po, sasabihin ko kay Shiba.''
''Ay nga pala, kapag ganitong byernes ng gabi ay hindi dito umuuwi si Bree.''
Naipilig ko ang aking ulo, hindi kasi nasabi iyon ni Bree. Ilang sandali pang naihanda na ang hapunan ay nagpaalam na si Manang.
Nilibot ko ang aking tingin sa boung sala nang mapagtantong ako nalang pala ang mag isa sa bahay. Nakaramdam ako nang lungkot, napakatahimik --- hindi ako nasasanay ng ganito. Sa amin kasi, kapag ganitong oras ay maingay pa rin, andyan yung lakas nang boses nang mga tambay sa tindahan ni Estella, ingay nang mga batang naglalaro sa daan, yung mga nag aaway na mag asawa o di kaya'y mga asawang nag tsi - tsismisan na kung akala mo ay gumagamit nang mega phone.
Ayoko na dito, nalulungkot ako. Kapag ganito katahimik ng paligid ay gusto kong maiyak. Napaupo ako sa malambot na sofa sa sala, ayaw gumana nang isip ko kung anong pwedeng gawin upang hindi na ako lulungkot.
Pero bago pa ako umiyak ay naagaw ulit ang atensyon ko sa cellphone ko nang umilaw ito.
+639091******
I'll be waiting for you here at exactly 8pm. Christobal's Mexican Taste.
Gusto kong isiping si Shiba iyon. Bigla akong nakadama nang saya. Nang sipatin ko ang orasan ay alas syete palang kaya nagmadali akong umakyat at nagpalit ng damit.
Minsan ko nang naihatid sa lugar na yun si Iba, sosyal iyon at mamahalin. Naku! Niyayaya niya ako nang date? Sayang nga eh dahil ngayon pa ako naubusan nang load.
Sinout ko yung regalong damit sakin ni Baste, kulay itim iyon at hindi umabot sa tuhod yung tabas, off shoulder yung design niya at may bordang kulay dilaw ang bawat gilid nun. Medyo maluwang pa iyon ng konti sa akin pero pakiramdam ko ay ganda ko sa damit. Nilugay ko nalang din ang aking buhok na hanggang balikat ko na.
Napangiti ako nang humarap sa salamin, first date namin ni Iba ito sa isang mamahaling kainan kaya dapat maganda talaga ako. Sinout ko din ang bigay ni Bree'ng hikaw na perlas.
''Ang ganda mo Youmie..'' humagikhik ako pagkatapos kong sabihin iyon.
At dahil hindi ako sanay sa mag sandals na yan ay nag rubbershoes na ako. Crocs iyon na kulay puti, tumingin ulit ako sa salamin. Hindi naman na masama.
Kinuha ko ang aking pitaka at isang malaking jacket saka lumabas na nang kabahayan.
Kinikilig akong pumara nang taxi. Excited na ako, sayang talaga at wala akong load, ibabalita ko sana kasi kay Bree.
Hinimas ko ang aking tyan, ''baby, unang date namin ng ama mo ito. Hwag mo masyadong paiyakin si mama doon ha?'' Ngumiti ulit ako at palagay ko ay di na mawawala ang ngiti ko.
Sabi na eh, mahuhulog din ang loob niya sa akin, tiwala lang Youmie. Sabi ni lola, tiwala sa gandang pang Miss Universe! Idol ako nun eh.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan, nang makapasok naman ako ay palinga linga akong naghanap.
Maraming tao ngayon kaya naglakad pa ako papasok. Ang tanga ko din kasi, baka tatawag sakin si Shiba, naiwan ko pa ang cellphone sa kwarto. Ilang sandali lang akong naghanap, nag aalala pa ako pano nalang kung kanina pa niya ako hinihintay.
Isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita ko si Shiba. Ang gwapo niya, ang lakas talaga nang kaniyang dating. May tinignan itong mga papel. Sabi na eh! Sabi na talaga!
''Dios ko, isang boung araw ko lang naman siyang hindi nakita, bakit pakiramdam ko ay parang isang linggo na yun?'' Usal ko pa habang lumakad papalapit dito.
Siya lang mag isa sa mesa at alam kong hinihintay niya na ako. Kinikilig ako, si Shiba kasi, pwede naman nang sa bahay nalang kami. Ngiting ngiti ako pero biglang napalis iyon nang may isang babaeng lumapit dito.
Huminto ako sa paglapit, hinalikan nung babae si Shiba sa pisngi saka yumakap sa lalaki. Natitigilan ako.
Gustong tumakas ng kaluluwa ko sa nakikita. Gusto kong sabunutan yung babae, kaladkarin palabas saka hamunin nang suntukan, ang sarap pektusan! Pahinging ice pick!. Tang ina, ang sakit nang pakiramdam ko, parang pinipiga ang aking puso.
Ptang ina, bakit nanginginig ako, nasasaktan ako sa eksenang nakikita. Wala akong karapatan pero bakit sobrang sakit naman.
Mas lalo akong niyanig nang mapag alamang si maam Olivia pala yung babaeng kasama niya ngayon.
Hindi naman ganitong kasakit ang inaasahan ko. Hindi ganito...bakit? Bakit niya ako pinapunta dito?
----
BINABASA MO ANG
Sabihin Mo Sa Akin (Tell Me Bk. 2)
Ficción GeneralTELL ME Bk.1 first. Youmie Eunice Diomampo -26 y.o -Female -single -Utility Skills -carpentry, mason, driver, gardener, plumber, baby sitter, marunong maglinis nang bahay, magsaing, magluto at marami pang iba.